Chapter 32

10.4K 436 10
                                    

Sage Imperial's

I slightly opened the door to see if Maxine is already sleeping. I did a very careful move para hindi niya mapansin. Hindi ko na rin ako pumasok, tinanaw ko na lang siya.

There, I saw her sleeping peacefully on the bed. Hindi ko maiwasang mapangiwi nang makita ko ang posisyon niya. Jusmio! Parang hindi babae kung matulog.

Takpan ko kaya ng unan ang mukha niya? Dejoke lang.

I closed the door at naglakad ako papuntang kusina para kumuha ng gatas. Hindi talaga ako makatulog kahit anong pilit ko.

Why is Alejandro not calling me? Ni message wala akong natanggap mula sa kanya. Is he that busy? Ani ng utak ko.

Pagkatapos kong maisalin ang gatas sa baso, I went straight to the living room. Ibinagsak ko ang sarili sa couch at muntik na ngang matapon ang dala kong gatas.

I sighed as I took a sip. Inilapag ko ang baso sa mesa at sumandal sa sandalan. I looked at my phone as I turned it on.

No message.

Aba naman! Talaga bang nakalimutan ako ng lalaking yun? Nangangaliwa ba ito doon? Hah! Subukan niya lang talaga.

Hindi na talaga matimpla ang mukha ko. Nagpupuyos talaga ang kalooban ko. Nakaka-frustrate pala. I sighed.

I was about to put down the phone when my face lit up as Alejandro's name popped on the screen. Walang pagdadalawang isip na sinagot ko ito.

"Hello? Bakit ngayon ka lang napatawag?" I asked. I missed you...

"I'm sorry, sweetheart. I got really busy pagdating dito. I'm sorry, I love you." Alejandro said softly.

Para namang hinaplos ang puso ko nang marinig ang mga katagang yun mula sa kanya. I smiled.

"Ayos lang. I love you too." I responded.

Noong bago pa lang na naging kami'y hiyang-hiya akong sumagot sa mga I love you's niya. Of course, this is my first time to be in a relationship at hindi ako sanay pero kalaunay naging komportable rin ako.

"How's your day? I missed you so fucking much. I badly want to be there right now."

Inabot ko muna ang baso ng gatas at lumagok mula dito. "Ayos lang naman. How about yours?"

"Mine? You mean my penis—"

"ALEJANDRO!" Pigil ko sa kanya. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin! Ang halay mo talaga. What I mean is how's your day?"

I heard him chuckled. "I know, sweetheart. Binibiro lang kita. Anyway, it's kind of tiring day lalo na't hindi kita kasama."

I bit my lower lip thinking if I should tell him that Maxine is here with me. Should I? Or huwag na lang dahil baka umuwi ito agad-agad. At the end, I decided not to tell.

"Pahinga ka muna. Ayos na sa'kin na tumawag ka. You'll be busy again tomorrow, I guess so you should take a rest." Malumanay na sabi ko.

"How about you? It's midnight there. You should sleep right now."

Hinintay ko lang talagang tumawag ka dahil dinala mo ata dyan sa Singapore ang antok ko.

"Uminom lang ako ng gatas. Matutulog na rin ako kapag nagpahinga ka na."

"We can sleep without me ending the call, sweetheart."

Umiling ako. "Tumigil ka nga. Tawag ka na lang ulit bukas kapag hindi ka na busy. Sige na, magpapahinga na tayo."

Rinig ko pa ang pagbuntong hininga niya bago siya magsalita. "Okay, fine. Good night, sweetheart. I love you. See you, soon."

"I love you too, Alejandro."

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon