- Vince -
Pagkalabas ko ng glass house ay kaagad kong napansin na nasa harap na ang sasakyang maghahatid sa akin.
"Young Master." Sabay sabay na yumuko lahat ng body guards at driver ko.
"I told you not to go near this place. Ayokong may makakita sa aking sinusundo ninyo ako." Naiirita ako kapag sinusundan nila ako kahit saan. Dito lang sa glass house ako nagkakaroon ng privacy at kalayaan kaya ayokong hanggang dito ay pinupuntahan nila ako.
"I'm sorry, Young Master. Urgent po kasi ang appointment ninyo kaya kailangan namin kayong sunduin kaagad." Diretsong sagot sa akin ni Sato.
Ano pa nga ba magagawa ko eh nandito na sila?
Dumiretso na ako sa loob ng sasakyan na iritang irita pa rin.
"Basta sa susunod, HUWAG na HUWAG ninyo akong susunduin sa glass house! Sa parking lot lang palagi tulad ng palagi kong paalala sa inyo. Am I clear with that?" Madiin kong paalala sa kanila habang nakatingin sa may rear view mirror.
"Y-Yes Young Master!" Nagbow sila habang nangangatal ang kanilang sagot.
Habang nagpapalipas oras sa biyahe ay bigla kong naalala ang facial expression ni Anna.
Hahahahaha.
Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Ako din naman nagulat sa sarili ko kung bakit ko biglang ginawa ko iyon.
Napapangiti talaga ako kapag naaalala ko 'yun.
"Mukhang may magandang nangyari sa iyo nagyon." Sabi ni Sato na nakaupo sa tabi ko.
Siya lang ang tanging tao na hindi natatakot sa akin. Siya na kinalakihan kong guard at dahil na rin siguro sa tinuturing ko siyang kuya dahil sa matanda siya sa akin ng sampung taon.
"Ah. Oo. Isang nakakatuwang alalala mula sa isang... kaibigan." Napangiti muli ako habang inaalala ang expression ng mukha niya.
Mas maganda sana kung palagi siyang nakangiti kaysa yung nagugulat siya. Mas kaakit akit siyang tingnan kapag nakangiti siya.
Hindi ko napansin na nakarating na kami sa hotel. Mukhang nagmamadali talaga sila.
Pagkababa ko ng sasakyan ay full force na naman ang mga staff para salubungin ako.
Ayoko talaga sa lahat ang ganitong eksena.
Binilisan ko na lang ang paglalakad para hindi masayang ang oras ng lahat.
Dumiretso kaagad kami sa elevator para makapunta sa penthouse kung saan naghihintay ang future business partner ng pamilya ko. Kung... magiging business partner nga namin siya.
Sa penthouse, karaniwan ng makikita ang mga bodyguards na nakapaligid at nagmamasid.
At sa bawat pagkakataon na mapapadaan ako sa kanila, nagbobow lahat ng mga staff na nadadaanan ko.
Without further ado, I immediately proceed sa conference room to meet the negotiator and future business partner ng family namin.
Pagkapasok ko ay kaagad tumayo ang lahat na nandoon and take a bow as a courtesy.
"Konnichiwa." Sabi ng isa sa mga lalaking nasa harapan ko.
"No need for any formalities, let's get this finished as soon as possible." Umupo na kaming lahat at iprinesent nila ang isang contract.
This is the contract they sent to me last week at binasa ko ito ng ilang araw to see if this is indeed a good investment.
"Mr. Yamaguchi, that deal will be an additional asset in your company." Napatingin ako bigla sa lalaking nagsalita.
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
Fiksi PenggemarThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...