- Apollo -
Tick. Tock. Tick. Tock.
Hay. Ang bagal ng oras. Halos nabilang ko na yata lahat ng buntong hiningang nagawa ko sa isang oras. Nakaka-trenta na yata ako. Tsk.
"So, melodies and harmonies are both important part of music..."
Hay. Sana naman matapos na itong klase kong 'to para naman makapunta na ako sa practice at maging abala. Nakakaantok kapag nandito lang ako at nakikinig sa lecture. Parang pang-kinder lang naman kasi ang topic na dinidiscuss nitong si Mr. Rufos.
"Mr. Guiller, can you please gives us the difference between melody and harmony?"
Uh. Oh. Mukhang nahalata niyang hindi ako nakikinig. Tsk. Naku naman oh. Anong isasagot ko sa kanya?
Alam ko na. He-he-he.
"They have different spelling sir. Isn't it obvious?" Ganyan ang sagot Apollo. Haha! Ang talino ko talaga kahit kailan!
"Hahahahaha." Sabay sabay na nagtawanan ang mga kaklase ko sabay sa pag-face palm ni Mr.Rufos.
"Okay, you got me there. But what I mean is, in music, how do you differentiate melody and harmony?" Lagot na naman ako. Naging matanda na yung expression ng mukha niya. Seryoso na yan kapag ganyan.
"Melody is a single line of notes which some people would call the "tune" or the "song" part of the music while harmony is several notes played at the same time in which it can be very simple or complex." Kala niya hindi ko alam yung sagot sa tanong niya ah. Heh. Bibo kaya ako.
"Very good Mr. Guiller, but you are defining it like just a simple meaning in the dictionary or in books. How about in reality? Can you give me an example on how melody and harmony can be used? And how do they differ?" Ano ba naman 'yan? Hindi ba siya nakuntento sa sagot ko? Dami namang arte nitong prof na 'to.
"Uhmmmm..."
Krrrriiiiiiggggg!
'Yun oh! Saved by the bell! Nyahaha! Tatantanan na ako nitong...'
"Assignment mo 'yan Apollo. Hindi kita tantanan hangga't wala kang sagot sa tanong kong iyan." Anooooooo? Hindeeeeeeeeeee!
Ano ba kasing nakain nitong prof ko at ako ang pinag-iinitan?
'Sinagot mo kasi ng pabalang eh. Ano pang inaasahan mo?' Tama na naman yung thought ko. Kasalanan ko naman kasi eh.
Makapunta na nga lang ng school field. Baka maburo ako dito kakakausap sa sarili ko. Tsk.
"Tumakbo kaya ako papunta doon? Malayo layo pa man din yung field mula dito sa school building. Hmmm... Huwag na lang siguro baka pagpawisan pa ako. Saka maaga pa naman kaya for sure maaga lang din ako makakapunta doon." Naglilintanya na naman ako dito mag-isa sa hallway. Baka isipin ng makakita sa akin na baliw...
"Hoy! Kausap mo na naman sarili mo diyan. Hahaha."
"AY BUTIKI!" Kainis! Bakit ba kasi nangugulat itong si Janus? Bwisit! Buti na lang at walang nakarinig sa pagsigaw ko. Kakaasar talaga.
"Nasaan yung butiki? Nasaan?" Ikaw yung butiki! Badtrip!
"Wala. Huwag mo na yun pansinin. Bakit nandito ka sa floor namin? Problema mo?" Bored kong tanong sa kanya.
"Wala lang. Ay actually meron pala. May sasabihin daw si Coach sa ating lahat. May iaannounce yata siya eh. Eh hindi naman kita matawagan kasi alam kong may klase ka kaya sinundo na kita." Nakangiti niyang sagot sa akin.
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...