- Apollo -
"Oh! Anong nangyari kay Anna? Bakit karga karga mo siya?" Gulat na tanong ni Janus ng makasalubong niya kami ni Elaine sa may living area ng POD.
"Bigla kasi siyang nilagnat at namutla. Mukhang napagod sa pag-shoshopping at sa pagtugtog ng piano." Sagot ni Elaine sa kanya.
Kaagad kong hinanap si Vince kay Janus dahil siguradong magaalala yun ng lubos kay Anna. Saka baka mapagalitan kami ng wala sa oras ni Elaine dahil sa nangyari sa kanya.
"Umalis kaagad. May biglaang appointment daw siya." Sagot ni Janus.
"Oh! Anong nangyari kay Anna?" Tanong ni Gino pagkakita sa amin.
"Nilagnat si Anna. Kailangan lang ng kaunting pahinga." Maikli kong sagot sa kanya.
"Naku! Yari ka kay Vince. Hahaha." Aba! At may oras pang mag-joke 'tong lalaking 'to!
Lalapitan ko sana itong ugok na ito ng biglang lumapit si Elaine kay Gino.
"ARAY!" Buti nga! Binatukan kasi siya ni Elaine.
"Dapat lang sayo 'yan! May oras ka pang magbiro ah!" Inis na inis na sabi ni Elaine kay Gino.
Natawa kaming lahat sa ginawang iyon ni Elaine pero bigla akong napatigil ng gumalaw si Anna habang karga-karga ko pa rin. Hala!
"Sshhhh! Wag kayong maingay. May natutulog." Pabulong kong paalala sa kanila.
"Sorry." Sabay nilang sabi.
"Doon na lang muna siya sa guest room ng mga babae para makapagpahinga siya ng maayos." Suggestion ni Janus.
Kaya pumunta kaming lahat sa guest room ng mga girls. Nauna nang pumunta doon si Elaine para ayusin ang buong kwarto at ang kamang hihigaan ni Anna.
Si Gino naman ang kumuha ng ice pack.
Si Janus ay kaagad na kinotak ang mga magulang at kuya ni Anna. Sinusubukan din naming kontakin si Vince para aware siya sa nangyayari kaso napupunta lang sa voicemail lahat ng tawag ko.
Sabi ni Janus, yung kuya ni Anna ang magsusundo sa kanya since ang parents ni Anna ay nagkaroon ng urgent matters sa office na hindi pwedeng iwanan.
Pagkarating namin ng guest room ay dahan dahan kong ibinaba si Anna mula sa likod ko. Inalalayan din ako nina Gino at Janus para hindi magising sa pagkakatulog si Anna.
Kaagad siyang kinumutan ni Elaine at nilagyan ng ice pack sa noo. Pinatay din muna namin ang aircon sa kwarto para hindi siya magchills.
"Sa may living area na lang muna kami ni Janus. Hihintayin namin dumating si Kuya Richard." Sabi ni Gino kay Elaine.
"Sige. Nga pala, may digital thermometer ba tayo dito? Saka gamot para sa lagnat?" Pahabol na tanong ni Elaine.
"Hmmm. Hindi ko sigurado, pero ichecheck ko na lang sa may clinic. Kung wala man, bibili na lang ako sa baba." Mukha silang magkasintahan kapag ganyan sila magusap ni Elaine. Hindi kasi sila nag-aasaran o nagsisigawan.
"Sige. Salamat." Nakangiting tugon naman ni Elaine.
Ako naman, nandito pa rin sa kwarto at nakatingin lang kay Anna. Ang payapa niya kapag natutulog. Hindi mawala wala ang paningin ko sa kanya.
"Hindi ka ba sasama kina Gino?" Tanong ni Elaine sa akin habang pinupusan ng bimpo si Anna.
"Hindi. Kaya na nila 'yun. Dito na lang ako para bantayan si Anna." Sagot ko sa kanya habang hindi iniaalis ang tingin ko kay Anna.
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...