Chapter 07

19.7K 820 86
                                    

Sage Imperial's

Agad na akong dumistansya kay Sir Alejandro nang napagtanto kong kami ang ang tinutukoy nila. Wala namang kibo si Sir Alejandro at itinulak na ang cart.

Na offend kaya siya?

Sunod lang ako ng sunod sa kanya but I keep my distance. Nagbago na rin ang isip kong mag groceries. Uutusan ko na lang sina Santi at Sammy.

Hindi pa rin ako makapagsalita. Ewan ko ba. Napansin ko namang halos ubusin na talaga ni Sir Alejandro ang kung ano mang makita niya. Mayayaman nga naman.

"Sir, may kasama po ba kayo sa condo niyo?" Hindi ko na mapigilang magtanong kasi halos magsuka na ang cart sa dami. Huminto ito at lumingon sa'kin at kinunutan ako ng noo. Ano na naman ho?

"Sage," Malamig na banggit nito sa pangalan ko. Ang mga mata nito'y parang sinusuri ang kaloob-looban ko. Nakakailang! Hindi ba niya alam yun? Or ako lang talaga ang overacting?

"Po?" Mahina kong sagot.

"Why the fuck are you distancing yourself from me?"

Ngumiti na lamang ako ng kimi. "Baka ho kasi mangdiri kayo. Baka na offend kayo sa sinabi nung mga babae kanina—"

"Why would I? I was not even disgusted when I did that thing with you."

Napipilan ako sa sinabi nito. Gumapang ang init sa buong mukha ko pataas sa tenga ko. Umawang ang mga labi ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Bakit ba kasi walang preno ang bibig nito? And why is he not denying na may nangyari sa'min? Hindi ba't siya mismo ang nagsabing kalimutan na lang yun? He even offered me his money.

I looked around at nakahinga ako ng maluwag dahil malayo-layo sa amin ang iba pang taong andito.

"Sir, huwag na nga ho nating pag-usapan yun. Naiilang ho ako." Pag-amin ko sa totoong nararamdaman ko ngayon. Up until now hindi ko lubos maisip na ibinigay ko ang sarili ko sa kanya.

"Come here," he commanded at nang hindi ako gumalaw ay inisang hakbang niya ako't inilagak sa tabi niya. As in sa tabi niya!

"Don't distance yourself, Sage. Don't try to disobey me."

Fine.

"You're blushing, I see." he mockingly said.

Inirapan ko na lang siya't hindi na kumibo. Mahirap kalaban ang isang taong walang preno ang bibig.

Pinigilan ko ang matawa habang nakamasid kay Sir Alejandro na nakapila. Halata mong iritado na talaga ito sa cashier.

Marami na na nga siyang binili, itong cashier naman parang pagong kung kumilos. Paano ba naman kasi, panay ang tingin niya kay Sir Alejandro kaya hindi na pa-punch in ng maayos ang mga pinamili ni Sir.

Ako naman ay nasa tabi ng bagger na lalaki at halos bumunghalit na ng tawa. Sabi ko naman kasi na ako na ang magbabayad para hindi na siya mahirapan tapos sinagot niya lang ako ng, "No. Baka itakbo mo ang credit card ko."

Ayan. Karma mo yang bwesit ka. Isaksak mo sa esophagus mo yang credit card mo. Magdusa ka ngayon.

"Sir,"

Napatingin ako sa bagger at nakita kong nakatingin ito sa'kin. Bahagya akong ngumiti at binigyan siya ng bakit-mo-ako-tinawag look. Ngumiti ito pabalik. Ang cute! He has dimples.

"Akala ko po babae kayo kaya sinubukan ko lang po na tawagin ka," He explained. Tumango ako't ngumiti ulit. "Ang ganda mo po, seryoso." Puri niya sa'kin na ikinapula ng mukha ko.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon