Chapter 35

10.7K 512 41
                                    

Sage Imperial's

It's been a week.

Isang linggo na pala simula noong walang awang wasakin ni Alejandro at Eli ang puso ko. Isang linggo na mula noong nalaman ko na ang buhay ko ay punong-puno pala ng kasinungalingan.

They betrayed me and the most painful part is that they're all the individuals whom I trust the most. May mas sasakit pa ba sa nararamdaman ko ngayon?

"You're crying again,"

Marahan kong hinaplos gamit ang palad ko ang pisngi ko't naramdaman kong nabasa ito. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na naman pala ako.

Hindi ba mauubos 'tong luha ko?

Kailan ba matatapos 'tong sakit na nararamdaman ko?

Naramdaman ko ang pag-upo ni Maxine sa tabi ko. Oo, si Maxine ang hindi ko inaasahang magiging sandalan ko sa panahong ng pagkawasak kong 'to.

"Sage, I don't have any idea how much pain you're feeling right now but I want you to know that I will always be here for you, hindi man naging maganda ang una nating pagkikita."

Kinabig ako ni Maxine marahang pinasandal sa kanya. Mas lalo lang bumuhos ang mga luha ko dahil pakiramdam ko ngayo'y ang hina-hina ko.

"How is he?"

Sabay kaming napalingon ni Maxine sa may pinto at doon nakita namin si Marcus na kakapasok lang. He went straight to us at pagkatapos ay pumwesto siya sa kabilang side ko kaya napapagitnaan nila ako. I sighed.

"Sagey baby, how are you feeling?" he asked.

Mapait muna akong ngumiti. "Tinatanong pa ba yan, Marcus? Hindi ako okay. Hindi..." My voice broke. "Ang sakit pa rin talaga. Sob— sobrang sakit pa talaga. Hindi... Hindi pa rin ako makapaniwala. Paano, Marcus? Ha?! Paano nila nagawa sa'kin to?!"

Pinaghahampas ko ang dibdib ni Marcus dahil kailangan ko ng mapaglalabasan ng galit at sakit. Hinayaan niya lang ako, ganoon din si Maxine na tahimik lang sa tabi ko. Hampas lang ako ng hampas hanggang sa mapagod ako. I reached for his coat and then I grabbed it.

Marahas ang naging paghawak ko sa coat niya. "Pinagkatiwalaan ko sila! MINAHAL ko ng totoo ang kapatid mo! MINAHAL KO SIYA PERO HINDI PALA TOTOO ANG PAGMAMAHAL NIYA! Potangina! Bakit ako pa?! Wala akong ginawa kundi ang pagkatiwalaan sila! Marcus, Maxine..." Humina ang boses ko pero malakas na malakas ang pintig ng puso ko sa sakit. "Bakit nila ginawa sa akin 'to?"

Unti-unti kong binitawan ang coat ni Marcus. Iginiya niya ang ulo ko papunta sa dibdib niya't pagkuwan ay masuyo niyang hinahaplos ang ulo ko. Gayun din si Maxine na ramdam ko ang banayad na paghaplos sa likod ko. Hikbi lang ako ng hikbi.

Mahal na mahal ko talaga si Alejandro. Kahit ang sakit-sakit ng ginawa niya, mahal na mahal ko pa rin siya at yun ang nakakagago doon. Bakit ba hindi mamatay-matay 'tong pagmamahal ko para sa kanya. Potanginang pagmamahal 'to!

"I'm sorry for not telling you the truth, Sage."

Bahagya kong nilingon si Maxine at nagpakawala ng matipid na ngiti. "Naiintindihan ko kayo, Maxine."

What truth she's telling about?

I closed my eyes as I drifted my mind back to what happened when I opened my eyes and recognized that I am inside the hospital.

***

Parang binibiyak ang ulo ko habang unti-unti kong iminumulat ang mga mata ko. Sa una'y malabo pero kalaunay naging klaro sa aking paningin ang isang puting kisame.

Mahina kong inilibot ang paningin ko sa loob at doon ko nasigurado na nasa loob ako ng hospital. Ako lang mag-isa.

Ano bang nangyari?

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon