Chapter 18

15.2K 649 107
                                    

Sage Imperial's

Dahil nakapagpahinga ako kaninang umaga, nagdesisyon akong pumasok ngayong gabi sa gay bar. Hindi rin tumawag si Sir Alejandro kaya siguradong wala pa ito sa Pinas.

"Kamusta ang pagbisita sa Thailand, Sage? Nag-enjoy ka ba?" Nakangiting asong tanong ni Eli.

"Wala. Hindi ko nasulit dahil trabaho ang ipinunta ko doon, sira 'to," Pero may mga nangyaring hindi ko enexpect. "Pero ang ganda ng Thailand."

Sinapak nito ng mahina ang braso ko. "Sanaol pa rin nakapuntang Thailand! Maraming gwapo 'no?"

I sighed. "Syempre, marami. Sana pala isinilid kita sa maleta ko at dinala kita doon." Biro ko.

"Oh edi bakit hindi mo ginawa? Pwede naman yun ah. Sayang ang mga gwapo doon at hindi nasilayan ang alindog ko!"

Nagmamartsa itong umalis. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga 'tong si Elizalde. I composed myself at nagsimula na ring magtrabaho. Itong Eli na 'to lagi akong dinadaldal. Mabuti't ni minsan hindi kami napagalitan.

"Come here!" Tawag sa akin ng isang lalaking customer. Agad akong lumapit sa kanya. He's kind of red, halatang tinamaan na. Mukhang bagong salta ito dito dahil ngayon ko lang nakita.

"Ano pong gusto niyong inumin, Sir?" Magalang na tanong ko dito. Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa kaya medyo nailang ako. May hitsura naman pero halatang maloko.

"Ikaw? Gusto mo bang inumin 'tong katas ko?"

Agad na nagpang-abot ang kilay ko. "Sir, nagtatanong po ako ng maayos." Mahinanong sabi ko kahit ang totoo'y nagsisimula na akong kabahan.

"Why? Ayos din naman ang balik tanong ko ah? All you have to do is to answer me. Do you want my milk, slut?"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig. What did he call me? Slut? Napalunok ako at pilit kinalma ang sarili ko.

"Sir, kung hindi ho kayo—"

Nagulat ako ng hilahin nito ang kamay ko't ipinatong sa harapan nito. Pilit kong hinihila ang kamay ko pero mas diniinan niya ang hawak doon na halos mabali ang daliri ko.

"Sir! Ano ba?!" Naiiyak na ako dahil nararamdaman ko ang pagkabuhay ng pagkakalalaki nito.

"Don't act as if you don't like this, slut."

"BITIWAN MO AKO!" Bulyaw ko dito pero nginisihan lang ako nito. Lalo akong naalarma nang igalaw nito ang kamay ko.

"Ahh shit your hands are too good!"

Tuluyan na ngang kumawala ang mga luha sa mata ko. I felt so harassed. Ramdam ko na rin ang sakit ng daliri ko dahil sa paraan ng paghawak ng lalaking 'to sa kamay ko.

"Bitiwan niyo ho—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may sumipa ng pagkalakas-lakas sa lalaking bumabastos sa akin. Napahiga ang lalaki sa sahig at agad siyang dinaluhan ng lalaking sumipa. Pinagsusuntok siya nito.

"Fuck you! Fuck you! I'm going to fucking kill you!"

Kitang-kita ko ang lakas ng bawat suntok na ibinibigay nito. Nabanaag ko rin ang dugo sa kamao nito na sigurado akong galing doon sa lalaking nakahiga. Doon ako naalarma. Agad kong tinakbo ang lalaking galit na galit ngayon at hinila ito patayo upang tumigil siya.

Nakatingin lang sa amin ang ibang nakasaksi. Walang gustong umawat dahil talagang nakakatakot siya ngayon, parang handa siyang pumatay.

"TAMA NA!" Sigaw ko dahil nagpumiglas ito sa pagkakahawak ko. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago ko siya niyakap mula sa likuran. Nanginginig ang katawan nito. Galit na galit.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon