Chapter 38

10.8K 495 17
                                    

Sage Imperial's

"LORRAINE BORJA. Iyan ang tunay na pangalan ng totoo mong ina, anak."

Nandito ako ngayon sa bahay. Sinadya kong magpunta ngayon dahil wala ang mga kapatid ko't si papa samantalang maiiwan si mama mag-isa kaya magandang pagkakataon 'to para malaman ko na ang buong katotohanan.

Hindi pa ako ganoo kahanda pero haharapin ko na 'to. This is now. Hindi bukas o susunod na araw.

"Ang pangalan naman ng mama ni Eli ay si Elizabeth."

Huminto saglit si mama sa pagsasalita at tumayo. She went to their small cabinet at mula doon ay may kinuha ito bago bumalik sa kama't umupo sa tabi ko. She then showed me an old photo. Tatlong babae na pawang nakangiti sa camera. My forehead creased.

"Si Elizabeth 'tong nasa kanan, si Lorraine 'tong nasa gitna at... at ako ang nasa kaliwa, anak."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko mula kay mama at sa lumang larawan. Kahawig nga niya ang babaeng nasa kaliwa.

Bumuntong hininga siya at ngumiti bago nagsalita. "Matalik kaming magkaibigang tatlo simula high school. Laging magkasama sa lungkot man at saya, nandoon kami para sa isa't-isa. Naging magkapatid ang turingan naming tatlo. Halos magkahati kami sa lahat ng bagay. Dapat kung meron ang isa, meron din ang dalawa. Matatag. Walang titibag. Ganyan ko mailalarawan ang pagkakaibigan naming tatlo ngunit..."

Mama Janette's smile slowly faded. Napalitan ng lungkot ang kaninang masaya niyang mukha. Titig na titig siya sa larawan at nakita ko ang bahagyang nginig niya kaya hinawakan ko ang kamay niya to calm her down.

"Hindi ko sukat akalain na pagtungtong namin ng college, magbabago ang lahat, na ang pagkakaibigang matatag ay bigla na lang matitibag. Lorraine and Elizabeth fell for the same man and the he chose Lorraine. Si Lorraine ang minahal ni Sancho."

Kung gayon ay pag-ibig ang sumira sa pagkakaibigan nila?

"Sobrang nagalit at nasaktan si Elizabeth, hindi niya matanggap. Sinugod niya si Lorraine at hindi ko akalain na kakalimutan nila ang pagkakaibigan nila dahil sa lalaki. They chose to throw our friendship away. Pakiramdam ko ay nabalewala nila ako, na hindi nila ako inisip noong tapusin nila sa mismong harap ko ang pagkakaibigan nila, nasira din ako."

Mama Janette's tears fell. Lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya at pinigilan kong mapaluha. Looking at her being vulnerable breaks me.

"Elizabeth throw her future away, sinira niya ang buhay niya. She didn't finish her last year in college, got pregnant by a random guy and her family disowned her. Huli kong balita noon umalis daw ito ng bansa."

"At... At anong nangyari sa totoo kong ina, mama?"

Ngumiti siya't hinawakan ang kamay ko bago sumagot. "Your mom live the best of her life. After graduating, we keep in contact despite what happened kaya alam ko pa rin na masaya ang naging buhay niya. Sancho loves her so much and she loves him too. She got pregnant at isinilang niya ang isang malusog na bata at," Hinaplos niya ang mukha ko. "Ikaw yun, anak. Ikaw ang naging bunga ng pagmamahalan ni Sancho at Lorraine."

Sancho and Lorraine, my real parents. Somehow, I felt warmth inside my heart as if it knew them for so long.

"Lumipas pa ang maraming taon, nagkaroon na rin ako ng pamilya. Tatlo ang naging anak ko kaya lang ay binawi ng Diyos ang panganay," She wiped off the tears that's escaping from her eyes. "I lost a child pero tinanggap ko kasi hiram lang naman siya sa Diyos."

Ramdam ko ang lungkot ni mama ngayon. Kahit hindi ko man naranasan, dama ko pa run yung lungkot niya.

"He was 13 years old when we lost him. 11 years old noon si Sammy at 8 naman si Santi noong mawala ang kuya nila. Ibig sabihin, halos kaedad mo lang din siya noong nawala siya, Sage."

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon