Stanza 16: The Mansion

1.8K 131 49
                                    

- Apollo -


Nakaconvoy ako sa sasakyan ni Elaine since siya ang nakakaalam kung paano pumunta sa bahay nila Anna. Mabuti na lang at mabilis lang ang biyahe papunta sa village nila Anna. Kung tutuusin malapit lang itong subdivision mula sa amin.

'So, pwede ko siyang bisitahin paminsan minsan.'  Nice idea Apollo! Hahaha!

Bumalik ako sa ulirat nang makita kong bumabagal na ang sasakyan ni Elaine sa tapat ng isang malaking bahay. Mukhang nasa tapat na kami ng bahay nila Anna.

Inobserbahan ko ang labas nito at napansing natatakpan ng vines ang mga pader. Gawa sa bricks ang mga ito at halatang sinadyang lagyan ng vines para magmukhang vintage sa paningin. Ang gate naman ay gawa sa wood na may letter "G" na crest na nakadikit dito. Pero, hindi mo makikita mula sa labas ang buong bahay nina Anna dahil na rin sa taas ng pader at ng gate.

Tumingin ako sa harapan ng sasakyan at nakita kong nandoon ang mga bodyguards ni Vince sa labas at tahimik na nagmamasid sa paligid. Mukhang ayaw talagang papasukin ni Vince ang mga ito sa loob. Ang alam ko nga eh ayaw niyang masyado siyang sinusundan sundan lalo na kapag kasama niya kami. Hindi nga namin alam kung bakit siya ganoon sa mga bodyguards niya eh.

Makaraan ang mahigit na isang minuto ay pinagbuksan na kami ng gate.

"Good evening po." Rinig kong bati ng isa sa mga guard na nagbukas ng gate. Nakangiti sila habang dumadaan ang aming mga sasakyan.

Nang makapasok kami ay inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at namangha ako sa nakita ko. Isang napakalawak at modernong bahay ang sasalubong sayo. May fountain sa gitna kung saan pwedeng umikot ang mga sasakyang maglalabas masok sa kanilang mansyon.

Pagka-park ay bumaba ako kaagad para pag masdan pa lalo ang bahay nila Anna. Naglakad ako papunta sa may main door ng bahay habang nakatingala pa din sa bahay nila. Para nga akong taong ignorante sa ginagawa ko dahil kanina pa ako nakatingala para pagmasdan ang bahay. Yung para bang first time ko lang makakita ng bahay.

Eh bakit ba? Walang basagan ng trip!

"Good evening po Tita." Bumalik ako sa sarili ko ng biglang magsalita si Elaine. Tumingin ako sa kanya at saka ko tiningnan kung sino ang binati niya.

"Good evening din iha. You must be Elaine?" Bati nang ginang na kamukha ni Anna.

"Opo Tita, ako po si Elaine. Nandito po kami kasi naiwan ni Anna yung mga pinamili niya kanina. Inihatid na po namin." Nakangiting sabi ni Elaine.

"Oh! That's very thoughtful. Thank you sa inyo dear." Sabi nung kamukha ni Anna.

Teka... Kamukha ni Anna, so ibig sabihin siya yung mama ni Anna?

'Ay ang slow Apollo! Di ba obvious? Kaya nga kamukha eh?' Anong problema ko ngayon? Bakit ako sinusungitan ng sarili kong thoughts?

"G-Good evening po." Agad kong bati sa mama ni Anna.

"Good evening din dear. Ikaw naman si Apollo, tama ba iho?" Nakangiti at mahinhin na tanong ng mama ni Anna.

"O-Opo. A-Ako nga po." Ano ba yan? Bakit ako nauutal?

"Pasok kayo sa loob. Nasa living area sila kasama ang kaibigan ninyong si Vince." Mahinhin at magalang na anyaya ng mama niya.

Sumunod kami kaagad sa mama niya habang patuloy kong nililibot ang ang mga mata ko sa loob ng mansion nina Anna.

WOW! BIG TIME ANG CHANDELIER!

Sabihin na ninyong OA ako pero ang laki kasi talaga nitong chandelier nila eh. Mayroon mang ganito sa bahay namin pero hindi ganito kalaki. Kasing laki ito nung mga nakikita ko sa grand ballroom ng isang hotel.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon