Chapter 10

19.5K 755 89
                                    

Sage Imperial's

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. I stared at the ceiling as I yawned. Dahil siguro sa pinag-iisip ko kanina'y nakatulog din ako. Gumalaw ako at napansin kong may nakapatong na kung ano sa ibabaw ko.

I slowly sat down habang tinitigan ang nasa kamay ko ngayon. Parang may humaplos sa puso ko nang napagtanto kong coat ito ni Sir. May mabait na buto pala talaga si Sir Alejandro. But why?

Napatingin ako sa single sofa na nasa medyo may gilid ng couch kung nasaan ako nakaupo ngayon. Umawang ang mga labi ko nang makitang andun si Sir Alejandro, tulog na tulog.

I slowly stood up and I walked slowly towards him. Pagkalapit ko'y maayos kung inilagay ang coat sa kanya. Pinakatitigan ko ng maigi ang mukha niya. Ang amo niyang tignan ngayon.

Ang noo at ang kapal ng kilay na bumagay sa matangos nitong ilong, ang medyo mahaba nitong pilik-mata, ang perpektong pisngi at panga lalo na ang mamula-mula at makasalanan nitong labi. Ang gwapo niya.

Sana tulog na lang siya palagi para maamo siyang tignan para kasi siyang wolf na handang kumatay ano mang oras kapag gising.

Dahan-dahan kong inilapit ang daliri ko sa mukha niya. Gusto ko sanang haplusin ang labi niya. Napalunok ako ng ilang metro na lang ang layo ng daliri ko sa labi niya. Gagawin ko talaga?

Huwag, Sage. Anang isip ko.

Sa huli'y inilayo ko ang daliri ko bago ko pa man mahaplos ang labi niya. Agad na rin akong lumayo at bumalik sa table ko upang tapusin ang ipinasusulat niya.

Para atang pumasok lang kami ngayon para matulog. Hindi rin ba siya nakatulog kaninang madaling araw? I sighed. Tinignan ko muna ang relos ko at isang oras pa para mag lunch break. Nagsimula na akong magsulat ulit.

While writing, hindi ko maiwasang mapangiti dahil naaalala ko na naman ang coat niya. Okay, I admit. Natuwa ako and I felt guilt kasi I judged him to harshly before.

Ikaw ba naman kasi makarinig ng masasama tungkol sa kanya tapos dagdag pa noong inofferan niya ako ng pera para manahimik ako at huwag ipagkalat na may nangyari sa amin.

Shit. Oo nga. The man whose sleeping peacefully on the couch is the man who took my virginity. I can't deny that he's my first and big. Paano kaya kapag naalala ko lahat? Shit! Ang landi, Sage ha?

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at muling nag focus total ay malapit ko na rin naman itong matapos. Ewan ko ba, pwede naman 'tong eencode pero heto ako nagsusulat. Okay, last line.

A smile appeared on my lips when I'm finally done. Nag-unat muna ako ng kaonti bago inayos ang mga papel. Sumandal ako sa sandalan ng upuan ko. Gigisingin ko kaya si Sir? Malapit na mag lunch pero natatakot naman ako na baka magbuga yan ng apoy. Mukhang sarap na sarap ang tulog eh.

Saan kaya maglulunch 'to ngayon? Hindi kami sabay mag lunch eh. Bakit kami magsasabay? Empleyado lang naman ako.

Kinuha ko ang phone ko. I saw two messages received from Eli and Marcus.

Eli— Hooooy! Ba't di ka pumasok kagabi? May date ka 'no?

Marcus— Good morning, Sagey baby. Take care!

I turned off my phone. Hindi na rin ako nag-abalang mag reply dahil kukulitin lang ako panigurado ng mga yan. I looked at the direction of the sofa at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang paggalaw ni Sir Alejandro.

Agad akong nagkunwaring nagsusulat kahit ang totoo'y tapos na. Pasimple ko siyang tinignan at talagang gising na siya. His hair is kinda messy and it looks so sexy— okay, hold up, Sage.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon