- Vince -
Habang papaalis ang aking sasakyan ay nakatingin pa rin ako kay Apollo na papasok na ng gate ng mga Gettysburg. Sobra akong nanghihinayang dahil wala ako doon para makasama silang lahat... lalo na si Anna.
Mabigat sa loob kong sabihin ang mga bagay na iyon kay Apollo pero alam kong iyon ang tama. Alam ko naman kasing kaya niyang pasayahin ang taong nagpapasaya sa akin.
"Ayos lang po ba kayo Young Master?" Nawala ang tingin ko sa bintana ng biglang magtanong si Sato.
"O-Oo. Ayos lang ako." Matamlay kong sagot sa kanya.
"Chibisuke. Watashi wa anata ga daijōbu janai shitte iru. Anata no koto wa wakatteru ndakara. (Alam kong hindi ka okay. Kilala kita)." Napatingin ako sa rear view mirror at nakita kong nakangiti pero seryosong nakatingin sa akin si Sato.
"Ngayon mo na lang ulit ako tinawag ng ganyan." Napangiti ako ng maalala kong matagal na panahon na rin na hindi niya ako tinatawag na chibisuke. (Chibisuke - younger brother)
Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot kay Sato.
"Kilalang kilala mo na talaga ako. Tungkol kasi kay..."
"Kay Anna? Tama ba ako?" Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita at sinabi na niya ang pangalan ng taong nasa isipan ko.
Gusto kong makipagusap ng ganito kay Sato dahil para na siyang nakatatanda kong kapatid. Magaling at matured siya magpayo sa maraming bagay at isa pa, hindi kami pormal mag-usap katulad ngayon.
"Oo. Tungkol sa kanya. Tama ba talaga ang ginagawa ko? Tama bang ilayo ko ang sarili ko sa taong... importante sa akin?"
"Masaya ka ba sa ginagawa mong iyan?" Seryosong tanong ni Sato habang nakatangin sa akin mula sa rear view mirror.
"Masaya akong nakikita siyang masaya..."
"Iyan ba talaga ang totoo mong nararamdaman?" Pinutol niya akong muli sa pagsasalita.
Sasagutin ko na sana kaagad ang kanyang tanong pero naisip kong tama si Sato.
Eto nga ba ang totoo kong nararamdaman? Eto nga ba ang gusto kong mangyari? Sapat na bang makita ko siyang masaya? Hindi ba pwedeng ako ang maging dahilan ng mga ngiti niya? Hindi ba pwedeng...
Aaaarrggghhh! Naguguluhan na ako! Wala ito sa plano ko!
Sa sobrang gulo ng isip ko ay bigla akong napasandal sa upuan at tinakpan ko ng aking kanang braso ang aking mga mata. Hindi ko alam ang gagawin sa mga ganitong uri ng emosyon.
"Hindi ko alam Sato. Hindi ko alam." Malungkot kong sagot sa kanya. Kung tutuusin, iyon na lang ang mga salitang kaya kong isagot sa kanya dahil sa dami ng gumugulo sa isip ko.
"Balang araw malalaman mo rin ang tamang sagot diyan Vince." Ramdam ko ang sincereness at pag-aalala sa tono ng pananalita ni Sato.
Sana nga ay dumating ang panahon na iyon. Sana...
"Young Master!" Nagulat ako sa muling pagtawag sa akin ng pormal ni Sato. May kakaiba sa tono at diin ng pagtawag niya sa akin. Alam kong may problema.
Kaya dali dali kong tinanggal ang aking kamay sa aking mga mata at...
Bigla akong napaabante sa aking kinauupuan nang biglang magpreno si Sato. Buti na lang at nakaseat belt ako kundi ay tumilapon na ako sa harapang bahagi ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanficThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...