Chapter 11

18.1K 753 69
                                    

Sage Imperial's

"Sage, I have something important to finish so you will have to overtime. I'll just drive you home. Okay?"

Kaya andito pa rin ako ngayon sa office ni Sir Alejandro kahit 7 pm na. Wala akong pasok ngayon sa bar kaya ayos lang din. I just texted Sammy na sabihin kina mama na matatagalan ako pag-uwi.

Wala akong ginagawa kaya nakatunganga lang ako dito. "Sir, bibili ho sana ako ng pagkain? Baka po magutom or nagugutom na kayo." Suggest ko pero actually, ako talaga ang gutom. Nahihiya lang ako magsabi.

"Okay." Maiksing sagot nito. Agad na akong tumayo at inayos ang sarili ko. I was about to leave the office when I heard Sir Alejandro again.

"You don't have to go out. Pwede naman tayong magpa-deliver."

"Hindi na, Sir. Dyan lang naman ako sa malapit na restaurant eh. Mag tataxi ho ako."

Tinitigan lang ako nito. He then closed his laptop and then he stood up that made my forehead to creased. "Saan kayo pupunta, Sir?"

Naglakad lang siya palapit sa akin at walang sabi-sabing hinila ang braso ko at sabay kaming lumabas ng office niya at kinaladkad ako papuntang elevator.

"Sir! Bitiw nga. Saan ba kayo? May gusto ba kayong bilhin ko—"

"Obviously, I'm coming with you."

Lalo lang kumunot ang noo ko. Bumukas ang elevator at hinila niya ako papasok bago ako binitawan.

"Bakit pa kayo sasama, Sir? Pwede namang ako na lang. Baka maabala—"

"And why the fuck are you asking why, Sage? Are you meeting someone? You still have works to do kaya hindi ka pwedeng maglandi!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ewan ko sayo, Sir! Lagi mo na lang sinasabing may lalaki ako. Hindi ho ako kaladkarin kung iyan ang iniisip mo, Sir."

Nagsisimula na naman akong mairita sa kanya. Kung ano-ano na lang ang iniisip patungkol sa akin. Nakaka-offend oy!

"Hindi porke't ipinilit ko ang sarili ko sayo noong gabing yun ay mababang klase na ako. I maybe not pure anymore but it doesn't mean I'll go around with anyone."

Nag-iwas na lamang ako ng tingin kasi naiiyak ako. Para kasing pinapamukha niyang mababa ako porke't ipinilit ko ang sarili ko sa kanya noong gabing yun.

"Sage," he called.

Hindi ako kumibo. Bahagya rin akong lumayo sa kanya. Hanggang sa bumukas ang elevator ay hindi ko na siya kinibo. Bakit pa? Nauna siyang lumabas pero sumabay siya sa'kin palabas ng main building.

Binati kami ng mga security guards na nginitian ko na lamang. Hindi naman kumibo ni ngumiti ang kasama ko, as usual.

"Wait for me. I'll just get the car."

Nakatungo lang ako. Umalis saglit si Sir Alejandro upang kunin ang kotse niya. Hindi naman nagtagal ay bumalik na ito. I immediately went inside his car, fastened my seatbelt and I looked at the front. Ayoko siyang tignan. Naiinis ako.

The car started moving and I stayed firm with my position. Hindi ko tinitignan si Sir Alejandro. Bwesit siya! Lagi niya na lang sinasabi na naglalandi ako eh hindi naman.

"Fuck this."

Fuck mo mukha mo!

Hanggang sa makarating kami sa restaurant ay wala akong imik. Akmang lalabas na ako nang pigilan niya ako dahil siya na lang daw ang papasok sa loob. Hindi ako nakipagtalo. Bahala siya.

Tinanaw ko siya habang papasok sa loob ng restaurant. All the people outside were looking at him most especially women. Napapalingon talaga sila. Ang iba'y ngumingiti pero tuloy-tuloy lang siya papasok sa loob. Syempre, isa yang Alejandro Alfonso III.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon