Chapter 42

11.4K 479 21
                                    

Sage Imperial's

I left him while he is in his deep slumber.

Mahimbing pa ang tulog ni Alejandro habang nakayakap sa akin nang iwanan ko ito kaninang umaga. Tapos na nga talaga ang lahat sa amin. Pakiramdam ko kasi ay tototohanin niya ang pinangako niya sa akin.

Some people really are just lessons.

Tinanaw ko ang isang hindi kalakihang bahay na niluma na ng nagdaang panahon. Kinurot ang puso ko habang nakatingin sa bahay na napabayaan na.

Bahay ng mga totoo kung magulang.

Hindi ko man maalala ang mga alaala noon, alam ko sa puso ko na may mga alaala kami ng mga tunay kong magulang dito. I breathed deeply before going off the car that Maxine lend to me. Sila rin ni Marcus ang naging dahilan kung bakit ko natunton ang bahay ng mga totoo kong magulang.

I owe them a lot.

Naglakad ako papalapit sa gate na sira na't kinakalawang. Nakabukas ito kaya diretso akong pumasok. Malungkot akong ngumiti habang inililibot ang tingin sa loob ng malawak na bakurang kinakain na ng kalikasan.

Kahit anong pilit ko'y wala talaga akong maalala. Siguro noon, naglalaro ako rito tapos pinapanood ako ng mga magulang ko. Kay ganda sanang alaala ngunit binawi rin ng panahon sa pamamagitan ng kasakiman ni Elizabeth.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa namalayan ko na lang na nasa loob na ako. May kadiliman ngunit sa tulong ng liwanang mula sa labas at sa mga bintanang bukas, nakikita ko pa rin ang loob ng bahay.

I roamed my eyes around while walking towards an antique table that's near the stairs. Nabasag ang puso ko pagkalapit ko dahil bumungad sa akin ang mga picture frames na nababalot na ng alikabok.

Pinaghahaplos ko ito isa-isa. Wala akong pakialam kahit pa mabalot rin ang kamay ko ng alikabok. Ang alam ko lang ay unti-unti na namang sumasakit ang puso ko habang isa-isang dinadampot ang mga picture frame.

Sumilay ang matipid na ngiti sa aking labi nang makita ko ang larawan ng isang batang lalaking nakangiti sa camera at sigurado akong ako 'to.

Ibinaba ko ang frame at dumampot na naman ng isa and this time, my heart shattered. Hindi ko sukat akalain na ganito pala ang buhay ko. Akala ko ay sa mga pelikula o libro lang 'to nangyayari pero hindi.

It was a picture of a beautiful woman and a handsome man. They're looking at each other while the man is holding the woman's hand. They looked so happy and really in love— my parents, you can tell the genuine love they have by just staring at this picture of them.

Paano sila nagawang sirain ng dating kaibigan ni mama Lorraine? Why can't Elizabeth just be happy for my mom? Bakit kailangan bawiin niya ang buhay na hindi siya ang nagbigay. She killed my parents.

"I love you, mama, papa." Masakit kong bulong sa hangin habang hinahaplos ang larawan nila.

"Pasensya na kayo ngayon lang muling nakapunta ang anak niyo ha? Nabuhay kasi ako sa loob ng mahabang panahon na walang alam sa katotohan. Naiintindihan kita, mama. Alam kong hiniling mo lang na ilayo ako sa katotohan dahil pinoprotektahan mo lang ako. Hindi ko man maalala ang mga masasayang are natin noon, kailanman ay hindi makakalimutan ng puso ko na mahal ko kayo. Mahal na mahal. Mama, papa, magkaka-apo na kayo. Buntis po ako," Inilapit ko sa bandang tiyan ko ang larawan nila. "Nandyan sa loob ang magiging apo niyo, nagpapalaki. Ipinapangako ko na aalagaan at papalakihin ko ang bata na punong-puno ng pagmamahal."

Kinuha ko mula sa picture frame ang larawan nila mama't papa. Dadalhin ko ito kung saan man ako pupunta para palagi ko pa rin silang kasama. Kapag nakabalik ako, ipapaayos ko itong bahay. Matagal siguro pero babalik ako.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon