Stanza 41: Meet The Parent

470 24 10
                                    

- Anna -


Kanina pa ako palakad lakad at paikot ikot dito sa living area namin. 

Hindi ako mapakali habang pasulyap sulyap ako sa hawak hawak kong cellphone. Kanina ko pa chinecheck kung nagmessage na sa akin si Apollo. Susunduin niya kasi ako ngayon para doon sa bahay nila magrehearse ng piece na ipeperform namin para sa major subject niya.

Hindi ako mapakali kasi unang una nandoon ang mama niya at gusto daw akong makilala nito. Pangalawa, kaming dalawa lang ni Apollo ang magkasama sa studio niya sa bahay meaning...

'Waaaaahh! Don't assume too much Anna. Magbblush ka na naman kapag nag-isip ka na naman ng kung ano anong bagay. Baka mamaya hindi naman totoo itong iniisip ko.' Sigaw ko sa loob loob ko habang umiiling iling.

Napaupo ako sa malaking couch at napabuntong hininga ng malakas saka ko inilagay ang mga kamay ko sa aking mukha. Baka mamaya inaassume ko lang talaga na may gusto si Apollo sa...

"Someone is waiting for her knight in shining armor. How sweet?" Rinig kong asar ni Kuya mula sa likod ng inuupuan kong couch. Napalingon ako sa likod ko at nakita kong nakasandal siya sa tabi ng sliding doorn.

Tumabi sa akin si Kuya at nakita niyang may hawak akong cellphone na siya naman niyang ikinangiti.

"Hmmmm. Excited much? Haha. Even if you say no, your face won't lie to me." Tama si Kuya. Kahit anong tanggi ko, mahahalata sa kilos at mukha ko ang totoong nararamdaman ko ngayon. Masaya ako na kinakabahan na hindi ko maipaliwanag na ewan. Basta! Halo halo ang mga nararamdaman ko ngayon.

Meow. Meow.

Natataranta kong kinuha ang cellphone ko at chineck kung sino ang nagmessage sa akin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napangiti ako ng makita ko ang pangalan niya.


From: Apollo
To: Me
Message: Papasok na ako ng gate ng bahay. Huwag ka nang lumabas. Ako ang susundo sa iyo diyan sa living area. ;)


'Paano niya nalaman na nandito... Argh! SI KUYA! I knew it! I knew it!' I can feel the heat growing on my face. Feeling ko kinikilig ako. Hindi. Hindi. Feeling ko nasosobrahan lang ako sa tuwa kasi napaka gentleman ng gesture niya sa akin.

"Hahahaha. You look like a tomato." Asar ni Kuya saka ginulo ang buhok ko.

'Aaaaaaaaaahhh! Yung buhok ko! Kuya naman eh!' Sigaw ko sa loob loob ko.

Habang inaayos ko ang buhok ko ay siya namang pagkarinig ko ng makina ng sasakyan na papasok ng gate namin. Minadali ko ang pagsuklay sa buhok ko gamit ang aking mga kamay saka ko chineck ang suot suot kong powder pink na dress kung mukha na ba akong presentable tingnan.

'Sana okay lang na simpleng dress lang ang isinuot...'

"Hey Apollo, how are you?" Bati ni Kuya na siyang ikinahinto ko sa ginagawa ko. 

Tumayo si Kuya para batiin si Apollo samantalang dahan dahan akong tumayo at hindi nakikipag eye contact sa kanya.

'Bakit ba ako nahihiya ng ganito?' Tanong ko sa sarili habang patuloy pa rin akong nakayuko at hindi tinitingnan si Apollo.

'Thank you. It means a lot to me.'

'Waaaaaaah! Naalala ko na naman yung sinabi sa akin ni Apollo. Feeling ko namumula na naman ako ng wala sa oras.' Natataranta kong sabi sa sarili habang umiling iling ako at sinusubukang tanggalin ang mga salitang iyon ni Apollo.

"Mabuti naman po. Gwapo pa rin hahaha." Rinig kong sagot ni Apollo kay Kuya at nakita kong nag fist bump sila. Pagkatapos nun ay nakita kong napatingin siya sa akin saka siya ngumiti.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon