- Apollo -
'Hayaan mo sana akong halikan ka...'
"Anna my dear. Nandito na... WAAAAAAAAAAAAA! ANONG GINAGAWA MO APOLLO?" H-Ha?
"Hyaaaaahhh!"
PAK!
"ARAAAAAYYY! Huhuhuhu! Bakit mo ako..."
"Hyaaaaahhhh!"
"Waaaaaaaaahhhh!" Anong problema nito Elaine? Bakit ba niya ako hinahabol? Waaaaahhh! Mama ko!
"Oh! Mukhang nagkakatuwaan kayong dalawa diyan ah? Hahaha." Rinig kong biro ni Janus na kakapasok pa lang ng silid.
"Waaaaahhh! Tulungan niyo ako! Hinahabol ako ng mangkukulam." Pakiusap ko sa kanila habang patuloy na tumatakbo palayo kay Elaine. Paikot ikot lang kami sa loob ng kwarto.
"SINONG MANGKUKULAM? GRRRRRR! YOU PERVERT!" Galit at pasigaw na sagot ni Elaine sa biro ko.
"Whoa! Si Apollo? Manyak na? Kailan nangyari yun?" Rinig kong tanong ni Gino na sumunod na pumasok sa kwarto.
"Hoy Gino! Pigilan mo nga itong girlfriend mo! Papatayin na yata ako nito eh." Biro ko sa kanya.
"Hindi ko siya girlfriend!" "Hindi ko siya boyfriend!" Sabay nilang tanggi sa akin at saka sila sabay na tumingin ng masama sa akin.
"E-Easy. R-Relax. Huwag niyo naman akong pagka-isahang dalawa oh." Kinakabahan kong sabi sa kanila sabay taas ng dalawa kong kamay na para bang sumusuko.
"Hmpf! Hindi pa rin kita mapapatawad! You... You... You pervert!" Sigaw ni Elaine sabay duro sa akin mula sa kanyang kinatatayuan.
"Paano ka naging manyak Apollo? Share mo naman sa amin oh." Baliw talaga itong si Janus kahit kailan. Pagkatuwaan ba naman ako? Tssss.
"Hindi ako manyak! Wala akong ginagawang masamang bagay tulad ng... ng... sinasabi ni Elaine sa akin." Pagdedepensa ko sa aking sarili habang mabagal na naglalakad pabalik sa tabi ng kama.
"EH ANO YUNG NAKITA KO?" Aray! Sakit sa tainga ha! Makasigaw naman itong si Elaine.
"Ano ba kasing sinasabi mong nakita mo?"
"Huwag ka nang magdeny Apollo! Nahuli kitang hahalikan mo si Anna!"
Natahimik ako sa pasigaw na sagot ni Elaine sa akin.
Kung tutuusin tama yung hinala niya pero... Arrrggghh! Nakakahiya kay Anna! Baka isipin nga niyang ganun akong tao! Do something Apollo!
"Hindi yun ganun..."
"Wow pre. I'm so proud of you. Akala ko wala kang hilig sa babae pero yun pala... Grabe. Taas kamay pati paa ko sa'yo pre! Lalaki kang talaga!" Singit habang mabagal na pumapalakpak si Janus.
Badtrip talaga itong isang ito! Isusumbong ko talaga ito kay Leigh para magtino.
"Manahimik ka nga diyan! Hindi ako ganun. Saka, wala akong plano na halikan si Anna. Na-misinterpret mo lang yung ginagawa namin." Pagdedepensa ko sa aking sarili sabay tingin kay Anna.
Napansin kong nakangiti lang siya sa ginagawa naming diskusyunan na para bang tuwang tuwa siyang makita kaming nagbibiruan.
"Ano ba kasi yung ginagawa ninyo at kailangan pang magkalapit ang mukha ninyo ni Anna my dearest aber?" Pagsusungit muli sa akin ni Elaine.
"Ganito kasi yun. Bale naubusan na kami ng pagsusulatan ni Anna kaya naisip kong gawin yung nakita kong theory sa Google." Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Elaine sa sagot pero hindi ko na lang ito pinansin.
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...