Chapter 44

11.7K 470 119
                                    

Sage Imperial's

Eli didn't speak instead he's looking blankly and directly at—— mama Janette who slowly stood up. My forehead creased.

"Unfortunately, he can't give you the peace of life that you want because I said so. Hangga't hindi ko sinasabi, hindi niya pwedeng gawin, Sage."

Sabi ni mama Janette at naglakad papunta sa pwesto ni Eli. Nang makalapit ay bahagyang pumunta sa likuran si Eli. Ngayon, nakatingin na sa'kin si mama Janette at nakangisi.

"Anong— ano— mama! Ano 'to?!"

Pilit kong itinatanggi ang naiisip ko ngayon. Ayokong isipin na— na...

"Hindi ba klaro sa sinabi ko kanina, Sage? Well, kung hindi, kaklaruhin ko na. AKO ANG NASA LIKOD NG LAHAT NG KALBARYO SA BUHAY NIYO, SA BUHAY MO!"

Sinundan niya ito ng isang halakhak na bumabasag lalo sa ngayon sa basag kong puso. Hindi 'to totoo! HINDI!

I weep as I closed my eyes firmly. "HINDI! HINDI 'TO TOTOO! NANAGINIP LANG AKO! HINDI! Mama Janette will never do this to me. HINDI SIYA MASAMA—"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko. Tumagilid ng bahagya ang ulo ko't naramdaman ko ang sakit na parang nangangati. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala sa akin si mama Janette.

"BUNTIS SI SAGE!" Sigaw ni papa Fausto na hindi pinansin ni mama Janette.

"HUWAG MO SIYANG SASAKTAN!"

Ngumisi si mama Janette at hinawakan ang panga ko. Pinisil niya ito ng malakas dahilan para bahagyang bumuka ang bibig ko.

"Mama... Mama, ba—bakit?" Tanong ko habang namamalisbis ang masaganang luha mula sa aking mga mata.

Masakit ang ginagawa niyang pagpisil sa panga ko pero wala ng mas sasakit pa sa isipin na tuluyan ng nagsi-sink in sa utak ko.

"Gusto mong maliwanagan?" she asked at mas lalo pang pinisil ang panga ko. Punong-puno ng galit at panggigil ang ginagawa niya. "Pagbibigyan kita para naman hindi na mag-abala pang magkwento ang mama't papa mo kapag isinunod na kita sa kanila."

I no longer can see the loving mother while looking at mama Janette right now. Parang ibang tao ang kaharap ko. She's not the woman who raised us, who raised me.

Marahas ang pagbitiw niya sa panga ko. Hindi ko iniwan ang mga mata niya at alam na alam kung nakikita niya ang sobrang sakit at kaguluhan sa mga nangyayari. Guhong-guho na ang mundo ko. Hindi ko maintindihan. Hindi ko matanggap, hinding-hindi!

"Naalala mo ba ang kwento ko sayo noon, Sage? Tungkol sa tatlong matalik na kaibigan? That was partially true. Bakit bahagyang totoo lang? Because I lied. Klaro ba, Sage? May hindi totoo sa kwentong sinabi ko."

Piniga pang lalo ang puso ko. Pigang-piga na ang sakit-sakit na sa pakiramdam. Ang sakit na.

"Sa sinabi ko sayo, si Elizabeth ang pinagmukha kong masama. Pinalabas kong siya ang naging karibal ni Lorraine at pinalabas ko sayo na siya ang pumatay kina Lorraine at Sancho when the truth is," She gave me an evil stare.

"AKO YUN, SAGE. HINDI SI ELIZABETH."

Pakiwari ko'y binagsakan ako ng langit at lupa habang naririnig ko ang mga lumalabas sa bibig ni mama Janette. Gusto kong magwala! Gusto kong itanong sa Diyos kung bakit nangyayari ito sa buhay ko.

Bakit kailangang ako pa?

Mama Janette continued. "Sino at ano ang totoo kay Elizabeth? Makinig kang mabuti, Sage. Si Elizabeth ang totoong nanay ni Eli, Sammy at Santi. OO! Magkakapatid sila at si Elizalde ang panganay! Ang totoong asawa ng kinilala mong ama ay si Elizabeth at hindi ako. NAIINTINDIHAN MO BA? INAGAW KO ANG BUHAY NA DAPAT AY KAY ELIZABETH PARA PAHIRAPAN KAYONG LAHAT! KAYONG LAHAT!"

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon