- Vince -
"Welcome back, Young Master." Sabay sabay na bati ng mga tauhan ko habang papasok ako ng bahay."Good evening." Pagod kong bati sa kanila. Ang haba ng araw na ito para sa akin at sa wakas, may pagkakataon na akong makapagpahinga.
"Handa na po ang inyong hapunan, Young Master." Sabi ni Mrs. Miura pagkadaan ko ng living room.
"Salamat po. Kakain po ako maya maya. Magpapalit lang po ako ng damit." Tugon ko sa kanya.
"Sige po, Young Master." Nagbow siya saka tahimik na umalis.
Dali dali akong pumunta sa kwarto para makapagpalit. Napansin kong alas diyes na ng gabi. Late na pala ako nakauwi ngayon.
Napaexercise ako ng wala sa oras dahil dun sa Abueva na yun. Tsk. Buti na lang at sinigurado ni Sato na magiging aral sa kanya ang ginawa niyang panunuhol sa akin.
Ayokong sirain ang buong araw na ito kakaisip tungkol sa sira ulo na iyon. Nakakagutom din ang masyadong pagiisip.
Pagkababa ko sa dining room ay nandoon na si Mrs.Miura at inihahanda ang aking hapunan.
Hmmmm. Amoy miso soup. Mukhang inihanda ni Mrs. Miura ang pinakapaborito kong hapunan ngayon.
"Salamat po Mrs. Miura." Magalang kong pagpapasalamat sa kanya.
"Young Master, may mga sulat po kayo ulit mula sa inyong mga tagahanga. Inilagay ko na po iyon sa ibabaw ng inyong study table." Magalang na sabi ni Mrs. Miura habang inihahain sa plato ang aking pagkain.
"Salamat po. Mukhang hindi pa rin tumitigil ang mga iyon sa pagsunod sa akin. Ganoon ba talaga ako kagwapo Mrs. Miura? Haha." Pabiro kong tanong sa kanya.
"Opo Young Master. Kamukha niyo po ang inyong ina na siya naman pong napakaganda. Nakuha niyo naman po ang kakisigan ng inyong ama." Nakangiting sagot ni Mrs. Miura sa akin.
"Iba talaga kapag tinitingnan lang ng karamihan ang physical features ng tao. Mabilis masilaw ang karamihan." Nagkibit balikat na lang ako pagkatapos kong sabihin iyon.
"Hmmmm. Ang sarap po ng kari Mrs. Miura." Humigop din ako ng miso soup at... ang sarap! Nakakagaan sa pakiramdam ang lasa ng miso at kari.
"Mabuti naman po at nagustuhan ninyo ang inyong hapunan." Masayang sagot ni Mrs. Miura.
"Kumain na po ba kayong lahat Mrs. Miura?" Ayokong mas nauuna akong kumain sa kanila kahit iyon ang panuntunan sa angkan namin. Hindi ko iyon sinusunod dahil ayokong pinaghihintay ang mga taong nag-aalaga at pumoprotekta sa akin.
"Opo, Young Master. Lahat po ay nakakain na tulad ng parati ninyong bilin." Sagot ni Mrs.Miura sa akin saka siya muling nag-bow.
Pinaalala ko na dati kay Mrs. Miura na wag na masyadong pormal kapag kaharap ako dahil wala naman kami sa Japan. Pero, ayaw pa rin niyang baliin ang rule na iyon dahil iyon ang sinumpaan niyang tungkulin sa pamilya ko.
"Siya nga po pala Young Master. May isang package ang dumating para sa inyo. Galing po ito kay Mr. Smith. Nacheck na po namin na safe po ang mga nilalaman nito." Mahinhin na pagkakasabi ni Mrs. Miura.
"Sige po. Ichecheck ko mamaya. Salamat po ulit." Tinapos ko na kaagad agad ang aking pagkain para makita ang mga laman ng package.
Pagkatapos kong uminom ng juice ay nagpasalamat muli ako kay Mrs. Miura at nagbow. Saka ako tumakbo ng matulin papunta sa kwarto dahil matagal ko nang hinihintay ang resulta ng halos ilang taon kong paghahanap.
Pagkarating na pagkarating ko sa kwarto ay kaagad kong hinanap ang package at nakita kong nasa tabi nga iyon ng mga sulat na nasa ibabaw ng study table.
Nasa isang mahabang brown envelope ang package at mukhang maraming laman dahil sa kapal at bigat ng envelope. Dahan dahan ko itong binuksan at kinuha ang mga laman.
'Mga dokumento, larawan at sulat.' Sabi ko sa sarili habang paisa-isa kong binubulat ang laman ng envelope.
Isa isa kong tiningnan ang mga larawan na kasama sa envelope hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang asul na papel.
Ibinaba ko ang mga larawang hawak ko saka ko sinimulan ang pagbasa sa nilalaman ng papel.Unti unti kong nararamdaman ang lungkot sa bawat linyang binabasa ko. Nang hindi ko na makayanan ang guilt na nararamdaman ay itinigil ko ang pagbabasa saka ko ito binitawan.
Napahiga ako sa aking kama at pinipilit kong mag-isip ng maayos sa lahat ng impormasyong matagal ko ng gustong malaman.
'I'M SUCH AN EFFIN' LOSER!' Galit kong sabi sa sarili.
'Sana... Sana man lang ay may nagawa ako in return sa lahat ng nagawa niya para sa akin.'
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at sinuntok ng malakas ang pinakamalapit na pader sa sobrang galit ko sa sarili.
Bakit wala akong nagawa para sa kanya? BAKIT? BAKIT?At hindi ko na namalayan ang mga luhang tumatangis sa aking mga mata habang patuloy kong sinusuntok ang pader.
+++++++++++++++++++++++++
This is the end of Stanza 9 series that introduces each and every character of my story. Next chapters will be released next week, June 7, 2014. Hope you'll like the upcoming chapters of my story. Thank you :)
*Edited and re-published - 6 May 2017*
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
Fiksi PenggemarThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...