Chapter 36

10.6K 520 44
                                    

Sage Imperial's

The night is cold and so as my heart.

I found myself crying while looking at the city lights from where I am standing right now.

Ang lamig at namanhid na ito dahil sa mga emosyong nagtagpo sa loob. Gusto ko ngang tanggalin 'tong mga mata kong hindi ata napapagod maglabas ng luha.

Gusto kong mapag-isa muna at trinaydor na naman ako ng puso ko dahil pinili nito ang isang lugar kung saan tanaw na tanaw ko ang mga city lights.

City lights? It should be beautiful to look at pero ngayon ang sakit-sakit ng titigan ang mga ito. A beautiful sad view for someone whose broke like me.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap si mama at tanungin siya sa lahat. I turned off my phone so that no one can call me. Tanging si Marcus lang ang nakakaalam na nakikituloy ako pansamantala kay Maxine.

Hindi ko na ipinaalam kina Sammy o kahit kay Caelus ang nangyayari sa buhay ko dahil ayokong pati sila ay problemahin ako. Pinakiusapan ko si mama noong nasa hospital pa ako na huwag niyang sabihin kina papa ang nangyari. Iyon lang ang naging pag-uusap namin ni mama dahil kinabukasan ay itinakas ako nina Marcus at Maxine.

Darating rin ang araw na haharapin ko at aalamin ang kung ano mang totoo sa buhay kong 'to pero sa ngayon ay pagpapahingahin ko muna ang puso ko.

My heart deserves a break from everything that it's going through. Actually, not just my heart but the whole me.

I wiped off my tears as I slowly sat down on the grass. Niyakap ko ang mga binti ko ngunit hindi iniwan ng mga mata ko ang maliliwanag na city lights. Ngayon ko lalong naramdaman ang matinding pagod.

"Pasensya ka na, tatanga-tanga tayong pumili eh. Sa sobrang pihikan ko'y napunta ako sa taong sasaktan lang ako sa huli. Tatanga-tanga ng taong pagkakatiwalaan kaya heto sa huli'y umiiyak. I felt so betrayed. "I'm sorry for being dumb, self." Mahinang kausap ko sa sarili.

Muling bumalik sa utak ko ang first monthsarry namin ni Alejandro na naging dahilan ng mapakla kong pagtawa.

"Alejandro, may the love between us never fade away," I paused as I let down the tears to come out.

"Mahal na mahal kita."

Hinalik-halikan niya ang buhok ko bago niya ako masuyong inilayo sa kanya. He wiped off the tears from my eyes and then once again, he kissed me.

"I hope you do recognize the fact that I am here for you and I love you truly, sweetheart."

Sinungaling ka, Alejandro. Ang galing mong magpanggap, sa sobrang galing inakala kong totoo na. Totoo na sa wakas ay nahanap ko na ang tamang tao na matagal ko at buong pasensya kong hinintay pero sa huli'y nagkamali ako.

Isa kang malaking pagkakamali na nangyari sa buhay ko.

Malamig na tingin ang ibinigay ko sa lalaking bumungad sa pinto matapos ang aking ikatlong katok. Kinailangan ko pang pigilan ang malakas na pintig ng puso ko nang makita ko na siyang muli matapos niya akong saktan.

Yes, Sage, you love him and he doesn't feel the same. He made you fell just because the love of his life told him to do so.

Nakita ko ang pagdaan ng isang emosyong hindi ko kaagad napangalanan dahil agad rin itong nawala. He gave me a blank stare which made a pang pain.

Well, I never thought I would be stepping in his unit again. I don't want to but I have to. Wala na akong planong kausapin pa silang dalawa ni Eli. Sapat na ang ginawa nila at ang mga narinig ko. Ang gusto ko na lang kausapin ngayon ay ang kinilala kong ina.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon