Stanza 21: Phobia

1.4K 106 37
                                    

- Apollo -

Haaayysss!

Isang linggo nang hindi pumapasok si Anna dahil sa nangyari sa kanya. Pinayuhan siya ng mga doktor na magpahinga nang at least two weeks dahil sa nakitang bali sa kanyang kanang ribs. 

Siyempre, sobrang nagalit ang mga magulang ni Anna sa nangyari sa kanya.

'Sino ba namang hindi?'

Kapabayaan daw iyon ng school administration kaya napahamak si Anna.

Ako din naman ay sobrang nag-alala kay Anna ng mabalitaan ko kay Kuya Richard ang nangyari. Iniisip kong bisitahin siya kaso naisip kong mas kailangan niya ng pahinga. 

Mabilis din na kumalat sa ibang department ang balita tungkol sa nangyari kay Anna kaya maraming mga magulang ang sumugod sa President's office. 

Kaya ayun, nataranta si President Wilson sa mga banta ng mga magulang na kesyo ihihinto nila ang pagdodonate, sisiraan ang school, at kung anu ano pang mga threat kapag itinuloy pa yung walang kakwenta kwentang lace game na 'yan. 

In the end, tuluyan ng ipinatigil yang walang ka-kwenta kwentang lace game! Buti nga!

Kaya eto...

Haaayysss.

Namimiss ko na si Anna. 

"Apollo!" 

Ang kanyang tahimik na pagtawa... 

"Apollo! Yung bola!" 

Pati yung nakakahawa niyang ngiti. 

"Apollo! Papunta na sayo yung bola!" 

Pati yung... 

"ILAAAAGGGGG!" 

Ha?! Ano daw...

BBBOOOGGSSSHHH!

"ARAAAAYYYY!" Bigla akong natumba sa lakas ng pagtama ng bola sa mukha ko.

'Shemay! Ang sakit!'

"Sabi sa'yo pre umilag ka eh. Pero humarap ka pa para saluhin ang bola. Ang galing mo! Apir!" Lumapit lang 'tong si Janus para mang-asar kita na nga niyang nasaktan ako.

"Apir mo mukha mo! HUHUHUHU!" Oo alam kong para akong babae umiyak pero ang sakit talaga ng pagkakatama nung bola sa mukha ko. Kayo kaya tamaan ng bola sa mukha? Hindi kayo iiyak? Huhuhu. 

"Oh Guiller! Anong iniiyak iyak mo diyan? Tumayo ka nga diyan!" Sigaw ni Coach Larry habang nakapamewang mula sa tabi ng field. 

"Opo." Mahina at walang gana kong sagot sa kanya habang hawak hawak ko ang ilong ko na napuruhan ng bola. 

"Teka pre! M-M-May d-d-du-du..." Hindi matapos tapos ni Janus yung sasabihin niya habang may itinuturo sa ilong ko. 

"Ano na naman? Huhuhu." Kaagad kong pinahid ng kamay ang itinuturo ni Janus sa ilong ko at inexamine.

Texture: Sticky

Smell: Amoy kalawang

Color: Kulay pula pero darker nang kaunti

Taste:  Lasang kalawang

I therefore conclude, its blood. 

Dugo lang pala eh... 

D-D-DUUUUGGGGGGGOOOOO! 

"Hoy Apollo, okay ka lang...." Hindi ko na narinig ang mga kasunod na sinabi ni Janus dahil bigla na lang nagdilim ang buong paligid at... 

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon