Stanza 43: Don't Mess With Me

385 19 23
                                    

- Ellie -


Pagkatapos ng klase ay kaagad akong lumabas ng kwarto para na rin makahanap ng lugar sa cafeteria. Kapag hindi ako kaagad nakahanap ng pwesto ay sigurado akong sa CR na naman ako kakain.

'Hay. Tiis tiis lang Ellie. Besides mabango at malinis naman ang CR ng eskwelahan na ito.' Sabi ko na lang sa sarili ko bilang pampalubag loob.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng cafeteria ay kaagad lumingon ang mga estudyante sa direksyon ko at siyang pagtahimik din ng lahat.

'Tssss. Pati ba naman dito?! Nakakairita na ah!' Inis kong sambit sa sarili.

Hindi ko na pinansin ang mga mahihina nilang bulungan at kaagad akong tumungo sa bakanteng lamesa na nasa gitna ng cafeteria.

"Oh my gosh! Bakit doon siya umupo?"

"She's really an idiot! She doesn't know anything about this place!"

"Hintayin na lang natin na sungitan siya ni Ms.Vera! For sure, mapapahiya siya ng husto! Ha-ha!"

'Leche 'tong mga 'to! Akala ba nila hindi ko sila naririnig? Isigaw niyo na lang kaya sa buong cafeteria 'yang mga pinagsasabi ninyo! Nagtitimpi lang talaga ako sa inyo! Argggh!' Inis na inis kong sabi sa sarili habang nakatitig lang sa baunan ko.

"Hello. Ikaw ba si Elisa?" Isang sweet na boses ng babae ang narinig kong nagtanong sa harapan ko.

Nang tumingala ako ay nakita ko ang isang matangkad at payat na babaeng na may pagkaganda gandang mukha. Mukha siyang anghel na bumaba sa lupa dahil sa napakinis niyang kutis, mahaba at sobrang unat ng kanyang buhok, kayumangging mga mata at kulay rosas na mga labi.

"Snow White." Mahina kong sambit.

"Naku, hindi ako si Snow White. Pero thank you sa compliment hihihi." Mahina niyang tawa sabay takip ng kanyang bibig. Napakahinhin naman niya. Katulad siya ng mga dalagang Pilipina na naiinagine ko nung panahon ng mga Kastila.

Umupo siya sa tapat ko at saka inilabas ang dala niyang baon. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya dahil ngayon pa lang ako nakakita ng napakagandang nilalang tulad niya.

"Anong baon mo ngayon?" Nakangiti niyang tanong pagkatapos ilabas ang kanyang kubyertos.

"A-Ano... Adobong manok." Uutal utal kong sagot sa kanya.

Bigla niyang kinuha ang dalawa kong kamay at inilapit sa kanya.

"Naku! Paborito ko 'yan! Pwede ko ba tayong magshare mamaya?" Nagniningning ang kanyang mga mata habang hawak ang mga kamay ko.

"H-Ha?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Sige na. Please." Patuloy pa rin ang pagningning ng kanyang mga mata habang nagmamakaawa sa akin.

'Ang weirdo naman ng babaeng 'to.' Bulong ko sa sarili habang nahihiwagaan ako sa ugali at kilos ng magandang nilalang na nasa harap ko.

"S-Sige. Hati tayo mamaya." Sabi ko sa kanya para matigil na ang pagningning ng kanyang mga mata.

"Yehey! Ang bait bait mo naman Elisa! Salamat!" Bigla niya akong niyakap ng napakahigpit na halos nahihirapan na akong huminga.

"T-Teka. Nasasakal ako." Pagpoprotesta ko sa kanya pero mukhang hindi niya ako pinapansin.

"I can't believe it! Niyayakap ni Ms.Vera ang hampaslupa na iyon!"

"Naatim niyang yakapin ang amoy basurang babae na 'yon! Ewww!"

"Baka dahil naawa lang siya sa hampaslupang iyon kaya ganyan siya kabait sa kanya."

Rinig na rinig ko ang mga sinabi ng mga babaeng iyon at tinamaan ako ng husto. Paano nga kung naawa lang siya sa akin kaya ganito siya kumilos? Paano kung katulad siya ng mga bullies at nagpapanggap na mabait para sa huli saka niya ako aapihin ng husto? Paano kung...

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon