- Janus -
Tumakbo ako ng mabilis para makabuwelo at makatalon ng mataas sa pader.
Pagkatalon ko ay kaagad akong kumapit ng mahigpit sa ibabaw at iniangat ang aking sarili para maging successful ang pagtuntong ko sa bakod. Buti na lang at athletic at malakas ang pangangatawan ko.
"Itali mo 'to kaagad." Inihagis ni Gino ang isang bungkos ng tight rope na gagamitin namin para sa pagbaba ng pader.
Agad agad kong sinunod ang utos ni Gino at itinali ng mabuti itong tight rope sa isang nakausling bakal na mukha namang hindi kagad bibigay sa bigat naming lahat.
"Okay na." Mahina kong sabi kay Gino kasabay ng isang thumbs up.
"Mauna ka na Alexa." Mahinang sabi ni Gino kay Alexa sabay turo sa mga palad nila ni Apollo na nakapatong sa kani-kanilang mga tuhod. Iyon kasi ang magsisilbing tuntungan ng mga babae para maiangat sila at maiakyat ko naman dito sa ibabaw ng bakod.
Dahan dahang tumuntong si Alexa sa mga kamay ni Gino at Apollo habang nakasampa naman ang dalawa niyang mga kamay sa pader para ipang-alalay sa kanyang pagakyat.
"Huwag kang sisigaw, okay?" Utos ni Gino habang nakatingala kay Alexa.
"I-I'll try." Mahinang sagot ni Alexa kay Gino habang nakatingin naman sa akin ng seryoso. Sinabihan kasi namin silang mga babae na huwag tumingin sa baba para hindi sila malula at matakot.
"Humanda ka na Janus!" Mahinang bulong ni Gino.
"1. 2. 3."
Pagkasabi ng three ay sabay na iniangat nina Gino at Apollo si Alexa mula sa pagkakatuntong sa kanilang mga palad. Ako naman ang humawak sa mga kamay niya na kanina ay nakasampa sa pader.
"Humawak kang mabuti sa akin." Sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko siyang makaupo sa bakod tulad ng ginagawa ko ngayon.
Kaagad kong kinuha ang harness ni Alexa at itinali ito sa lubid na itinali ko kanina.
"Ready ka na?" Tanong ko kay Alexa matapos ko ikabit ang huli bahagi ng kanyang harness.
"Yup." Tipid na sagot ni Alexa sa akin habang nakatingin sa kanyang harness.
"Alalay lang sa pagbaba, okay? Hawakan mo ang harness na nasa likuran at taas mo tulad ng itinuro kanina ni Gino." Paalala ko sa kanya bago ko siya alalayan sa pagbaba.
"Yup. Naaalala ko yun." Tipid na sagot ulit ni Alexa habang nakatingin pa rin sa baba.
"1. 2. 3... Game!" Pagkasabi ko nun ay kaagad na bumaba mula sa pagkakatuntong sa bakod si Alexa at dahan dahang nagrapel pababa ng pader.
Inabot lang ng 2 minuto sa pagbaba si Alexa dahil hindi naman gaano kataasan ang pader na ito.
Nang masiguro kong okay na sa baba si Alexa ay saka ako nag-signal sa baba ng kasunod na aakyat.
"Okay. Alex, ikaw naman." Utos ni Gino habang nakabend ulit para gumawa ng tutuntungan ni Alex.
Kaagad na tumuntong si Alex sa mga palad nina Gino at Apollo at inalalayan siyang mabuti habang paakyat sa bakod.
"Ambigat mo Alex." Pabiro kong sabi habang inaalalayang makaakyat si Alex sa ibabaw ng bakod.
"Hindi kaya. Si Alexa kaya yung mas mabigat." Mahinhin na sagot nito sa biro ko.
"Narinig ko iyon!" Sabat naman ni Alexa habang nasa baba.
"Oh sige na. Hindi ka mabigat. Ingat na lang sa pagbaba." Paalala kong muli habang isa isa kong ikinakabit ang harness niya.
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanficThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...