Chapter 03

22.8K 870 119
                                    

Sage Imperial's

Ang inaasahan kong pagpapatalsik sa trabaho ay hindi nangyari. Hindi ko nakita ang Chairman, as usual, na sobrang ipinagpasalamat ko dahil nakakagalaw ako ng maayos ng walang iniisip.

Baka pag andito siya'y maitapon ko lang 'tong mga papel sa pagmumukha niya. Char! Syempre 'di ko gagawin baka matagpuan ko na lang ang sariling nakalutang sa ilog at wala ng buhay.

Palingon-lingon ako sa desk ni Caelus pero hindi ito dumating. Aba? Lunes na lunes aabsent. Nasaan kaya ang maingay na yun?

Nagkibit-balikat lamang ako at ipinagpatuloy ang trabaho ko. Marahang ingay lamang ang maririnig mula sa aking mga ka-opisina dahil kagaya ko'y nagtatrabaho sila ng maayos. Alam na, mahirap pumalpak lalo na't may Chairman na kanang kamay ata ng demonyo.

"Huuuuy!"

Agad akong napatingin kay Erin, magkatabi lang ang desk namin. Nginitian ko siya.

"Bakit?" I asked.

"Masyado ka namang focus dyan," puna nito. "Wala namang masyadong gagawin ngayong araw."

Nagkibit-balikat na lamang ako. Nagtatanong pa 'to eh alam naman niya kung bakit.

"Huwag mo nga akong daldalin, Erin. Baka pumasok bigla yung halimaw nating boss at makita tayong nag-uusap sa oras ng trabaho baka patalsikin pa tayo."

"Sino? Si Sir Juancho?"

Pagak akong natawa. "Okay sana kung si Sir Juancho pero hindi eh. Yung halimaw na Chairman."

Napangisi si Erin at nangalumbaba. Nanatili siyang nakahilig sa upuan niya. Makita kong nagningning ang nga mata niya.

"Kahit naman halimaw yang si Sir Alejandro, hindi talaga maitatangging ang gwapo niya eh!" Kinikilig na sabi nito. Ngumiwi ako at ibinalik ang tingin ko sa screen ng computer ko. I can't believe her!

Bakit ba sila humahanga doon? Sabagay, ilan lang naman ang naniniwala sa kasabihang, "Ugali hindi ang hitsura."

"Sage," Si Erin.

"Oh?" I asked still typing something on my computer.

"Malaki at mahaba kaya ang alaga ni Sir Alejandro? I think yes na yes!"

Nadiin ko ang isang keyboard sa sobrang pagkabigla sa itinanong ni Erin. Napalunok ako nang maalala ko na naman ang paggising kong nakahubad sa tabi ni Alejandro. Pilit ko na ngang kalimutan eh.

Isa lamang yung bangungot!

"Hoy, Sage!" Kinurot ni Erin ang tagiliran ko kaya napaigtad ako. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano?" Naiinis kong tanong.

"Sabi ko mahaba at malaki kaya—"

"Hindi ko alam!" Napabulyaw ako sa pagsagot na ikinatingin ng iba pa naming katrabaho. Nginitian ko na lamang sila.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Erin na nakangisi. Sinamaan ko ulit siya ng tingin. Parehas lang talaga dilang dalawa ni Caelus, puros madaldal.

"Tatanong lang eh. Ba't ka galit?" Kulit ni Erin.

"Manahimik ka nga, Erin. Magtrabaho ka dyan."

Mabuti naman at tumahimik na ito. Bahagya ko siyang sinulyapan at nakita kong nagfofocus na ito sa computer niya. Mabuti naman.

I keep myself busy nang biglang lapitan ako ng sekretarya ni Sir Juancho at sinabing gusto akong makausap ng CEO kaya dali-dali akong sumunod sa kanya.

"Bakit niya raw ako ipinapatawag?" Hindi ko mapigilang tanong kay Lalaine na akmang bubuksan na ang pinto.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon