Chapter 41

12.8K 546 86
                                    

Sage Imperial's

Nakatayo lang ako habang nakatingin kay Alejandro na sobrang busy sa ginagawa niyang pagluluto. He presented to cook for lunch. I said no at first but then I agreed at the end and I saw how his face lit up.

Hinayaan ko na lang na siya na ang magluto dahil napansin kong nagbago ang mood niya noong sinabi ko kaninang ayokong magkaanak sa kanya. Totoo naman yung mga sinabi ko at ayokong bawiin. Para saan kung babawiin ko?

Patuloy lang ako sa pagmamasid sa ginagawa niya pero hindi ako nakikialam. Mabuting matuto siyang magluto para sa sarili niya.

"Sigurado ka bang makakain natin yang niluluto mo kuno?" Himig pang-aasar na tanong ko. He looked back at me and then he winked. Sumikdo ng bahagya ang puso ko.

"Of course, sweetheart. I practiced cooking my own food while you're not here. This maybe not as delicious as the ones you've made but I am sure, this is still edible."

Napailing na lang ako. Nagpatuloy siya sa pagluluto. This is his first time to cook for us dahil dati, noong magkasama pa kami, ako ang nagluluto.

It's just that this is the first and definitely the last.

"Sage," he called.

"Hmm?"

"I love you."

Natigilan ako. Gusto kong matuwa pero hindi ko magawa dahil alam ko naman ang totoo. Alam na alam ko at ayokong umasa dahil amin nga ang araw na 'to pero alam ko naman ang magiging katapusan nito. His love? It'll never be for me.

"Hindi ako si Elizalde, Alejandro."

Nakita ko ang bahagyang pagtigas ng balikat niya. Mapait akong napangiti sa likuran. Maybe he realized what he said.

Alejandro faced me. Malamlam na naman ang mga mata niya. Sinalubong ko ang malalim at nakakalunod niyang mga mata.

"Mahal kita, Sage. Haven't I told you before? Don't you remember those city lights at our first month? I told you that I truly love you and I hope you will recognize that. Sage—"

I cut him off as I bitterly smile.

"You mean recognise the lies behind those words of yours? Alejandro, pwede ba? Atin ang araw na 'to pero hindi mo kailangang magsinungaling. Just please stop telling me that you love me when the truth is you never did!"

Lumapit siya sa akin but I stepped back. I thought this set up will went smooth turns out I am wrong. Sino ba naman kasing tanga ang papayag na pagbigyan ang taong nanakit sa kanya na kalimutan sandali ang kasalanang nagawa nito?

Ikaw, Sage. Ikaw. Sagot ng isipan ko.

Tinalikuran ko siya't naglakad papunta sa kwarto namin, dati. Kahit tinawag niya ako'y hindi ako lumingon hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa kwarto.

I immediately went to the bedside table at kinuha ang cellphone kong nakapatong. Pabagsak akong umupo sa kama at sinubukang kalmahin ang sarili ko. I don't want to get out mad.

Humiga ako sa kama at rumagasa na naman sa isip ko ang mga masasayang alaalang nabuo namin sa loob ng dalawang buwan. Alaalang walang saysay dahil produkto lamang ng kasinungalingan.

Marahan kong hinaplos ang tiyan ko't malungkot na ngumiti.

Pasensya ka na, anak. You'll grow up without knowing your father because I don't have any plans to tell him. Wala.

Yes, I am pregnant. Muntik ko ng hindi malaman ang gagawin at sasabihin kanina nang mabanggit ni Alejandro ang salitang male pregnancy at carrier. Hindi ko inaasahan yun. Mabuti na lamang at nakaya ko.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon