Chapter 43

11.3K 465 12
                                    

Sage Imperial's

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at kaagad na naalala ang mga pangyayari. Those guys took me and Sammy and they injected something to us that made us unconscious.

Bigla kong naalala ang cellphone ko. Nakatago ito loob ng jacket na suot. The jacket has an inside pocket in it kaya naitago ko ang cellphone. Hindi ko lang sigurado kung hindi ba namatay o kung na trace ba kami ni Alejandro.

Sinubukan kong gumalaw at doon ko napansin na nakatali ang mga kamay ko sa likod ng upuan. I roamed my eyes around and it made my heart break. Nakita kong kagaya ko'y nakatali rin sila. Si mama Janette ay tahimik, si Santi nakayuko at parang nawawalan na ng pag-asa, si Sammy na umiiyak at si papa na puno ng pasa ang mukha habang malungkot na nakatingin sa akin. Bumuhos ang mga luha ko.

"Papa..." Mahina kong tawag.

Malungkot lang ang mga mata nito't hindi magawang magsalita dahil sa bugbog na natamo. Gusto kong magwala! Galit na galit ang buong pagkatao ko habang nakatingin sa pamilya kong nahihirapan.

How evil Eli could he be? Gaano ba kalaki ang galit niya't umabot siya sa ganito?

How could he be so heartless?

Dahil sa nararamdaman kong galit, lungkot at sakit, tumulo ang mga luha ko. Basag na basag ang puso ko dahil nagawa ni Elizalde ang ganitong bagay. Siguro'y hindi sapat para sa kanya na masaktan ako na ako lang, idadamay niya ang buong pamilya ko.

Pilit kung kinakalas ang pagkakatali sa akin ng hindi napapansin ng mga lalaking nakapalibot sa amin kahit pa sobrang kabado ng puso ko dahil sa mga baril nila.

I can't give up just now. Hindi pwedeng panghinaan ako ng loob. I have to fight for my family and my future baby.

Baby, kapit ka lang kay papa ha? Maging malakas ra rin diyan sa loob. Kakayanin natin 'to. Mahal ka ni papa, anak.

"Kuya Sage,"

Lumingon ako kay Sammy nang tawagin niya ako. Umiiyak pa rin ito at lalo lamang akong nasasaktan dahil wala man lang akong magawa, na kasalanan ko 'to kaya sila nadadamay.

"Kuya, alam ko... alam kong sinisisi mo ang sarili mo ngayon dahil sa nangyayari pero kuya, gusto kong malaman mo na hindi mo ito kasalanan. Wala kang kasalanan at mahal na mahal ka namin ni Santi kahit na hindi ka namin tunay na kapatid." She cried.

Nagsalita rin si Santi na ngayon ay pilit na pinapasigla ang boses kahit halatang pinanghihinaan na ng loob. "Totoo yan, kuya Sage. Nagpapasalamat pa rin kami dahil alam naming puro ang pagmamahal mo para sa amin. Huwag mong sisisihin ang sarili mo, kuya. Hindi mo 'to kasalanan."

Awang-awa ako sa kanila. Alam kung nahihirapan at natatakot na sila sa kalagayan namin ngayon dahil hindi kami sigurado kung ano ang mangyayari. Kung mabubuhay pa kami, kung may darating bang tulong dahil hindi ko na alam kung nakuha ba ni Alejandro ang eksaktong lokasyon ko.

Are you even sure he would save you? He's in love with Elizalde. Anang isip ko na sinagot naman kaagad ng puso ko. Alejandro will come, Sage.

"Anak, mahal na mahal kita."

Lalo lang akong nadurog nang marinig ko ang nahihirapang boses ni papa. Nakadistansya kaming lahat sa isa't-isa kaya hindi ko man lang magawang ilapit maski ang ulo ko sa kanila.

I gave him a smile to assure him that we will get through this. "Kapit lang papa, kapit lang. Makalalabas tayo rito ng buhay."

"Sage, anak ko-"

Mama Janette was cut off when someone came out from the dark corner of this 4 cornered room. Si Elizalde. Naglakad ito papalapit sa amin at huminto sa hindi kalayuan ngunit hindi rin kalapitan sa pwesto kung saan kami nakatali. Blanko ang ekspresyon niya habang nakatingin sa akin.

"ELI! Nakikiusap ako, itigil mo na 'to. Hayaan mo na kami, Eli. Nasaktan mo na ako 'di ba? Hindi ka pa kontento? Kailangan mo bang idamay ang mga taong importante sa akin? Tigilan mo na 'to, Eli. Please..." I cried.

"Sinabi ko naman 'di ba? Hindi ko maibibigay ang katahimikang gusto mo." He coldly answer. Nadurog ako.

"Gaano ba kalaki ang kasalanan ng mga magulang ko sa mama mo para gawin mo ito sa amin, Eli ha? Bakit mo ba 'to ginagawa, Eli?"

Tipid siyang ngumiti. "Ginagawa ko ito para sa mama ko, Sage. Sana maintindihan mo dahil anak ka rin. May mga bagay na ayaw nating gawin pero kailangan. Kailangan kong gawin dahil mahal ko ang mama ko."

"Kailangan mong maging walang awa para sa mama mo? Pagmamahal ba yun, Eli? Pagmamahal ba yun-"

"OO! PAGMAMAHAL NG ISANG ANAK SA ISANG MAGULANG. IYON YUN, SAGE!"

Mapakla akong tumawa. "At sino namang magulang ang matutuwa sa ginagawa mo, Sage? Ang mama mo? Siguro. Ngayon, iharap mo siya sa akin dahil mag-uusap kami! GUSTO KONG MAINTINDIHAN KUNG BAKIT KAILANGANG UMABOT SA GANITO!"

"Wala kang alam, Sage. Wala."

"PWES IPAALAM MO SA'KIN, ELI. SABIHIN MO NA KUNG BAKIT DAHIL MABABALIW NA AKO KAKAISIP NG MGA SAGOT!"

Isa-isa kong tinignan ang pamilya ko. Umiiyak sila habang tahimik lang na nakatingin sa amin. Kapit lang kayo.

I looked at Eli with a somber eyes. "Eli, nakikiusap ako. Kahit hindi ko sila kadugo, anak ako at kapatid pa rin ang turing kinsa kanila 'di ba? Sana... Sana maintindihan mo ang pagmamahal ko, Eli. Sana umabot sa puso mo 'to, buntis ako at kailangan ng anak ko ang pagmamahal ng isang magulang. Oo, Eli. May anghel sa loob ko."

Eli's mouth fell open. Alam kong nagulat silang lahat dahil rinig ko rin ang pagsinghap nila Sammy.

"Bun- buntis ka? Paanong-"

I cut Eli off.

"Oo, buntis ako, Eli. Mahirap ipaliwanag pero buntis ako. Kaya nakikiusap ako, Eli. Pakawalan mo na kami at hayaan mo na kaming mamuhay ng tahimik. Eli, please! Please..."

Kumakapit ako sa munting pag-asa na magbabago pa ang isip ni Eli. Kung hindi man ay sana humaba pa ang usapan hanggang sa dumating ang tulong. Kung meron man.

"Hindi ko kayo guguluhin ni Alejandro kung iyon lang ang gusto mo. Hindi rin kita ipapakulong o ano. Basta hayaan mo lang kaming makaalis at kakalimutan natin ang lahat ng 'to. Nagmamakaawa ako, Eli."

Kung hindi lang ako nakatali ngayo'y malamang ay lumuhod na ako sa harap niya. Kung hihilingin man niyang lumuhod ako, gagawin ko mailigtas ko lang ang pamilya't anak ko.

"Nagmamakaawa ako..."

All my hopes shattered into pieces when I heard his answer.

"As what I've said, I can never give you the peace that you want, Sage. I can't."

Bumuhos pang lalo ang mga luha ko dahil sa narinig. His voice were filled with so much finality. Hindi na ba talaga magbabago ang isip niya?

"At... At anong gagawin mo sa amin, Eli? Papatayin mo kami? Ganun ba? Hindi ka na ba talaga naaawa? Tao ka pa ba, Eli?"

I asked him habang kinakalas ang tali ko. Kung hindi ko man siya mapapakiusapan, gagawa pa rin ako ng paraan upang makaligtas dito. Hindi ako papayag na dito magtatapos ang lahat.

I want to become a parent and see my child. I can't die. Not here. Not now.

"I pity you, Sage. It's just that I can't give you the peace that you want."

Umiling-iling ako sa narinig mula kay Eli. Naaawa siya sa akin pero hindi niya kayang ibigay ang hinihiling ko?

"Minahal kita at tinuring na para na ring kapatid. Kaya hindi ko matanggap na nagawa mo sa akin 'to, Eli. Ramdam ko yung pagmamahal mo sa akin bilang kaibigan noon eh pero itinapon mo lang. Bakit, Eli? BAKIT? BAKIT MO GINAWA SA AKIN 'TO KUNG PINAGKATIWALAAN KITA NG LUBOS! BAKIT, ELI?! WHY CAN'T YOU JUST FUCKING LET THIS GO AND LET OUR LIFE BE IN PEACE?

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon