- Anna -
Nandito na kami ngayon sa sala at nagkukwentuhan nila Apollo at ni Tita habang hinihintay namin ang tanghalian.
Magkatabi kami ni Apollo sa isang mahabang couch habang katapat naman namin si Tita Ellie na nakaupo din sa isang mahabang couch.
Elisa Reyes- Guiller ang buong pangalan ni Tita Ellie. Mas gusto niyang tinatawag siyang Tita Ellie kaysa Mrs.Guiller dahil magiging malungkot lang daw siya kapag naaalala niya ang namayapa niyang asawa.
Forty five years old pa lang si Tita pero kung tutuusin hindi iyon halata sa mukha niya. Mukha lang kasi silang mag ate ni Apollo sa sobrang batang tingnan ni Tita.
"Siya nga pala iha, kamusta ka sa Somerset? Inaalagaan ka bang mabuti ng S.O.S club lalo na nito ni Apollo?" Seryosong tanong ni Tita bago uminom ng tea na sinerve sa amin.
At dahil handa ako sa ganitong mga pagkakataon, inilabas ko ang aking sketch pad at marker saka ako nagsulat ng sagot sa tanong ni Tita.
'Opo. Mabait at napakamaaalalahanin nilang lahat sa akin lalo na po si Apollo dahil siya po ang palaging nasa tabi ko kapag natatapilok po ako.' Kaagad kong ipinakita ang sketch pad para sagutin ang tanong ni Tita.
Nagsinungaling na lang ako sa dulong bahagi ng pangungusap dahil ayokong ibrought up ang topic tungkol sa mga nangyari sa akin na hindi kanais nais.
Napangiti si Tita sa sagot ko at saka siya tumingin kay Apollo. Napatingin din ako kay Apollo at nakita kong napakaseryoso ng kanyang mukha na para bang galit siya sa kung anong bagay.
May nasabi ba akong mali? Bakit kaya naging ganyan ang expression niya? Hindi naman siya siguro galit sa mama niya di ba?
Biglang lumapit sa tabi ni Apollo si Tita at saka ngumiti ng malaki sa aming dalawa.
"Naku! Mabuti naman at inaalagaan ka ng unico hijo ko! Manang mana talaga siya sa Papa niya! Mwahahaha!" Over the top na reaction ni Tita habang hinahampas hampas ng malakas ang likod ni Apollo.
Halata naman kay Apollo na tinitiis niya ang malakas na paghampas sa kanya dahil na rin sa reaksyon ng kanyang mukha.
'Hihihihi.' Hindi ko na napigilang tumawa ng tahimik sa nakikita kong reaksyon ni Apollo. Mukha kasi siyang maliit at cute na batang inagawan ng candy at nagmumukmok ng tahimik.
"Oh kita mo na anak! Tuwang tuwa si Anna sa akin oh!" Galak na galak na sabi ni Tita kay Apollo habang yakap yakap siya.
"Babawi talaga ako sa'yo mamaya Mama. Pagbibigyan kita ngayon." Mahina ngunit rinig kong bulong ni Apollo sa kanyang Mama.
Pagkarinig ko nun ay kaagad kong inobserbahan ang reaksyon ni Apollo kung nagagalit ba siya sa ginagawang paglalambing ni Tita sa kanya pero iba ang nakita ko. Mapagbiro at relax ang itsura ni Apollo habang nakapikit. Kung tutuusin, ngayon ko lang nakitang ganito si Apollo. Normally, masiyahin at palagi siyang nakangiti kapag nakikita ko. Mga bagay na gustong gusto ko sa personalidad niya.
Pero, biglang sumagi sa isip ko ang itsura ni Apollo nung insidente kay Allison. Naaalala ko kung gaano niya pinipigilan ang sarili niyang magalit. Ibang iba si Apollo nung panahon na iyon. Doon din nagsimulang mag-iba ang pagtingin ko sa kanya.
"Madam. Handa na po ang tanghalian." Nawala ako sa pagsspace out ng marinig ko ang kasambahay nila na kinausap si Tita.
"Kumain na muna tayong lahat bago kayo magpractice." Anyaya ni Tita sa amin.
Tumango ako at saka ako tumayo. Sumunod na tumayo si Apollo at pinauna ako sa paglalakad.
Habang tumutungo kami sa dining area ay napansin ko na kanina pa tahimik si Apollo. Hindi naman siya normally ganito. Karaniwan, marami siyang sasabihin o ikukwento tungkol sa mga bagay bagay na naranasan niya sa buong araw pero, ibang iba siya ngayon. Dahil ba nandito ako?
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...