Chapter 06

20.3K 875 189
                                    

Sage Imperial's

"Kuya Sage! May naghahanap sayo kuya!"

Malakas na tawag sa'kin ng kapatid ko. Nasa likuran kasi ako at tinitignan ang mga tanim na gulay ni mama. Ano raw? May naghahanap sa'kin?

"Kuya! Halika nga muna bilis!" Sigaw ulit ng kapatid ko kaya inayos ko ang sarili ko bago nagsimulang maglakad papunta sa harapan ng bahay.

"Sino raw yan, papa?" Tanong ko sa papa ko na naabutan kong tinatanaw ang kung sino mang nasa labas ng maliit na gate namin.

"Hindi ko alam, nak. Basta hinahanap ka raw. Boyfriend mo ba iyan?"

Natawa ako sa tanong ni papa. "Wala po akong boyfriend, papa."

Sobrang swerte ko kasi tanggap ako ng pamilya ko ng buong puso. I'm blessed to have a family like them.

"Naku! Kapag nagkaroon ka'y iharap mo agad sa akin dahil hahabulin ko ng itak! Aba dapat umakyat din siya ng ligaw sa amin."

"Papa talaga!"

Tumawa lang ako't nilampasan si papa para puntahan ang isa sa mga kapatid kong ngayon ay nakangising nakatingin sa akin. Nagtaas baba pa ang kilay niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sino raw yan, Sammy?" I asked nang makalapit na ako.

"Hindi ko alam, kuya. Nasa loob siya ng kotse eh. Sabi niya lang tawagin kita. Boyfriend mo, kuya? Ayieeee 'di na siya magiging virgin!" Kilig na sabi nito. "Ang gwapo pa naman."

Hindi naman na talaga ako virgin, Sammy. Kung alam mo lang.

Napailing na lang ako't binuksan ang kahoy na gate namin. Agad kong nilapitan ang kotseng nakaparada. Ang gara ng kotse— it's a bugatti chiron. Pero sino naman kaya 'to?

I stopped at the front of the car at hinintay na lumabas ang kung sino mang nasa loob. I waited for like 2 minutes kaya medyo nairita at nagsimula ng kumunot ang noo ko. Ayokong lumapit kasi baka matulad ako sa mga balita na biglang binabaril. Better stay safe than sorry. Malay ko ba 'di ba?

Bumukas na ang pinto kaya medyo umatras ako baka may baril. Chos! Iniluwa nun si—

"Sir Alejandro?!"

Oo, si Sir Alejandro Alfonso III.

"Anong ginagawa niyo dito, Sir? Day off ko ho ngayon 'di ba? Paano niyo nalaman kung saan ako nakatira?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Akala ko pa Naman I'm free from Sir Alejandro today. Tapos heto siya ngayon?

"I know that it's your day off but I need you," He paused. "And I have my ways in finding where you live."

Okay pero iba na naman ang dating nun sa'kin. Kailan ka naging assuming, Sage? Peste! Compose yourself. I sighed.

"Saan? Emergency po?" Kasi kung hindi pumunta kang mag-isa!

He nodded. Wala na akong magagawa. Pinasadahan ko siya ng tingin. Kahit pasuotin siguro ng punit-punit na damit 'tong si Sir Alejandro, magmumukha lang siyang model. Kung hindi lang sana masama ang ugali nito eh isa na talaga 'tong perfect package.

"Stop staring and change your clothes. Don't wear formal, just your casual kasi sa labas ka lang naman."

Gusto kong ngumiwi. Bakit pa ako dadalhin kung display lang pala ako sa labas? Tumango na lamang ako at bahagyang yumuko tanda ng pagpapaalam. Tinalikuran ko na siya't naglakad ngunit napansin kong nakasunod siya kaya I looked back at him.

"Anong ginagawa mo, Sir?" I asked.

"I'm obviously following you. You blind?" Sama talaga ng ugali nito. Tinaasan ko siya ng kilay. "What? You don't expect me to wait inside the car, right?" He's irritated, I'm sure.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon