Chapter 22

14.5K 617 97
                                    

Sage Imperial's

Andito ako ngayon sa bar hindi para magtrabaho kundi para magpaalan na sa mga kasamahan ko at sa taong mahalaga sa akin, si Eli.

"Talaga bang iiwan mo na ako, Sage?"

Napalunok ako sa lungkot ng boses ni Eli. Nakahawak ito sa kamay ko at parang ayaw akong payagang umalis.

"Hindi naman kita iiwan. Titigil lang ako sa pagtatrabaho dito pero hindi kita iiwan." Pang-aalo ko sa kanya.

He didn't answer at nanatiling malungkot ang mga mata kaya kaagad akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit.

"Eli naman," Nahihirapang sabi ko. Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit na mahigpit. "Hindi naman ako mangingibang bansa kaya magkikita pa rin tayo 'no ka ba?"

"I'm just going to miss seeing you around here, Sage. Sa loob ng dalawang taon, alam mo namang ikaw lang ang naging kaibigan ko well, at least, ikaw lang din ang gusto kong maging kaibigan," he said as he caressed my back. "Don't forget to contact me everyday, okay? I want to make sure you're fine. Iba pa rin kasi yung nakikita kita dito kahit ilang gabi lang sa isang linggo."

Humiwalay ako sa yakap niya. I cupped his face.

"Oo naman, tatawagan kita lagi dahil gusto kong e monitor kung naglalandi ka ba dito. Umayos ka nga rito, Eli ha?"

Tumango siya't hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya't marahan itong pinisil pero nakasimangot siya. Mas mabuti na kesa naman malungkot ang mukha niya.

"Bakit ka ba kasi aalis?" he asked.

"My boss wants me to stay with him. I really don't want to quit this job, at least not now pero matigas ata ang bungo ng boss ko, Eli."

Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako pero parang ngumisi si Eli bago sumimangot ulit at hinila na naman ako para yakapin. Yumakap na rin ako pabalik.

"Sige na nga!"

-

Isinarado ko na ang closet bago ako naglakad papunta sa kama at ibinagsak ang sarili ko. Napakamot na lang ako ng ulo nang marealised ko kung nasaan ako.

I am at Alejandro's condo unit, in his room exactly at simula ngayon ay dito na ako titira. Jusko! Ayoko talaga sana. Grabe ang ayaw ko na kahit si mama ay kinuntsaba ko na sabihin kay Alejandro na hindi siya pumapayag.

Pero ang mga siraulo kong kapatid, ayun pinilit ako ng pinilit. Inempake pa nila ang mga damit ko kahit hindi pa ako pumapayag. Wala na rin akong nagawa dahil napapayag ni Alejandro si papa. Ewan kung anong pinakain ni Alejandro sa ama at mga kapatid ko.

"You done?"

Agad akong napatingin sa pintuan at nakitang prenteng nakasandal si Alejandro sa hamba ng pinto. Sumimangot ako kaagad.

"Ano naman kasing naisip mo't pinatira mo ako dito ha?" Naiinis kong tanong.

"I don't like you working in that gay bar, Sage and this is what I offer, extra income. You just have to clean my condo unit and live with me."

Umupo ako sa kama. "Ah, stay in maid kamo? Pinahaba mo pa ah?" I sarcastically said.

Ngumisi siya't dahan-dahang naglakad papunta sa akin. Bumusangot ako dahil alam ko ng may naiisip na naman yang kalokohan sa isip.

"Tigilan mo ako, Alejandro ha?!"

Naiirita kong sabi pero napatili na lang ako nang bigla ako nitong dambahin kaya napahiga ako at nasa ibabaw ko siya. Lalo akong napatili ng pugpugin niya ng halik ang buong mukha ko.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon