- Anna -
2nd week of October
~Intramurals Week ng High School Department~
Napapailing na lang ako sa kinauupuan ko ngayon. Isa ito sa pinaka-ayaw ko sa school events.
Paano ba naman kasi napakalampa ako sa mga ganitong event. Nagiging pabigat lang ako sa team kung saan ako kasali kaya I prefer na nasa support team lang ako. Iyong taga bigay ng pamunas, inumin or taga cheer (kahit wala akong boses).
"Oh Anna? Okay ka lang ba diyan?" Tanong ni Elaine ng makita niya akong nagsspace out.
Tumango na lang ako para alam niyang okay ako kahit hindi.
"Weh? Don't lie to me Anna. I know na ayaw mo sumali sa mga ganitong activities. Pwede ko naman sabihin yun kay President Wilson eh." Nabanggit na naman ni Elaine yung topic na iyan.
Sabi niya kasi kung ayaw ko talaga eh pwedeng pwede naman daw ako magsabi kay President Wilson since isa yun sa mga privileges ng members ng S.O.S club. Kaso, naisip ko naman na magmumukha akong pa-special treatment which is isa sa mga ayaw ko.
Kaya eto... No choice ako.
"Hayaan mo Anna, magkateam naman tayo kaya ako ng bahala. Leave it all to me! Bwahahaha." Proud na sabi ni Gino para palakasin ang loob ko.
"Tama si Gino, Anna. Magaling naman 'yan kahit loko loko yan. Hindi ka niyan hahayaang masaktan sa game mamaya. " Pag-aassure sa akin ni Elaine.
"WOW Elaine! First time mo akong pinuri ah. May sakit ka ba ha? Ha? Ha?" Sabay hawak ni Gino sa noo ni Elaine.
"SHUT UP Gino! Pinapalakas ko lang loob ni Anna para mamaya. Hindi kita pinupuri. Asa ka pa! Hmpff!" Hahaha. Nakakatuwa talaga silang dalawa kapag nagaasaran.
"Ay ganun? Sungit mo naman! Bleeeehhh!" Parang bata si Gino nang bumelat siya kay Elaine.
Tawa lang ako ng tawa habang pinapanuod sila. Kahit papaano eh nawawala ang...
"ANNOUNCEMENT! PARA SA LAHAT NG KASALI SA LACE EVENT AY MANGYARI LANG NA MAG-ASSEMBLE NA SA MAY SCHOOL FIELD. WE'LL START WITHIN 10 MINUTES"
... k-kaba ko.
"Anna!" Nagulat ako sa pagtawag sa akin ni Gino.
"Just trust me, okay? Mananalo tayo. Promise ko 'yan sa'yo." Nakangiting pag-aassure sa akin ni Gino.
"Ayan! Nagsmile ka na. Ang cute mo kaya kapag nakasmile ka." Feeling ko nagblush ako sa sinabing iyon ni Gino. Waaaahhh! Bakit ba ang bilis kong magblush?
"Basta mag-ingat ka ha. Mag-aalala ako ng sobra kapag may nangyari sayong masama sa game." Bigla akong niyakap ni Elaine pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti sa pag-aalala niya sa akin. Alam kong sincere siya sa sinasabi niya.
Pagkatapos kong magpaalam kay Elaine ay sabay sabay kaming naglakad papunta sa school field para mag-assemble. Kami ni Gino at yung isa naming kaklase na si Ian ang magka-team.Kung iniisip ninyo kung anong klaseng game ito, ganito lang siya laruin:
Game Instruction:
- May dalawang tao ang magbubuhat sa isa nilang teammate. Ang teammate na buhat buhat nila ang tanging player na kukuha ng lace na nakatali sa ulo ng ibang team.
- Hindi pwedeng kumuha ng lace ang mga team members na responsible sa pagbubuhat. Sila lang ang tatakbo at magtuturo ng direksyon kung saan at kanino kukuha ng lace. Hindi rin sila pwedeng manipa, mamatid or manakit ng ibang players habang nasa field. Automatic disqualified ang team na lalabag sa rule na iyon.
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...