Chapter 05

21.1K 853 76
                                    

Sage Imperial's

Almost one week of being Sir Alejandro's p.a. slash secretary is hell!

Feeling ko kung babae lang ako't may menstrual flow? Matutuyuan talaga ako! Grabeng torture ang ginagawa ng isang 'to sa'kin. Kung noong una'y nagrereklamo ako dahil wala akong ginagawa, ngayon nagrereklamo ako sa dami ng pinapagawa niya.

Hindi na nga ata ako p.a slash secretary eh. Feeling ko isa na akong alipin dito. Kinakawawa niya ako kagaya na lang ngayon.

"Imperial, pagkatapos mong isulat yan, e encode mo 'to," Itinuro niya ang sandamakmak na papel na nasa table niya. "Pagkatapos, linisin mo itong buong office. Ayoko ng may kahit konting alikabok lalo na 'tong mesa ko."

Gusto ko ng magwala. Gusto kong sigawan ang mukha niya na sobrang linis na ng buong office, nangingintab, walang alikabok! Higit sa lahat, may maintenance ang buong building! Bakit ako ang pinapaglinis niya?

Malapit na mag 5 pm at out ko na pero heto maglilinis pa. Daig ko pa ang pagiging estudyante naatasang maglinis. Kaninang umaga, pina-mopped niya sa'kin ang buong floor pati na ang meeting room at ang coffee pantry.

Inutusan niya rin ako na bumili ng kung ano-anong tingin ko'y hindi naman necessary. Sobrang dami at sobrang bigat!  Medyo natagalan nga akong makabalik dahil nahirapan ako sa pagbitbit. Tapos noong inakyat ko na rito, 'saka naman niya sinabing ideretso ko raw sa kotse niya sa parking lot. Eh nasa pinakadulo ata ng langit 'tong office niya.

Nakakatuwa 'di ba?

"Sir, baka gusto niyong punasan ko yung glass wall mula sa labas?" I sarcastically asked pero nagkibit-balikat lang ito saba'y sabing, "That's even better."

I gritted my teeth habang patuloy na nagsusulat. "Sir, bukas ko na lang ho ee-encode yan kasi may lakad pa ako," Maginhawa akong huminga dahil sa wakas ay natapos ko na rin ang mga isinusulat ko. I immediately stood up at inayos ang mga papel.

Naglakad ako papunta sa table niya't maayos na inilapag ang copy at ang written ko. Naramdaman kong nakatitig siya sa'kin habang chine-check ko ulit ang mga papel kung wala ba akong nakalimutan. Agad ko siyang nilingon at tama nga ako, he's looking at me.

Akala ko'y magbababa ito ng tingin pero hindi niya ginawa. Duh? Kailan ba yan naunang magbaba ng tingin, Sage? Mayabang yan.

Inirapan ko siya't tinalikuran. Sanay na yan sa irap ko dahil lagi ko siyang ginaganyan. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon hindi pa niya ako tinatanggal. Ibalik niya na lang kako sa dati kong trabaho dito.

Lumabas ako't kumuha ng ilang gamit para sa paglilinis. Nang makakakuha'y nagdabog pa ako bago muling naglakad pabalik sa office.

Tiisin mo lang. Konti na lang out mo na. Kumbinsi ko sa sarili.

Pagkapasok ko ay agad na rin akong nagsimulang maglinis kuno jusko ano namang lilinisin ko dito? Kung itapon ko kaya lahat ng gamit 'saka muling ayusin. Ihuhuli ko na ang table dahil busy pa ang Chairman. Tutok na tutok sa laptop niya.

Minadali ko na lang ang pagpupunas sa mga dapat punasan kuno. Isinunod ko na rin ang table ko. I checked my watch 4:50 pm, okay.

Mabagal ang pagpunas ko sa pinakamamahal kong mesa. Nasa center ako sa harapan nakaharap ako sa upuan kong medyo distansya sa'kin dahil ata sa pagkakatayo ko kanina.

Dahil sa inabot na ako ng katamaran, bahagya na lang akong yumuko, idinantay ng konti ang katawan ko at inabot ito. Napangisi ako ng mahawakan ang armrest ng silya. Hihihalin ko na sana ito nang biglang marahas akong hinila't pinaharap ni— Sir, Alejandro?

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon