Stanza 28: Untold Secret

1K 70 27
                                    

- Elaine -


Nandito kaming lahat sa glass house dahil sa oras na ng elective namin. 

Kumpleto na sana kaming lahat kung nandito lang si Kuya Vince kaso... 

"Oh, bakitsshhh nakapalumbasshhbasshh ka diyansshh? Maysshhh problema ka ba sshhkeleton?" Tanong ni Gino habang kumakain ng cake. 

"Manners naman Gino. Don't eat while your mouth is full. That's very basic. Ugh!" Wala ako sa mood para patulan itong isang 'to. Nakakaloka lang naman kasi ang nalaman kong balita mula sa mga trusted source ko kung bakit two weeks ng wala si Vince. 

Sana nga joke lang 'yun kaso hindi eh. 

********** flashback ***********

"Salamat po Manang." Nagpasalamat ako kay Manang ng maghain siya ng Jasmine tea para sa aming dalawa ni Mr. Perez. 

Si Mr. Perez ay isa sa mga private investigator ng company namin na hiniram ko pansamantala para mag-imbestiga sa long absence ni Kuya Vince.

"Ms. Elaine, may nakuha na po akong balita tungkol kay Mr. Vince Yamaguchi." Straight forward niyang sabi pagkatapos humigop ng tea.

"Ano po iyon?" Kinuha ko ang aking tasa at saka humigop mula dito ng dahan dahan. 

"Ehem. N-Nakapatay po ng tao si Mr. Vince Yamaguchi." 

Pfffttt! 

Biglang kong naibuga kay Mr. Perez ang nainom kong tea sa sobrang pagkabigla. Alam kong hindi yun gawain ng isang tunay na babae pero wala akong choice eh. Nakakagulat kaya yung sinabi niya. 

"S-Sorry po. N-Nabigla po kasi ako sa sinabi ninyo. Hindi ko po sinasadya. Pffttt." Pinipigilan kong matawa sa itsura niya ngayon. Paano ba naman kasi nakangiwi siya na halatang nandidiri sa pagkabasa ng kanyang mukha. 

"Eto po tissue. Pasensya na po talaga. Pffttt." Pigilan mong tumawa Elaine! Manners! Manners! 

"O-Okay lang po Ma'am. Ahem. Eto po ang nasagap kong balita tungkol doon at ito rin po ang usap usapan ngayon sa underground world." Seryoso at walang halong pagbibirong sabi ni Mr. Perez habang pinupunasan ng tissue ang kanyang mukha. 

"Alam niyo po ba ang dahilan kung b-bakit at ano ang dahilan kaya siya n-nakapatay?" 

"Sinubukan ko pong alamin Ma'am, kaso wala po talaga akong makuhang impormasyon tungkol doon. Pasensya na po." Malungkot na tugon ni  Mr.Perez. 

Hindi ako makapaniwalang makakapatay si Kuya Vince! Ni sa panaginip ata hindi makakapatay ng langaw iyon kaso tao ang napatay niya? Bakit? Anong dahilan mo Kuya Vince para magawa mo iyon? 

************** end of flasback **************** 

Hindi dapat malaman ng iba ang totoong nangyari kay Kuya Vince. Pero parang ang unfair naman kung hindi ko sasabihin sa kanila ang dahilan ng long absence niya. 

Waaaahhh! Naguguluhan na ako! 

"Oh anong nangyayari sa'yo Elaine? Baliw ka na ba?" Sabi ni Janus nang makita niyang ginugulo ko ang sarili kong buhok dahil sa frustration. 

"Sabihin mo lang sa akin kasi may alam akong malapit na mental hospital. Hahaha." Ugok 'to! Pagkamalan ba akong baliw! 

"CHE! MENTAL HOSPITAL YOUR FACE!" Kainis ah! Kung alam niyo lang talaga guys! Kung alam niyo lang! Aaahhhhh! 

Napatingin ako kung sino yung kumakalabit sa akin at nakita kong nakapuppy eyes sa akin si Anna. 

"B-Bakit Anna?" Bakit kaya nagpuppy eyes si Anna my dear ko? OMG! Baka tanungin niya ako kung anong nagbobother sa akin! Heeelp!

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon