- Anna -
Hindi namin napigilan nina Elaine, Alex at Alexa ang aming sarili at tumakbo kay Kuya Sato para yakapin siya. Sa wakas ligtas na kami!
"T-Teka. Mga bata..." Aayaw pa sana si Kuya Sato sa ginawa naming pagyakap sa kanya kaso wala na siyang nagawa.
"Waaaahh! Kuya! Salamat niligtas mo kami!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Elaine kay Kuya Sato habang yakap yakap pa rin namin siya.
"N-Niligtas? Wala namang mananakit sa inyo maliban dun sa mga aso." Nagtatakang sagot niya kay Elaine.
"E di ba po yung mga guards na 'yan ay hinahabol po kami para torturin? Kanina pa po kasi sila galit na sumisigaw habang hinahabol kami eh." Humihikbing tanong ni Elaine kay Kuya Sato habang nakatingin sa mga guwardiya na nakayuko pa rin.
"Takot na takot po kami habang hinahabol nila kami. Tapos yung mga aso po, ang lalaki nila. Mas malaki pa kaysa sa amin." Pagsusumbong din ni Alexa.
Kung may dala lang din akong sketch pad at marker, for sure makikiisa ako sa pagsusumbong nila.
"Actually... Uhmmm... Kabaligtaran nung sinasabi ninyo ang dapat na mangyari eh." Napapakamot sa ulo si Kuya Sato habang nagsasalita. Ano yung ibig sabihin nung kabaligtaran dapat ng mangyari?
"Kuya Sato. S-Saan yung CR ninyo dito?" Bumalik ulit ang tingin ko kay Apollo na nagsalita habang namimilipit sa sakit.
Lumapit ulit ako sa kanya dahil sa sobrang pagaalala sa kanyang kalagayan. Alam kong may kasalanan din ako kung bakit lalong napasama ang lagay niya. Kung hindi ko kasi pinilit ang bagay na ito, hindi siya magkakaganyan.
"Ah. Eh. Teka... " Tumingin si Kuya Sato sa harap ng mansyon at halatang nagiisip ng maayos kung ano ang isasagot niya kay Apollo.
"Ugh. Kuya pakibilisan lang po. Medyo... Lalabas na eh." Namimilipit na sabi ni Apollo habang hawak hawak ko pa rin ang kanyang braso.
"Ah oo. Sorry. Sorry. Uhmmm... May CR doon sa unang kanan na makikita mo kapag tinahak mo itong pasilyo na ito. Walang tao doon ngayon kaya pumasok ka na lang kaagad. Medyo malaki laki lang 'yung CR na 'yun kaya ingat ka sa loob." Nagmamadaling sagot ni Kuya Sato habang itinuturo ang pasilyo kung nasaan ang tinutukoy niyang CR.
"T-Thank you po." Biglang tumayo at tumakbo ng mabilis si Apollo sa itinurong pasilyo ni Kuya Sato.
"Sabi na nga ba najejebs lang yun si Apollo eh. Ganyan naman 'yan kahit nung maliliit pa kami." Sabi ni Janus ng makalayo layo na si Apollo sa amin.
Tumingin kaming lahat sa kanya na siya namang ipinagtaka niya.
"What?" Nakakunot ang noo niya habang nagtatanong sa aming lahat.
"Mabuti pa mga bata ay pumasok na muna tayo sa loob para makaupo na kayo at makapagpahinga. Nandoon na din yung kuya mo Anna at hinihintay kayo." Nakangiti niyang sabi sa amin.
Napagulat kaming lahat ng marinig kong nasa loob ng bahay na ito si kuya.
Anong ginagawa dito ni Kuya at hinihintay pa niya kami? Di ba dapat nasa loob lang siya ng sasakyan at hinihintay kaming makabalik?
"Sa loob ko na lang ieexplain. Medyo mahabang kwento kasi yun mga bata." Napakamot ulit sa ulo si Kuya Sato habang sinasagot ang tanong na nakaguhit sa expression ng aking mukha.
"Maghanda kayo ng mga inumin at sumunod kayo sa living room. Pagsasabihan ko pa kayo." Masungit at seryoso ang tono ng pananalita ni Kuya Sato habang kinakausap ang mga guwardiya.
"Opo!" Sabay sabay na sagot sa kanya ng mga guwardiya sabay alis. Ano kayang sasabihin sa kanila ni Kuya Sato at halatang natakot sila sa mga sinabi niya?
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...