- Anna -
Halos isang oras na rin kaming nagkukwentuhan dito sa living area ng glass house.Naikwento nina Janus at Apollo na miyembro sila ng football team at sila ang nga star players nito.
Silang tatlo (kasama si Vince) ay college students at nasa ng Somerset Tertiary School.
Si Vince ang pinakamatanda sa aming lahat. He's 20 years old. He is currently taking up Business Administration.
Si Janus at Apollo ay kapwa naman 18 years old. Si Apollo ay nagtatake up ng Music major at si Janus naman ay Human Kinetics.
"Hindi pa pala kayo nagpapakilalang tatlo." Napaclap si Elaine ng maalala ang introduction portion na napending kanina.
"Sige ako na ang mauuna." Biglang tumayo si Apollo at pinagpag ang kanyang pantalon. Mabilis siyang pumunta sa gitna.
"Ako si Apollo. Ang nagiisang anak ng mga Guiller. May ari ang pamilya namin ng mga oil refinery sa iba't ibang parte ng mundo."
Madedescribe ko si Apollo bilang isang simple pero cute na lalaki. Matangkad - siguro mga nasa 5'10" - clean cut ang kanyang brown na buhok, at medyo bilugan ang kanyang mga mata. Kayumanggi ang kanyang kulay at may dimples sa kanang pisngi.
"Kung talent naman ang paguusapan uhmm... kumakanta ako. Hindi lang halata sa mukha ko. Hahaha. Tumutugtog din ako ng music instruments pero mas okay ako sa string instruments." Kapareho ko rin pala siyang tumutugtog ng music instruments. So, tatlo na kami nina Elaine dito sa club ang mahilig sa music.
"Yun lang. Salamat." Nagpeace sign siya pagkatapos magpakilala. Mukhang masayahing tao itong si Apollo katulad ni Gino.
"Ako naman ang next! Last ka na Vince since ikaw naman ang pinakamatanda." Tinap ni Janus sa balikat si Vince habang papatayo siya mula sa kanyang kinauupuan. Ngumiti na lang si Vince sa pang-aasar ni Janus.
"Ako naman si Janus Prieto. 18 years old. 5'10" ang height at part time model. May ari naman ng pinakamalaking minahan sa bansa at ibang parte ng mundo ang pamilya namin."
"Kung talent ang pag-uusapan ay magaling akong mamana, mamaril, manghiwa at magbato ng kutsilyo sa aking mga target. I love first blood! Bwahahaha." Nge! Warfreak ba siya? Paano naging talent iyong pamamaril, pamamana at pagbato ng kutsilyo?
"Hoy Janus! Seryosohin mo nga yung pagiintroduce sa sarili mo. Mukha tuloy natakot si Anna sa mga pinagsasabi mong kalokohan eh." Nakacross arms na sabi ni Elaine.
"Sorry po Ms. Elaine. More on ammunitions lang yung tinutukoy ko Anna. Promise hindi ako nananakit ng tao." Pagkasabi niya nun ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.
Kung idedescribe mo naman si Janus ay masasabing isa siyang Adonis dahil sa kanyang itsura. Itim ang kanyang buhok na may konting bangs na naka side swipe. Maganda ang built ng kanyang katawan dahil na rin sa pagiging star athlete niya.
"Okay my turn." Tumayo na si Vince mula sa kanyang pagkakaupo na siya namang pagbalik ni Janus sa couch.
"Ako si Vince Yamaguchi. Ang panganay na anak ng pinakamalaki at pinakamailpluwensiyang yakuza sa Japan. Maraming connections sa iba't ibang mga pamilya sa underground world ang pamilya namin. Nakakatakot man pakinggan pero I can definitely prove na hindi ako masamang tao." Naniniwala ako sa mga sinasabi niya kasi nararamdaman ko namang hindi siya masamang tao.
Describing Vince's physique is easy. Isang siyang maputing lalaki na medyo slim ang pangangatawan, kasing tangkad nina Apollo, itim na itim ang kanyang maikling buhok at napakachinky ng mga mata niya.
"Ang talent kong maipagmamalaki ay ang aking calligraphy at husay sa pottery. Nagcoconduct din ako ng tea ceremony lessons kapag wala akong magawa sa bahay. Yun lang. Salamat." Nakangiti siya habang nagbobow sa aming lahat.
Napapalakpak ako sa pagkamangha sa kanilang lahat.
Wow!
Surely this club is somewhat unique sa lahat ng mga club na naeexist.
Bigla kong naalala yung nasa qualifications ng club na ito.
Tama ngang lahat ng mga member nito ay mula sa mayayamang pamilya, talented at mababait.
Itinuloy namin ang pagkain ng meryenda pagkatapos ng introduction portion ng lahat.
"Oh paano ba yan guys? I need to go. May appointment pa ako." Bigla pagiinterrupt ni Vince sa aming kainan portion.
"Naku chicks ba yan pre? Hahaha." Pangaasar ni Janus sa kanya
"Sumama ka sa akin para malaman mo. Baka umuwi ka sa bahay ninyong nanginginig sa takot." Nakangiting sabi ni Vince sa kanya.
"Naku huwag na. Baka ikamatay ko pa yan. Mahal ko ang buhay ko pre. Haha." Cool at natatawang sagot ni Janus.
"Sige. Una na ako. Bye guys!" Tumalikod na siya sa amin at naglakad papalayo.
Pero... Bigla siyang bumalik at lumapit sa akin.
Kinuha niya ang kanang kamay ko at biglang nagsalita.
"I'm happy to see you smile. Sore ga tsuini o ai ureshidesu." Saka niya hinalikan ang kamay ko.
H-Ha?
Pero hindi ko naman naintindihan ang mga huling salitang sinabi niya. Ano daw iyon?
Pero mas angat sa aking tanong ang nararamdaman kong pag-init ng mga pisngi ko dahil sa hiya.
Para tuloy akong sasabog na kamatis sa sobrang pagkapula ko.
Pinat niya lang ang ulo ko at tumalikod para maglakad papalayo habang ako ay tulala pa rin.
Napatingin na lang ako sa direksyong nilalakaran niya habang ramdam kong mainit pa rin ang aking mga pisngi sa kahihiyan.
'Bakit feeling ko ang daming nakatingin sa akin?' Sabi ko sa sarili ko.
Lumingon ako sa mga taong nakatingin sa akin at nakita kong lahat sila ay nagulat din sa nasaksihan nila.
This is so embarrassing!
"Wow. That's the first time na nakita kong ganoon si Vince sa isang babae. OMG! I think he likes you Anna." Kinikilig na sabi ni Alexa.
"Mukhang gustong gusto ka ni Vince! Congrats Anna!" Sabi ni Gino habang ginugulo ang buhok ko.
"Uyyy!" "Ayyiiiee!"
Iyan ang mga karaniwang salitang maririnig mo mula sa kanila.
Naku! Sasabog na 'ata ako sa sobrang hiya. Feeling ko talaga ang pula pula ko na.
"Hahahaha. Ang pula pula mo na Anna. Ayyyiieee!" Patuloy na pangaasar sa akin ni Elaine.
Sana naman bumilis ang oras para tigilan na nila ako sa pangaasar nila.
I'm not used to this feeling!
+++++++++++++++++++++
Edited and republished: May 20, 2020
Originally Published: April 2014
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...