Stanza 11: Weirdness To The Maximum Level

1.8K 160 50
                                    

- Anna -


"Good morning Ms. Anna." Nakangiting bati ng driver ni Vince.

Alam din niya ang pangalan ko?

Siguro sinabi ni Vince sa kanya kaya alam niya.

Tama! Wag kang praning Anna!

Tumango din ako habang nakangiti sa kanya bilang pagbati.

Akala ko susunod si Vince sa akin sa pagsakay mula sa kanang pinto pero nabigla ako ng bumukas ang kaliwang pinto at doon siya sumakay.

Ngumiti siya sa akin pagkaupo niya kaya ngumiti na lang din ako sa kanya.

'Relax lang Anna. Re...' Napahinto ako sa pagkausap sa sarili ko ng mapansin kong lumalapit si Vince sa akin.

'Oh no! Anong gagawin niya?' Nagpapanic kong sabi sa sarili.

Nang malapit na siya ay bigla akong napapikit dahil hindi ako sanay na may ibang lalaki na ganito kalapit sa akin.

"Ikakabit ko lang ang seat belt mo para safe ka. Ayokong mapaano ka kapag nagsimula nang magpatakbo ng kotse si Sato." Bigla kong minulat ang mga mata ko nung narinig ko ang mga sinabi niya.

Napatingin ako sa kanya at halata mong pigil siya sa pagtawa.

Ako naman, eto sobrang flustered sa sobrang kahihiyan.

'Grabe! Nakakahiya! Wag ka kasing mag-assume ng masama Anna!' Pagsscold ko sa sarili ko.

Bumalik na siya sa kanyang kinauupuan sabay sabi sa kanyang driver na umalis na kami na siya naman pag-andar ng kotse.


Habang nasa biyahe ay walang kumikibo sa amin.

O siguro, ako lang ang hindi kumikibo.

Nakatingin lang ako palagi sa may bintana para hindi ko siya matingnan sa mata kasi nakakahiya yung reaksyon ko kanina. Masyado kasi akong nag-assume na may gagawin siyang kalokohan sa akin.

'Nakakahiya talaga inasal ko kanina!' Patuloy kong sabi sa sarili.

Kaya sinubukan kong tumingin sa kanya ng dahan dahan at napansin kong nakatingin lang siya ng diretso sa harapan ng kotse.

Eh? Anong tinitingnan niya doon?

Nang tumingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin ay nakita kong nakatingin siya sa rear view mirror.

At nagkatinginan kami. Eyes to eyes.

What? Kanina pa ba niya ako tinitingnan doon?

Feeling ko nag-bublush na naman ako sa pag-aassume ko.

'Don't make any assumptions Anna!'

Tumingin kaagad ako sa bintana na nasa tabi ko at pinipilit na hindi tumingin sa kanya saka ko hinawakan ang aking mukha dahil alam kong namumula na naman ako sa kahihiyan na nararamdaman ko.

'Namumula na naman ako. Nakakahiya.' Sabi ko sa sarili habang patuloy kong itinatago ang aking mukha sa pagitan ng aking mga kamay.

"Hahahaha! Nakakatuwa ka talagang tingnan kapag namumula ka. I'm really sorry if I embarass you." Natatawang sabi ni Vince.

Pinagtitripan niya ba ako kaya siya nagsosorry?

'Saka hindi kaya ako nakakatuwang tingnan kapag namumula.' Napa-pout ako bigla ng maisip ko ang bagay na iyon.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon