Chapter 08

19K 829 110
                                    

Sage Imperial's

"Sage, dalhin mo ito kay Juancho."

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa table ni Sir Alejandro nang marinig ko ito. Kinuha ko ito sa kanyang mga kamay at walang pasabing tumalikod na upang lumabas.

Iniiwasan ko talaga si Sir Alejandro kaya laking pasasalamat ko nang tawagin ako nito at utusan. Tatagalan ko ang pagbalik dito. Hahanap na lang ako ng rason.

Sa wakas!

I went inside the elevator at pinindot ang floor kung saan ang office ni Sir Juancho. Mahigpit ang hawak ko sa mga papel habang hinihibtay na magbukas ang elevator.

Bakit ko nga ba iniiwasan si Sir Alejandro?

I have to. Dahil baka tingin nito sa'kin kay mababa. Kaya ganun kadali sa kanya ang halik-halikan ako dahil tinutugon ko naman. Ang lakas ng loob kong bulyawan at suntukin siya noon sa pool pero heto ako ngayon, nagpapahalik lang din. Nakakainis!

Nang bumukas ang elevator ay agad na akong lumabas at tinungo ang office ni Sir Juancho. The other employees greeted me at tinanong pa ako kung kamusta daw ba ang pagiging p.a. ng isang Alejandro Alfonso III at ang swerte ko raw. Pinili ko na lang ang huwag sumagot.

Pagdating ko sa harap ng office ay wala ang secretary nitong si Lalaine sa desk nito and then I noticed that the door is kinda open kaya pumasok na rin ako only to see— Lalaine whose trying to button her long sleeve, Sir Juancho whose standing yet unable to speak or move and— Caelus whose crying but without emotions.

My jaw dropped. Ni hindi nga nila napansin ang pagpasok ko sa sobrang bigat ng pakiramdam na nakabalot ngayon sa loob ng office na 'to.

"Cae..." Juancho called Caelus pero nanatili itong nakatayo, umiiyak ngunit walang emosyon.

"I had enough, Juancho. Ayoko na. Nakakapagod ka pa lang mahalin." Malamig na pagkakasabi ni Caelus na kahit ako'y nakaramdam ng takot. Lumamlam ang mga mata ni Sir Juancho.

Caelus...

"Heto ang gusto mo 'di ba? Ang makalaya mula sa akin? Then I'm giving it to you. Thanks for 3 years of misery. I'm finally free from the CEO's wrath."

Caelus turned his back against Lalaine and Sir Juancho, he was a bit surprised when he saw that I am here. Malungkot siyang ngumiti sa akin at kumirot ang ng matindi ang puso ko. Seeing him crying and sad is unusual.

Kahit kailan hindi ko nakita si Caelus na malungkot or umiyak sa harapan ko. He's always cheerful and talkative... and now I figured it out, he's great in faking his feelings.

Nakikita ko ngayon ang totoong nararamdaman ni Caelus na alam kong pilit niyang pineke sa harap ng ibang tao. He turned his back and started to walk away.

Nagmamadali kong inilapag ang papel na ipinapabigay ni Sir Alejandro. Caelus needs me right now. Bago ako tuluyang sumunod kay Caelus ay binigyan ko ng isang masamang tingin si Sir Juancho. Akmang susundan nito si Caelus pero agad kong iniharang ang kamay ko sa dibdib niya making him stop.

"Don't even try, Sir Juancho."

Caelus is a close friend of mine and no one should hurt him. Not even Juancho Alfonso.

I hurriedly followed Caelus.

Caelus and I found ourselves at the rooftop. He's crying his heart out while I stood up beside him and I let him cry all he wants. He needs to let it out.

"Nagmahal lang naman ako, Sage. Kasalanan ko rin 'to kasi ipinilit ko ang sarili ko sa kanya, ang sakit potangina!"

Mariin akong napapikit sa lutong ng mura at sa sakit na mahahalata sa boses ni Caelus. It's like he's been holding his pain for so long.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon