- Apollo -
Tumakbo ako ng mabilis papunta sa locker at kinuha ang damit kong pamalit. Binilisan ko lang din ang pagbibihis at pag-aayos sapara hindi maghintay ng matagal si Vince. Nakakahiya namang paghintayin siya since makikisabay lang ako.
"May sasabihin kaya si Vince sa akin? Wala naman siguro. Saka isa pa, hindi naman sila ni Anna para..." Teka, saan nanggaling yung tanong na iyon?
"Naaah! Wag ka ngang baliw diyan Apollo! Wala naman kayong dapat pag-usapan ni Vince eh. Di ba?" Ayan kinakausap ko na naman ang sarili ko sa CR. Nababaliw na talaga ako! Tsk! Naman oh!
Hindi ko na pinatagal ang sarili ko sa CR baka tuluyan na akong mabaliw at saka isa pa baka maghintay si Vince ng matagal. Nakakahiya sa kanya kasi sabit lang ako.
Kaya dali dali akong pumunta sa parking lot para puntahan si Vince pero siyempre, hindi ako tumakbo baka pagpawisan ulit ako. Sayang naman pagpapalit ko ng damit kapag nagkataon.
Habang naglalakad ako ay may napansin akong papalapit na itim na kotse sa akin. Mukhang sinundo na ako ni Vince.
'Hala! Ang tagal ko ba sa CR kaya niya ako sinalubong?' Tanong ko sa sarili.
Biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at dumungaw si Vince habang nakatingin pa rin ako sa magara niyang sasakyan.
"Sakay na Apollo." Nakangiting sabi niya.
Siyempre sumakay kaagad ako ng walang pag-aatubili.
Kruuuuu. Kruuuuu. Kruuuuuu.
Ang tahimik naman sa sasakyan ni Vince.
Walang nagsasalita, walang nagpapatugtog, walang umiimik.
Di ko kaya ito! Arrrggghh!
"Apollo, ikaw na lang ang dumaan kina Anna. May importante kasi akong lalakarin ngayon. Idadaan na lang kita sa kanila." Biglang nagsalita si Vince habang wala ako sa sarili.
"Sigurado ka ba diyan?" Siomai! Bakit parang masaya pa yung tono ng tanong ko na iyon? Naku naman.
"Bakit parang masaya kang hindi ako makakapunta? Hahaha. " Nahalata niya yung masayang tono ng sagot ko.
Isip! Isip! Isip palusot! Aha!
"Hindi kaya! Ang sabi ko, sigurado ka ba diyan pre?" Umarte ako na mukhang seryoso at malungkot para at least matabunan yung masayang sagot ko kanina.
"Hindi naman ganyan yung pagkakasabi mo kanina eh. Akala mo lulusot ka pa ah. Hahaha." Tawang tawa si Vince sa sinabi ko.
"Anyway, mas magiging okay kung ikaw na lang ang pupunta. Sigurado naman akong mas magiging masaya siya kapag ikaw ang nandoon at nakikipagbiruan sa lahat." Nakangiti at seryosong nakatingin sa akin si Vince habang sinasabi iyon.
"Ha? Sinong siya?" Bakit biglang nag-drama itong isang 'to. Saka sino yung tinutukoy niyang 'siya'?
"Si Anna." Biglang siyang tumingin sa harapan ng sasakyan pagkasabi ng pangalan ni Anna.
"Si Anna? B-bakit mo naman nasabing mas magiging..."
"Ramdam ko iyon Apollo. Palagi kong napapansin na mas relax siya kapag ikaw ang nakikipagusap sa kanya." Hindi ko na natapos ang tanong ko kasi bigla siyang nagsalita.
Pero bakit naisip ni Vince ang bagay na iyon? Hindi kaya...
"Vince, nagseselos ka ba sa akin?"
BOOM! BAKIT KO NASABI ANG MGA BAGAY NA IYON?
ANG TANGA TANGA MO APOLLO!
SUSUNUGIN NA NIYA MAMAYA ANG BAHAY KO!
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...