- Vince -
Knock. Knock.
"Tuloy."
"Young Master, may balita na po kami tungkol sa kuya ni Anna at kung bakit siya pumunta ng Amerika." Napahinto ako sa pagbabasa ng mga dokumentong hawak ko ng marinig ko ang sinabi ni Sato.
Kaagad kong ibinaba sa lamesa ang mga hawak kong papel at saka ako tumingin kay Sato para ipagpatuloy ang kanyang balita.
"Hindi naparoon ang kapatid ni Anna para sa isang business venture tulad ng mga naunang balita." I knew this from the start. Hindi lang ako sigurado sa hinala ko pero ngayon alam ko na ang totoo.
"Kamakailan ay namataan siyang kausap ang isang lalaki at nakunan siyang inaabutan ng isang brown envelope. Hindi nasundan ng mga tauhan natin ang lalaking kausap ni Richard. Dahil po doon ay hindi nila nalaman kung ano ang nasa loob ng envelope na iniabot sa kanya." I have a bad feeling about this. Alam kong pinapaimbestigahan niya ako but I am very unsure if it is related to my secret or just a vague investigation of my identity.
"Young Master?" Nawala ako sa pag-iisip ng malalim ng bigla akong tawagin ni Sato.
"Sigh. Salamat sa mga impormasyon na iyon. Just continue the surveillance." Maikli kong paalala sa kanya.
"Hindi ka ba nababahala?" Nagulat ako sa tanong na iyon ni Sato pero hindi ko ipinahalatang nag-aalala ako tungkol sa bagay na iyon.
"I can't say no. I can't say yes. Ayokong mag-assume na tungkol sa nakaraan ang pinapaimbestigahan niya. We need concrete proof. Besides, if he'll know that we're following him baka lalo lang lumala ang suspetsiya niya sa akin. Wala akong magagawa kundi maghintay." Seryoso at tapat kong sagot sa tanong niya.
"Naiintindihan ko po. Pasensya na po sa tanong ko Young Master." Kaagad siyang nagbow para humingi ng paumanhin sa kanyang tanong pero kung tutuusin wala naman dapat siyang ihingi ng pasensya dahil ako itong pala-utos sa mga bagay bagay na hindi niya dapat gawin.
"Wala iyon." Tipid kong sagot sa kaniya.
"Opo." Sagot niya pabalik sa akin at nagbow siyang muli. Pagkatapos nun ay kaagad siyang nagpaalam para sa iba pang mga bagay na kailangan niyang asikasuhin.
'Something is not right and it really bothers me.' Sabi ko sa sarili habang nakatulala sa hawak hawak kong papel.
Hindi ko maiwasang hindi mag-alala ng husto sa mga ginagawa ng Kuya ni Anna dahil sigurado akong may alam na siya tungkol sa mga bagay na pinagtatakpan ko noon pa. No one should know it, especially Anna. I should tell her everything when the right time comes and I know that it's not yet the right time.
'Focus Vince! Focus! This shouldn't be a problem.' Sabi ko sa sarili.
'I should finish working on these papers before I go to school. Ayokong may dala dalang problema at trabaho sa eskwelahan.' Patuloy kong pagkausap sa sarili habang patuloy na iniintindi ang mga papeles na hawak hawak ko na patungkol sa mga problema ng kompanya.
*******************************
After reading all the documents and signing them, kaagad kong tinawagan si Sato to deal with everything especially the people who are doing malicious things on the company's funds. Those people should learn a lesson.
"Young Master. Nandito na po tayo sa harap ng school building ninyo." Pag-antala sa akin ni Taka habang patuloy akong nakatulala sa salamin ng aking sasakyan.
"Salamat." Maikli kong sagot sa kanya saka ako bumaba ng sasakyan.
Walang pinagkaiba ang araw ko na ito sa iba. Mga babaeng nagtitilian, mga lalaking masama ang tingin sa akin, pero karamihan ay umiiwas kapag nakikita akong parating.
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...