Stanza 46: The Voice Within Part 1

253 14 16
                                    

- Third Person POV -

Dumating na ang araw ng pagtatanghal ni Apollo para sa kanyang recital. Pinili niyang ganapin ito sa auditorium ng Somerset para na rin makapanuod ang kanyang kapwa estudyante at ang kanyang mga bisita mula sa napiling charity ng kanyang professor.

Unti unti nang napupuno ang bulwagan, mga stockholders nito lalo na ng mga batang kabilang sa Music For All charity organization.

Sumilip mula sa backstage si Apollo at sinipat niya kung gaano na kadami ang mga tao.

"Naman oh. Ngayon pa ako kinabahan!" Sabi niya sa sarili saka isinara ang kurtina ng backstage.

"Bakit pa kasi kasama yung mga stockholders na yun? Wala naman silang kinalaman sa recital ko ah! Argh! Kainis! Kainis!" Paulit ulit na sabi ni Apollo sa sarili habang paikot ikot sa backstage.

Habang nababagabag ng husto si Apollo ay siya namang pagiging kalmado ng kanyang kapareha na si Anna. Nakangiti lang siya habang minamasdan niyang paikot ikot si Apollo sa kanyang harapan.

Habang patuloy niyang pinagmamasdan na nababagabag si Apollo ay bigla itong huminto sa paglalakad at hinawakan ang kanyang ulo. Naramdaman ni Anna ang balak nito kaya kaagad siyang tumayo at lumapit kay Apollo.

"Argh..." Guguluhin na sana ni Apollo ang kanyang buhok habang sumisigaw sa inis ng bigla siyang pinigilan ni Anna.

Sumenyas si Anna at itinuro ang buhok ni Apollo saka siya umiling iling dito. Mukhang nagets ni Apollo ang ibig sabihin ni Anna at saka siya bumuntong hininga.

"Pasensya ka na. Alam kong magagalit si Mama kapag ginulo ko itong buhok ko pero kasi... WAAAAAAAAHHH! KINAKABAHAN TALAGA AKO!" Hagulgol niya sa harap ni Anna.

Tumawa ng mahina si Anna kaya biglang napahinto si Apollo sa pag-ngawa. Pinagmasdan lang niya si Anna na patuloy pa rin sa pagtawa.

"Pinagtatawanan mo na tuloy ako. Hahaha." Sabi niya kay Anna at saka sumabay sa pagtawa sa kanya.

Walang tigil ang tawanan nilang dalawa na para bang nagkakaintindihan sila kahit walang salita ang lumalabas sa bibig nila.

Knock. Knock. Knock.

Napahinto ang dalawa ng may marinig silang kumatok mula sa likod nila at nakita nila si Kuya Richard na nakangiti sa kanila at may hawak hawak na bouquet.

"Mukhang naistorbo ko ang kasiyahan ninyong dalawa ah. Can I intervene just for a while?" Tanong niya mula sa entrance ng backstage.

"Siyempre naman po Kuya." Nakangiting sagot ni Apollo at saka naglakad si Kuya Richard papunta sa kinatatayuan nila.

"Flowers for my little sister." Sabay abot ni Kuya Richard ng bulaklak sa kanyang kapatid. Kaagad namang kinuha ni Anna ang bouquet at saka niya niyakap ang kanyang nakatatandang kapatid.

"At last, I can watch you perform again. I'm so happy." Emosyonal na sabi niya kay Anna habang patuloy pa rin silang magkayakap.

Tinapik ni Anna ang balikat ng kanyang Kuya para pigilan ito sa pagluha at na siya namang ginawa nito.

"Sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan." Sabay singhot sa nakaambang luha.

"Wag kang mag-alala Kuya. This is going to be a very memorable performance." Nakangiting sambit ni Apollo.

"Surely. It will. Kaya irerecord ko ang performance niyo. Magkaroon man lang ng souvenir bago ako lumipad papuntang States." Tumingin si Kuya Richard kay Anna at kitang kita sa mga mata nila ang kalungkutan. Dahil ayaw ni Apollo ng mga ganitong eksena ay bigla siyang nag-isip ng ice breaker para mawala ang malungkot na aura sa dalawa.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon