- Janus -
"Salamat po sa masarap na hapunan Manang." Masigla kong puri sa niluto niyang sinigang habang kasabay ko siya sa pagkain sa hapag kainan.
The best talaga ang lutong sinigang ni Manang. Ang dami kong nakain ngayon.
Mula sa nakakapagod na laro, photo op, nagtitiliang mga babae at practice sa target shooting, never ending talaga schedule ko sa araw araw. Kaya okay lang talagang kumain ako ng madami ngayon lalo pa't favorite ko ang ulam na nakahain.
"Walang anuman po. Ay, siya nga po pala. Tumawag po ang Papa ninyo at kinakamusta po kayo. Kaso wala pa po kayo kanina kaya sinabi ko po tumawag na lang po ulit. May sasabihin daw po yata siya sa inyo." Sabi ni Manang habang umiinom ako ng tubig.
"Aba. Himala yata at nagkainteres siyang kamustahin ang anak niya." Nagtataka kong sagot.
Nakakapanibago lang dahil normally, wala siyang pakialam sa lahat ng ginagawa ko. Well, di naman sa lahat ng oras. Minsan may pakialam din siya lalo na kung tungkol iyon sa pamilya namin.
Hindi na umimik si Manang sa mga sinabi ko dahil alam niyang hindi kami ganoon ka-close ng Papa ko.
Simula ng pumanaw si Mama noong 9 years old ako, nagpakabusy na ng husto sa trabaho si Papa. Para sa akin ok lang 'yun kesa naman sa maghanap siya ng kapalit ni Mama.
Pero dahil na rin sa pagiging busy niya, nawalan siya ng oras para sa akin. Nasanay na lang akong ganoon at hinayaan ko ang sarili ko na matuto sa maraming bagay ng wala si Papa.
"Sige po Manang. Pakisabi na lang po na nanalo ang team namin sa football kapag tumawag siya ulit." Pagkasabi ko nun ay kaagad akong umakyat sa Entertainment room para manuod ng pelikula.
"Hmmmm... Ano nga bang magandang panuorin?" Kinalkal ko lahat ng alam kong magandang pelikula na nasa DVD shelf.
"Hindi." Sabay tapon ng kaha ng DVD sa sofa.
"Hindi."
"Pambata."
"Corny."
"Cheesy."
"Argh! Walang magandang panuorin! Makapagpahinga na nga lang!" Para akong tanga na nafufrustate dahil sa mababaw na dahilan. Kausap ko pa sarili ko. Nahahawa na yata ako sa mga kalokohan ni Apollo.
Di ko rin naman din pwedeng istorbohin si Leigh Anne dahil may klase siya ng ganitong oras sa London.
Krriing. Krriing.
"Hellooooowwwwww, ikaw ba yan Manang?" Masigla kong sagot sa telepono. Sinagot ko ang tawag mula sa extension phone na malapit sa pinto ng Entertainment room.
"Ang Papa mo ito."
Biglang nagbago ang expression ng mukha ko ng marinig ko ang sagot ng taong nasa kabilang linya. Hindi ko rin siya sinagot kaagad at baka mamaya eh may nagbibiro lang sa akin.
"Ganyan mo pala batiin si Manang. Nakakatuwa naman." Ramdam ko ang pilit niyang biro at pagtawa mula sa kabilang linya.
"Anong meron Pa at napatawag kayo?" Medyo naiirita kong tanong sa kanya.
"Gusto lang kitang kamustahin. Hindi naman siguro masama iyon di ba, anak?" Malungkot na sagot ni Papa sa tanong ko.
"H-Hindi naman. Uhmm... Ayun lang ba ang kailangan mo ngayon? Sana tumawag ka na lang sa cellphone ko. Sayang ang bill natin sa telepono. Haha." Pinilit kong magbitaw din ng joke. Ang awkward lang kasi ng sitwasyon ngayon. Hindi ako sanay kausap ng ganito si Papa.
"Alam ko namang hindi ka magmamadaling sagutin ng cellphone mo kapag nakita mong ako ang tumatawag."
Ouch! Guilty ako sa sinabing iyon ni Papa.
"Anak." Tawag niyang muli sa akin. Hindi ako sumagot at hinintay ko ang mga sasabihin niya.
"Sana... Totoo ang kasabihan na everyone deserves a second chance."
"Uhmm..." Iyan lang halos ang naisip kong sagot sa sinabi niya. Bakit niya naman nasabi ang mga ganoong bagay? Hindi naman siya siguro mamamatay di ba?
Ay gago! Knock on wood! Ano ba Janus! Papa mo pa rin yang kausap mo. Konting respeto at politeness naman diyan.
"Uuwi ako bukas diyan. Susubukan kong magsimula ulit." Pagpapatuloy ni Papa.
"Janus, anak. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko." Lalo akong naguluhan sa mga sinasabi ni Papa.
"Pa? I don't understand what you're talking about. May nangyari bang masama?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Iyon naman talaga ang totoo eh. Hindi ko gets bakit magsasabi ng ganyan si Papa.
"I'll explain everything once I come back."
"S-Sige po. I-Ingat na lang po kayo sa biyahe pauwi. Uhmm... Magpapahinga na rin po ako Papa. Bale... Kita na lang po tayo bukas." Awkward kong sagot sa kanya dahil hindi ko rin alam ang mga tamang salita na gagamitin para sa mga sinabi niya.
"Sige, anak. Rest well. See you tomorrow." Mahinang sagot ni Papa. I can sense na may problem talaga pero I don't know what's going on.
"Sige po. Bye." Binaba ko ng dahan dahan ang telepono habang nagiisip ng malalim sa mga sinabi ni Papa.
'It's really a very tiring and frustrating day for me. I really want to go to sleep and I don't want to overthink everything.' Sabi ko sa sarili.
Kaagad akong nagtungo sa kwarto at mabilisang humilata sa aking kama. Sinubuka ko na huwag magisip ng kung ano ano sa mga sinabing iyon ni Papa.
'Empty your mind! Empty your mind! Empty your mind!' Paulit ulit kong sabi sa sarili habang nakapikit ang aking mga mata.
"ARRGGHH!" Sinuntok suntok ko ang mga unan na nasa tabi ko para lang mailabas lahat ng frustrations ko sa katawan.
"Hah. Hah. Hah. Nakakapagod din pala suntukin ang mga unan."
Pasensya na mga unan. Wala akong mapaglabasan ng nararamdaman ko ngayon.
Humilata ako at tumingin sa maliit na chandelier na nasa kisame.
"Inhale... Exhale..." Kahit papaano narelax ako sa ginawa kong pagbubuhos ng sama ng loob sa unan.
Bigla akong napapikit ng makaramdam ng pagod. Mukhang makakatulog na ako nito.
Pero bago ako makatulog ay nanalangin ako ng tahimik.
"Sana po Lord, okay lang si Papa. Please let him be okay."
'I still care for him. After all, he's still my father'
++++++++++++++
*Republished and edited - 25 April 2017*
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...