Chapter 28

12.4K 499 22
                                    

Sage Imperial's

"WHAT? YOU'RE ALREADY IN A RELATIONSHIP?!"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Eli dahil sa lakas ng sigaw nito na naging dahilan upang pagtinginan kami ng mga tao dito sa  fast-food chain.

"Gaga! Hinaan mo nga yang boses mo. Grabe naman 'to kung maka-react!" Pabulong kong sabi bago inilayo ang kamay ko sa bibig niya.

Sumimangot siya. "Sino ba naman kasing hindi magugulat ha, Sage? Seryoso ka ba?"

I sighed bago tumango. Nasabi ko na rin 'to kay Caelus through call at kahit siya ma'y gulat na gulat noong sabihin kong boyfriend ko na nga ang Chairman. Nasisiguro ko rin na kung kaharap ko lang si Caelus ay baka nakatanggap na ako ng kurot.

"Sino? Paano? Ano ba, Sage? Seryoso?!"

Pinitik ko ang noo ni Eli. "Totoo nga, Eli. Kami na ng boss ko—"

"WHAT THE HELL?! Boss?! Sugar daddy—"

Tinakpan ko ulit ang bibig niya. Jusme! Nafu-frustrate ako sa iniisip niya ganoon din sa lumalabas sa bibig niya.

"Hinaan mo sabi boses mo!" I said irritatedly. "Hindi siya sugar daddy kasi hindi naman nagkakalayo ang edad namin 'saka oo, boyfriend ko ang boss ko." I firmly said before removing my hand that's covering his mouth.

"How come? Paano yung sinasabi mong nagpapalabas ng kalandian mo sa katawan mo?"

"It's the same person, Eli. Ang lalaking sinasabi mong nakakapagpalabas ng kalandian ko sa katawan ay ang lalaking mahal ko ngayon."

His mouth fell. Hindi talaga siya makapaniwala na may boyfriend na ako. Eli knew how much I am avoiding guys kaya gulat talaga siya.

"Omg! I can't— seryoso talaga, Sage Imperial?"

I nodded. Agad niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko't inalog-alog ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil pinagtitinginan na naman kami.

"Tigilan mo nga yang ginagawa mo, Eli. Pinagtitinginan nila tayo oh," I said as I roamed my eyes around.

"Pakialam naman nila?" sabi nito pero binitawan din naman ako bago nangalumbaba. "Are you sure about this, Sage?"

I breathed deeply. "Oo, Eli. Mahal ko talaga. Alam ko na first time ko 'to na makipagrelasyon pero talagang sigurado akong mahal ko talaga siya. Mahal ko so Alejandro, Eli."

Napatango-tango naman ito pagkatapos at ngumiti sa'kin bago niya ginagap ang kamay ko.

"I can feel your sincerity, Sage. Banaag sa mata mo ang pagmamahal mo para sa lalaking yan kaya masaya ako at supportado kita," he said as he pressed my hand lightly. "Sana lang ay hindi ka niya sasaktan ha dahil ako mismo ang puputol sa titi—"

Agad ko siyang pinandilatan kaya natigil siya sa pagsasalita pero nanatili ang ngiti niya.

"Masaya akong nagmahal ka na rin sa wakas, na nagka-boyfriend ka rin. I really hope he won't hurt you, Sage."

Sa sinabing iyon ni Eli at biglang pumasok sa isip ko ang first love ni Alejandro, si Maxine. Bigla akong nawalan ng gana at matabang na ngumiti kay Eli na ikinasimangot ng mukha niya.

"Bakit?" he asked.

"Kasi..." Dapat ko bang sabihin?

"Kasi ano, Sage?! Don't tell me he is already hurting you? Aba! Puputulin ko talaga—"

I cut him off. "Hindi, Eli. Wala kaming problema 'no."

"Oh, eh bakit ganyan mukha mo ha?"

Sumubo muna ako ng pagkain na kanina ko pa pala hindi nagagalaw. Pagkatapos ko itong lunukin ay muli akong tumingin kay Eli na ngayon at halatang iritado na talaga.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon