- Guy from rooftop -
Aray naman! Nabagok ata ulo ko doon ah! Ahuhu.
Teka... Nasaan na siya?
Hala! Nilayasan ako nung babae? Naman oh!
Bakit naman kaya umalis yun bigla?
Mukha siyang nabigla nung nagsalita ako.
Bakit? Nakakatakot ba ang boses ko?
"Ahem. Ahem. Hello mic test. Hello mic test."
"Hindi naman ah. Ang ganda nga ng boses ko, pangDJ ang quality. Hmmm... Baka dahil nasungitan ko?"
Nah. Para akong tanga dito. Nagsasalita mag-isa. Pero hindi naman nakakatakot yung boses ko ah. Nabangga tuloy ako ng hindi oras. Tsk. Tsk. Bakit pa kasi ako umepal sa ginagawa niya eh.
Yawn.
Oh well, makapagpahinga na nga lang ulit.
****** after 10 minutes ******
"Hoy, Apollo."
May naririnig akong tumatawag sa akin. Mukhang ka-team mate ko 'to ah.
"Hoy Apollo! Gising!"
"Ano ba? Can't you see I'm sleeping?" Hindi ko minumulat ang mata ko dahil sa antok.
Ano ba naman kasi yan? May istorbo sa pagtulog ko!
"Gumising ka na. President Wilson is looking for you."
"5 minutes! Give me 5 minutes!" Please naman! Patulugin niyo pa ako kahit konti na lang.
"Hoy Apollo! Gising na." Tuloy na pangungulit ng kateam mate ko.
Hindi ko na siya pinansin. Basta ako... Matutulog lang. Hahaha.
*** Makaraan ang ilang minuto ***
Aba! Mukhang umalis na. Yes! Sa wakas! More more sleep for...
"ANO BA APOLLO? HINDI KA PA BA TATAYO DIYAN HA? BAKA GUSTO MONG IHULOG KITA DITO SA ROOFTOP?" Pamilyar ang sigaw na yun.
Face palm!
Patay nandito si Coach Larry!
Bigla akong napatayo sa kinahihigaan ko at nagpagpag ng damit.
"Coach. Ikaw pala yan. Eto nga po tatayo na ako eh. Ayokong ihulog ninyo ako sa rooftop. Sayang ang life ko. He-he-he." Nagpeace sign ako kay Coach para magmukha naman akong cool kahit na pinapagalitan na niya ako.
"PA-PEACE PEACE SIGN KA PA DYAN? AYUSIN MO ANG SARILI MO AT PINAPATAWAG TAYO NI PRESIDENT WILSON! I WANT YOU TO BE IN HIS OFFICE WITHIN 15 MINUTES! DO YOU UNDERSTAND?"
"OPO!" Sabay saludo sa kanya.
Grabe talaga itong si Coach, kung makasigaw parang walang bukas. Natanggal ata tutuli ko sa tainga.
Umalis kaagad si Coach ng walang pasabi at eto ako nagsstretching stretching muna.
"Inhale."
"Exhale."
Ayan medyo gising na ang diwa ko. Makapagayos na nga.
Kahit courtesy call lang ulit ito, need ko pa rin mag-ayos. May picture-an kasing magaganap. Isa sa mga karaniwang bagay na ginagawa kapag nananalo kami.
Nakababa na ako ng rooftop papunta sa locker ko ng makarinig ako ng mga babaeng nagtitilian at kinikilig habang naglalakad ako.
'Ano ba yan? I'm not a celebrity para tilian. Hays. Ang sakit sa tainga ng mga tili nila.' Kausap ko na naman sarili ko. Nakakairita kasi eh. Kakagising ko pa man din.
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...