Chapter 01

30.9K 1.1K 134
                                    

Sage Imperial's

Kumawala ang mumunting luha mula sa mga mata ko habang nakahiga sa kama ng hotel room kung saan dapat ako natulog kagabi. Kung hindi sana ako uminom ng uminom, hindi sana nangyari yun.

Gusto kong kastiguhin ang sarili ko dahil sa tatanga-tanga ako. Kahit alam kong iba ako kapag nalalasing at mababa ang tolerance ko sa alcoholic drinks ay sumige pa rin ako.

Ayoko namang tanggihan ang mga katrabaho ko. Baka sabihan pa ako na kj at pa.

Pero heto na nga, Sage! Tignan mo ang nangyari? Bumukaka ka sa halimaw na Chairman na yun!

Pinahid ko ang mga luha ko't tinampal ang noo ko. Tinampal ko ito ng tinampal hanggang sa tumigil ako dahil masakit na ito. Totoo nga talaga, hindi ako nananaginip!

HINDI NA AKO VIRGIN!

Ano ba naman! Inalaagan ko yun sa mahabang panahon tapos dahil lang sa isang iglap ay nawala na parang bula at higit sa lahat, bakit kay Alejandro pa?!

Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa halimaw na yun. Nakilala niya kaya ako? I just hope na hindi. I hope na lasing din siya kagabi at 'di niya maalalang nag— ano—

Nag sex kayo. Anang isang parte ng isip ko.

Oo na! Oo na! Nag sex kami!

Gusto ko na talagang itapon ang sarili ko sa mental dahil alam kung konti na lang mababaliw na talaga ako. I'm so frustrated right now. Kung pwede ko lang hilahin pabalik ang oras hinding-hindi ako iinom!

Napatingin ako sa pinto nang marinig kong may kumakatok. Agad na binalot ng kaba ang dibdib ko. Hindi naman siguro si Alejandro 'to 'di ba? Ayoko talaga siyang makita. Nakakahiya!

Mas lalong lumakas ang katok kaya naman ay dahan-dahan na along bumangon kahit kabang-kaba at halos lumuwa ang puso ko sa sobrang hampas nito. I breathed deeply.

Dahan-dahan kong inabot ang doorknob. Sa mahinang pagpihit ko'y halos himatayin na talaga ako sa kaba. Kapag si Sir Alejandro 'to, I swear! Ikakamatay ko!

Binuksan ko na ang pinto at nakakunot na noo at puno ng iritasyon ang ekspresyon sa mukha ang bumungad sa'kin.

"Ang tagal mong buksan ha. Kapag tayo nahuli, sasakalin kita!" Naiinis na bungad ni Caelus, ang ka-officemate ko.

Buti naman at hindi yung halimaw. Nakahinga ako ng maluwag. "Saan tayo?" Tanong ko.

Pinitik niya ng mahina ang noo ko na ikinatawa ko lang. Hindi naman masakit. Caelus is closest to me among all my officemate kaya sanay na akong ginaganyan niya.

"Ayan tulog kasi ng tulog! May meeting daw tayong lahat sa function hall ng hotel. Ewan ko ba sa mga siraulo nating boss, short break kuno tas may meeting!"

Oo, binigyan kami ng three days break. Lahat ng empleyado sa kompanya ay nilibre dito. This is one of the most famous and luxurious hotel and resort in the whole country. As in lahat ng empleyado andito.  Pasasalamat ata ng mga tao sa likod ng kompanya sa kanilang empleyado na walang sawang nagbibigay ng magandang serbisyo.

"Ano na, Sage? Tatayo lang tayo dito?" Untag ni Caelus na nakapagbalik sa'kin mula sa pag-iisip.

Tinignan ko ang suot ko. "Okay lang ba 'to? Wala along formal na dala eh."

"Okay na yan. Lahat naman tayo walang formal na dala kasi nga break ito. Tara na nga!"

Tumango na lamang ako at 'saka tuluyan ng lumabas ng hotel room ko at 'saka isinarado ang pinto. Caelus and I made our way to the function hall.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon