Chapter 29

11.2K 496 32
                                    

Sage Imperial's

Two months passed by like a blur.

Marami na ang nakakaalam na mag-nobyo kaming dalawa ni Alejandro. From my whole family to my co-employees. Sa una'y syempre nagulat sila lalo na ang mga empleyado sa kompanya.

They asked me how did I tamed Alejandro na sinagot ko lang ng hindi ko alam and I wasn't planning to tamed him in the first place. I fell in love and so as he and that's it.

Kung ako lang ang masusunod, ayoko sanang ipagsabi ang tungkol sa relasyon namin pero Alejandro is very open about our relationship. Ang clingy nga niya kahit nakatingin sa'min ang mga empleyado. He seemed not to care.

Sa loob ng dalawang buwan ay hindi nawala ang away sa amin. Madalas siya ang sumusuyo sa aming dalawa. We never go to sleep na magkaaway. We have to be okay first before sleeping.

Alejandro is extremely far from the person I used to know. My heart is overwhelmed knowing that I get to know the other side of him. The caring and loving one and with that I fell even more. Mahal na mahal ko na talaga siya.

I just hope that everything will be fine.

"Hey, are you listening to me?"

Agad akong napakurap. I looked down at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Alejandro na ngayon ay nakakunot ang noo. Nakahiga siya ngayon sa paanan ko at masuyo ko namang hinahaplos ang buhok niya.

"May iniisip lang ako," sabi ko't hinaplos ang makapal niyang kilay.

He sighed. "Ano namang iniisip mo, sweetheart?" he asked.

I averted my gaze to the tv screen bago ako nagpakawala ng isang ngiti. Naramdaman ko naman ang pagsiksik ni Alejandro sa bandang puson ko.

"I can't still believe that we're in a relationship. Akala ko noong una'y hindi tayo aabot ng isang linggo," sabi ko sa nagbibirong tono. "Pero tignan mo naman, dalawang buwan na tayo at sana nga'y magtagal pa tayo, Alejandro." Kasi sobrang mahal na mahal kita. Hindi ko ata kakayanin kung maghihiwalay tayong dalawa.

"I love you so fucking much, Sage that I am willing to gamble anything just to have you," he said. "Ngayong sa akin ka na'y sisiguraduhin kong hindi ka makakawala. I won't let you go."

Napangiti ako sa narinig. Iniyuko ko ang ulo ko't hinalikan ang noo niya. Gumalaw naman siya paharap sa akin at idinampi ang labi niya sa labi ko. I smiled before pulling away.

"Sweetheart, you sure you won't come with me?"

Huminga ako ng malalim at umiling. Alejandro will be having a out of the country meeting. He'll be flying to Singapore by tommorow at gusto niyang isama ako pero since dalawang araw lang naman siya doon, I decided na magpaiwan na lang muna.

"Dalawang araw ka lang naman doon kaya huwag na. Magpapaiwan na lang ako't aalagaan ang office mo."

Bahagya siyang napanguso kaya hindi ko napigilan ang pagtaas ng sulok ng labi ko. He's cute.

"Fine. Pero kapag nagkasundo agad hindi ako aabutan ng dalawang araw doon. Damn! I'd rather stay here with you," Pinisil niya ang kamay ko. "Kung si Juancho na lang kaya ang ipadala ko doon?"

I shook my head. "Sira. Kayong dalawa ang kailangan doon kaya pupunta ka, okay?"

Napipilitan siyang tumango. "Sage," he called.

"Hmm?"

"Just tell me if Maxine will come and bother you again, okay? Nasabihan ko na ang mga security guards sa building na hindi na siya pwedeng papasukin but still, I am sure hindi man sa building, she'll come and bother you."

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon