Chapter 13

16.8K 734 81
                                    

Sage Imperial's

"Pasensya ka na talaga, Marcus ha? Hindi ako pwede sa Sunday."

I'm with Marcus tonight. Nag-aya siyang lumabas kasi gusto niya raw kumain ng isaw. Naaadik na ata. He bought 50 sticks of isaw tonight.

"It's okay, Sagey baby. I understand," he said while smiling at me. Natawa ako nang makita kong may sauce sa gilid ng labi nito kaya pinunasan ko gamit ang daliri ko.

"Ba–bakit?" I asked when I noticed that he's not moving. Umawang ang mga labi niya kaya lalo akong nagtaka.

"Huy! Bakit nga? Sorry kung ako na mismo ang nagpahid, hindi ko na uulitin—"

He covered my mouth. "No, Sagey baby. I was fucking moved by what you did."

Sinundan niya ang sinabi niya ng isang ngiti kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Tumahimik naman ito and so I looked at him. Kain ito ng kain ng isaw, ako nga dalawa pa lang ang nauubos eh.

"This is really delicious! Added to favorites!"

Hindi ko mapigilang humanga na naman. Wala talaga itong kaarte-arte. "Marcus, sorry ulit ha? Iba na lang ang dalhin mo." I said.

"If it's not you then it won't be anyone else."

Napailing na lang ako sa sinabi nito. Kahit kailan naman talaga 'tong si Marcus, oo. "Kumain ka na nga lang dyan," I said while eyeing at him. Ngumiti na naman ito.

Napangiwi ako nang makita ko ang mga sticks ng isaw na naubos na niya. Si manang na nagtitinda ay tuwang-tuwa nang makita kami ulit. Nagtanong pa kung kami na ba raw ni Marcus. Jusko naman!

"I'll drive you home tonight, Sagey baby and I won't accept a 'no, thank you' as an answer."

Halos tumirik na ang mata ko sa pagkaka-irita dahil sa binibigay na tingin sa akin ni Sammy ngayon habang nakaupo sa may harap namin ni Marcus. Actually, my whole family is seating and eyeing at me and Marcus. Si Sammy ang sobrang nakangisi.

"Ang haba ng buhok ni kuya 'no, Santi?" Sammy chuckled . "Share naman ng secret mo dyan, kuya."

Pinandilatan ko si Sammy. "Tumigil ka nga, Sammy. Marcus is a friend of mine." Pagkaklaro ko sa kanila.

Tumikhim si Marcus. "Yes, we're friends and I like him."

Napanganga si mama't papa, si Sammy ay hinila ang buhok ni Santi. Napatingin ako kay Marcus at kumindat ito sa akin. Napanguso ako.

Kaya ayokong magpahatid dahil alam kong kukulitin lang ako ng mga kapatid at magulang ko. Kaya heto, in the end, pinilit nila akong papasukin si Marcus.

"Ganda-ganda naman talaga ng anak mo, mama," sabi ni Sammy na hindi na mawala ang ngisi sa labi.

"Hijo, aba'y seryusuhin mo iyang anak namin dahil iitakin kita—"

"PAPA! Tama na nga!" I looked at mama para sana magpatulong pero nakangisi lang din ito. "Mama naman!" Pagmamaktol ko.

"Wala naman akong sinabi ah?"

Hinila ko na lang patayo si Marcus dahil hindi kami matitigil kung hindi ito uuwi. Marcus looked at me. Pinandilatan ko ito ng mata. Ngumuso naman siya bago tumingin kina mama.

"Aalis na po ako." Paalam nito.

Ngumiti lang at tumango ang buong pamilya ko. Bumaling sa akin si Sammy at nginisihan ako. Inirapan ko siya bago hinila si Marcus palabas.

"Wag mabilis mag drive, Marcus." Sabi ko habang nakasilip sa bintana ng kotse niya.

Ngumisi ito. "Yes, wife. Mag-iingat ako."

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon