Stanza 44: My Love

5 0 0
                                    

- Ellie -


Nang matapos ang pananghalian namin ay kaagad kaming tumungo sa President's office para na rin sa gagawing announcement ni President Guiller.

Ang pamilya ni President Guiller ay isa sa mga respetadong pamilya dito sa bansa. Halos lahat ng business ay hawak nila o hindi kaya ay may investment sila doon kaya maraming tao ang gustong mapalapit sa kanila. Ang balita ko nga ay kakabili lang ni President sa eskwelahan na ito isang buwan pa lang ang nakakaraan. Dito rin daw nag-aaral ang unico hijo niya. 

Ang swerte naman niyang lalaki kung tutuusin. Libre na siya ng tuition tapos pagkagraduate eh sigurado na ang kinabukasan niya.

Pagkatapos kong magmuni muni ay kaagad kong pinakiramdaman ang paligid.

'Hayyyy. Tahimik pa rin ang lahat at halos kaming dalawa lang ni Regina ang nag-uusap pero puro tango at maiikling sagot lang ang ginagawa ko sa kanya. Naguguilty ako sa sinabi ko kanina. Una si Fred tapos si Andrew. Hay. Kasalanan ko ito eh.' Sabi ko sa sarili habang dinadaldal ako ni Regina tungkol sa iluluto niyang cake.

"Nandito na tayo." Napahinto ako ng biglang magsalita si Andrew. Di ko namalayan na nasa tapat na pala ako mismo ng pintuan ng President's office.

Dug.Dug.Dug.Dug. 

'Bakit ako kinakabahan? Nakakainis! Sana... Sana hindi tungkol sa ginawa kong pageeskandalo yung pag-uusapan ng lahat. Mabilis pa man ding kumalat ang balita sa eskwelahan na ito.' Sabi ko sa sarili.

Knock. Knock.

Kaagad na pumasok si Andrew sa President's office pagkakatok at hindi man lang nagpakilala.

'Aba't walang galang 'tong mokong na 'to! Sino ba siya para dire-diretso na pumasok...'

"Pa. Kasama ko na silang lahat." Dire diretsong sabi ni Andrew kay President Guiller

'P-Pa? Ibig sabihin... Siya yung unico hijo? Gulat kong pagtatanto habang nanlalaki ang mata ko sa pagkabigla.

"Magandang hapon mga bata, maupo kayo." Magalang na bati sa amin ni President Guiller.

Umupo kaming dalawa ni Regina sa isang mahabang couch na nasa kanan ni President samantalang sa kabila naman sila Fred at Andrew.

Sabay kaming umupo ni Regina habang hindi pa rin nawawala sa mukha at utak ko ang pagkagulat.

"Kamusta ang tanghalian ninyong lahat? Balita ko may nangyari kanina sa cafeteria." Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Papatalsikin na ako dito sa school!

"Pa. Baka matakot mo si Elisa. Sabihin mo na lang kasi sa amin yung dahilan kung bakit mo kami pinatawag." Sagot ni Andrew sa tatay niya.

"Hahaha. Biro lang naman iyon. Natutuwa nga ako at kahit papaano ay may bagong nangyayari sa eskwelahan na ito." Bakit siya natatawa? Anong nakakatawa? Ako ba yung pinagtatawanan niya?

'Ano ba Elisa! Huwag kang negative! Sabi nga niya di ba BIRO lang iyon kaya huwag ka nang mag-isip ng kung ano ano diyan!' Sabi ng konsensya ko sa akin at siya ko namang sinunod.

"Okay so, to start. Napili ko kayong apat bilang mga unang members ng itatayo kong club dito sa Somerset. Since kayong apat ang mayroong almost perfect na grade at may matitinong ugali kaya kayo ang napili ko. Iyong glass house na itinatayo sa may dulo ng golf course ang siyang magiging headquarters ng club. Doon kayo pwedeng magstay during your electives and do your own hobbies. It's only restricted to the club members. Okay ba ang ideya na iyon sa inyo?" Nakangiting tanong sa amin ni President.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon