Chapter 21

16.2K 604 119
                                    

Someone's

I swirled the wine that I am holding habang hawak ang larawan ng isang masayang pamilya. Niluma na ito ng panahon pero banaag pa rin ang saya nila sa mukha.

Gusto ko itong punitin pero hindi ko muna gagawin. Hindi pa ito ang tamang panahon para doon. Gusto kong isang bagsakan na lang sakit na mararamdaman niya, ang kaisa-isang taong makakatikim ng ganti ko.

"Hiniling mo na lang sana na namatay ka," Bulong ko sa hangin habang titig na titig sa larawan. "Magsaya ka lang dahil konti na lang, konting panahon na lang."

Humalakhak ako at rinig na rinig sa apat na sulok ng kwartong kinaroroonan ko. Ininom ko ang wine at dumaan ang magkahalong tamis at pait sa bibig ko. Ngumisi ako.

"Bakit mo ba 'to ginagawa?"

Napaharap ako sa taong nagsalita at tinapon ko dito ang sobrang wine na nasa kopita na hawak ko.

"Hindi ba't sinabi ko sayong wala kang karapatang tanungin ako? Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong lagyan ko ng butas iyang bumbunan mo."

Tumahimik ito. Mabuti naman. Isa lang naman siya sa mga alipin ko na kapag nagkamali ng konti, sasabog ang bungo.

"You will bleed like how I bleed long years ago. 'saka lang ako makokontento kapag tuluyan mo ng natubos lahat-lahat."

Bulong ko habang nakatingin sa larawan ng batang napapagitnaan ng mga magulang.

Muli akong humalakhak bago ko inayos ang sarili dahil maya-maya pa ay darating na ang taong tinutukoy ko, ang batang nasa larawan. Darating na si Sage.

"Poor you, Sage. The innocent and dumb one. Wala ka man lang kaalam-alam sa mga mangyayari sayo sa mga susunod na buwan."

Sulitin mo ang panahong natitira, Sage dahil hindi na yan magtatagal.

Sage Imperial's

"Marcus! Andito na ako!"

Sigaw ko habang kinakalampag ang pinto ng condo unit niya. Patuloy ako sa pagkalampag pero ang tagal niyang buksan.

"Hoy! Ano ba, Marcus?!" Sigaw ko ulit.

Para tuloy akong nag-eeskandalo. Ilang saglit pa'y bumukas ang pinto at bumungad sa'kin ang nakangiting Marcus at pinagpapawisan.

"Anong nangyari sayo?" Kinunutan ko siya ng noo. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ano bang ginawa mo sa loob?"

Itinulak niya ang noo ko gamit ang hintuturo niya bago siya lumabas at isinarado ang pinto ng condo unit niya.

"Bakit ka ba pawis na pawis?" Tanong ko habang nasa loob na kami ng elevator at papunta sa floor ni Alejandro.

"Huwag mo ng itanong, Sagey baby dahil sigurado akong ikaw ang mahihiya kapag sinabi ko." He laughed.

Parang alam ko na kung anong ginagawa niya kaya itinikom ko na lang ang bibig ko dahil siguradong mahalay ang magiging sagot niya kapag nagtanong pa akong muli.

The elevator opened and we both went out. Naglakad kaming dalawa papunta sa condo unit ni Alejandro. Nang dumating kami ay may naabutan pa kaming naka-jacket at mabilis na naglalakad palayo. Likod na lang ang nakita namin.

"Galing ba yun sa unit ni Alejandro?" Mahinang tanong ni Marcus. Nagkibit-balikat ako.

"Hindi siguro. Baka dyan sa kabila," sabi ko't kinatok na ang pinto ng unit niya. Marcus went closer to the door at inakbayan ako bago tinitigan ang maliit na— camera?

"Asshole! Get the fuck out! Sagey baby and I are waiting for you."

Napailing na lamang ako dahil halata namang iniinis niya si Alejandro. Mas humigpit pa ang akbay nito sa akin. Doon ay agad na bumukas ang pinto at isang nakabusangot na mukha ni Alejandro ang bumungad sa amin.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon