- Elaine -
Umupo muna kaming lahat matapos ang kaunting drama kanina. Siyempre, katabi ko sa upuan si Anna my dear ko.
"So anong balak ninyo? Bigla na lang pumunta doon tapos kakatok sa gate nila at magsasabing, 'Hello, nandito po kami para bisitahin si Vince. Nandiyan po ba siya?' Sa palagay niyo ba ganoon na lang madaling pumunta doon ngayon?" Panenermon ni Janus sa aming lahat.
"Pwede nating kulitin si Kuya Sato na papasukin tayo kung bawal talaga eh. Kung hindi eeffect, magmakaawa na lang tayo with matching puppy eyes since lahat naman tayo ay mga cute people. Hahaha." Suggestion ko sa kanya.
"Hay naku! Hindi yun tatalab Elaine. Alam naman ninyong sinanay lahat ng mga tauhan nila na maging manhid. Tsk." Masungit niyang sagot sa akin.
Biglang nagsulat ng mabilis si Anna sa kanyang sketch pad at ipinakita sa amin.
'Siguro kapag tinawagan natin siya at sinabi nating ako ang may idea ng pagbisita natin ay baka magbago ang isip niya.'
Kaagad kaming tumingin sa kanya matapos naming basahin ang nakasulat sa kanyang sketch pad. Namumula siya at halatang nahihiya sa kanyang isinulat. Yaaahhh! Ang cute ng idea ni Anna!
"Yaaaahh! Ang cute cute mo talaga Anna. Kaya love na love kita eh!" Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong yakapin si Anna kapag ganyan ang reaksyon niya. So cute to the highest level!
"Kanina ka pa yakap ng yakap kay Anna. Malalamog na siya sa ginagawa mo!" Sabi ni Apollo habang naka-cross arms at nakatingin sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.
"Eh bakit ba? Eh sa gusto ko siyang yakapin eh! Okay lang naman kay Anna my dear yun eh! Di ba Anna?" Tumingin ako kay Anna pagkatapos sabihin iyon at nagnod siya habang nakangiti ng sobrang sweet sa akin.
"Yaaaahhh! Ang cute mo talaga Anna. Sana akin ka na lang. Sana kapatid na lang kita! Yaaahh!"
"Tsss. Kainis!" May binulong na kung ano si Apollo na hindi ko naman narinig.
"May sinasabi ka ba diyan?" Masungit at nakapout kong tanong sa kanya.
"Wala." Bored niyang sagot habang umiiwas ng tingin sa akin.
"Okay. So, back to the topic. Bale yung sinabi na lang ni Anna yung sundin natin. Mukhang effective yun saka sigurado akong..."
"Sa palagay mo Elaine hindi ko ginawa yun para lang makapunta tayo sa kanila? Ginawa ko na yun at walang pagbabago." Masungit na sagot sa akin ni Janus.
Ano ba yan? Lahat na lang ng paraan hindi pwede? Kainis na ah!
Tumingin ako kay Anna at nakita kong nalungkot siya sa sinabi ni Janus. Mukhang wala nang way para makita namin si Kuya Vince at maliwanagan kaming lahat sa tunay na nangyari. Alam ko ding concern ang bawat isa sa amin sa kalagayan niya kaya gustong gusto namin ang idea ni Anna na pagpunta sa kanila. Kaso... Haaayysss.
Habang nagiisip ako ng ibang paraan ay nakita kong tumingin si Anna kay Apollo ng matagal.
Si Apollo naman, nang mapansing nakatingin sa kanya si Anna ay ngumiti ito ng ubod ng laki at nag-peace sign.
'Aba't pangiti ngiti at papeace peace sign pa itong isang 'to?' Inis kong sabi sa sarili ko habang nakatingin ng masama kay Apollo.
Nagulat ako ng sweet na ngumiti sa kanya si Anna at nagpeace sign din.
'Aba't nagtandem pa silang dalawa! Naku Naku! This can't be happening! Aaaahh!'
Huminto ako sa pagapanic ng biglang nagbago ang expression ni Anna na para bang naexcite siyang magsulat dahil kaagad niyang dinampot ang kanyang sketch pad at dali daling nagsulat dito.
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...