Stanza 32: Elements of Jealousy

761 56 60
                                    

- Apollo -

Ang sakit!

Sobrang sakit!

Ang sakit sa puso ng nakita ko!

Para bang sinadya ng pagkakataon na makita ko ang eksenang iyon.

At ang mas masakit sa lahat ay ang pagyakap lalo ni Vince kay Anna ng mahigpit ng makita niya akong nakatayo at nanunuod sa tapat ng kaniyang veranda.

Damn! Bakit doon pa kasi ako dumaan? Bakit hindi pa ako umalis kaagad ng makita silang magkayakap? Bakit?

PAK! 

Damn! Nakakainis! Arrrggghh! 

PAK!

"Apollo, okay ka lang ba? Bakit mo sinusuntok 'yang poste?" Napahinto ako sa pagbubuhos ng sama ng loob sa poste ng may magsalita mula sa likod ko.

Nilingon ko kung sino ito at nakita ko si Anna at Kuya Sato na magkasama. Halata sa kanilang mukha ang pagtataka sa ginagawa ko.

"Wala lang po." Matamlay kong sagot kay Kuya Sato.

"Ah okay. Pabalik na rin pala kami sa loob. Kinausap kasi sandali ni Young Master si Anna. Sumabay ka na sa amin." Kinausap sandali? Heh. Pag-uusap na may kasamang pagyakap ang sabihin mo!

Arrrrgghh! Ano bang pinagsasabi ko? Nakakainis! Feeling ko nagseselos ako ng sobra sobra!

"Apollo?" Naantala bigla ang pagwawala ng isip ko ng tawagin akong muli ni Kuya Sato.

"T-Tara na po." Mabilis kong sagot sa kanya sabay talikod.

Pinauna ko nang maglakad si Kuya Sato dahil hindi ko alam ang daan pabalik.

'Kaya ka nga napunta doon sa tapat ng veranda ni Vince kasi wala kang alam sa direksyon!' Peste! Peste! Pati 'tong isip ko ay pinapagalitan ako! Nakakainis!

Umiling iling na lang ako para mawala sa isip ko ang larawan ng eksenang nakita ko kanina. Arrrggghh!

Napalingon ako sa tabi ng maramdaman kong may humahatak hatak sa manggas ng damit ko. Nakita ko si Anna na alalang alala nang matagpuan ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

'Okay ka lang ba?' Ipinakita niya ang nakasulat sa sticky note pad na dala dala niya.

'Iyan yung sticky notepad na hawak hawak niya ng makita ko silang magkayakap.' Damn! Bakit bumabalik ang mga eksenang iyon sa utak ko?! Bakit?! Arrgggh!

Umiling iling na lang ulit ako para matanggal ang eksenang paulit ulit na nagpplay sa utak ko.

Naramdaman kong may kumakalabit na naman sa manggas ko ng paulit ulit habang patuloy ang pagrerewind ng mga eksenang iyon sa isip ko.

Sa sobrang inis ay hinawi ko ang mga kamay na kumakalabit sa manggas ko nang may kalakasan.

"ANO BA? ANG KULIT KULIT MO!" Sigaw ko sa nangangalabit sa akin habang hindi tumitingin sa kanya. Hinawi ko ng malakas ang kamay ng taong kanina pa ako kinukulit.

Biglang huminto sa harapan ko si Kuya Sato dahil sa narinig niyang pagtaas ng boses ko at napatingin sa aking likuran.

Napalingon ako kung saan nakatingin si Kuya Sato at nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat ng makita ko si Anna na gulat na gulat na nakatingin sa akin at hawak hawak ang kanyang kanang kamay habang hinihimas ito.

"Sorry Anna..." Automatic na lumabas ang mga salitang 'yan sa aking bibig na para bang alam ng utak ko na ako ang may kasalanan sa pananakit sa kanya.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon