Chapter 39

11K 501 68
                                    

Sage Imperial's

After listening to the whole truth and after finding out that my family's receiving death threats, agad akong nagpunta sa bar na pinagtatrabahuan dati na pagmamay-ari pala ni Eli.

I want to talk to him personally. Ayoko man pero kailangan dahil kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay ang nakataya. Kung ako lang ay ayos lang pero dinadamay na nila ang pamilyang kumupkop sa akin.

"Nasaan ang amo niyo?" Diretsahang tanong ko nang makapasok sa loob.

Halata sa dati kong mga kasamahan ang gulat marahil ay ngayon lang nila ako nakita ulit. Isa pa 'tong mga 'to. Ang gagaling umarte, paniwalang-paniwala akong normal lang rin na empleyado si Eli dito.

"And why is that you're looking for your old friend, Sage?"

Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses at kaagad na lalong nag-init ang ulo ko nang makita ko ang nakangising si Eli. He motioned the employees to leave the two of us and they did.

"Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo, Eli? Wala ka bang alam kundi sirain at ipahamak ako pati na ang mga taong malapit sa akin ha? Wala akong nagawang kasalanan sayo at HINDI RIN KASALANAN NG TUNAY KONG INA KUNG SIYA MAN ANG PINILI NG PAPA KO!"

Eli rolled his eyes as he took a stepped forward. I didn't bulge. Hindi ako natatakot sa kanya. I just don't want him to entangled my family to this mess! Kung laban man ang tingin niya dito pwes laban lang namin 'tong dalawa. Walang ibang dapat madamay.

"Hindi kasalanan ng mama mo?" he asked.

Matapang ko siyang tinignan. "OO! HINDI NIYA KASALANAN. Minahal niya ang papa ko at minahal din siya ni mama. Problema na yun ng mama mong hindi matanggap ang lahat! Kung tutuusin?" I paused as I took a step forward. Ngayon ay sobrang lapit na namin sa isa't-isa. Walang umatras at hindi ako aatras.

"Ang mama mo ang may kasalanan sa amin, sa akin! She took my parents life! Nakalimutan ko ang lahat at kahit kailan ay hindi ko na maalala ang nakaraan kaya hinding-hindi na ako mabubuo! Naiintindihan mo ba, Eli? NAIINTINDIHAN MO BA?!"

Sumiklab ang galit sa mga mata ni Eli. Pakiramdam ko ay gusto niya akong sugurin pero pinaparamdam ko rin sa kanya na hindi ko siya aatrasan. Hindi ako dapat magpasindak.

"Tigilan mo ang pamilya ko, Eli!" I yelled.

Mahina ngunit madiin ang tono niya. "Wala kang alam, Sage! HINDI MO ALAM ANG PINAGDAANAN KO! Tigilan ang pamilya mo? Hindi mangyayari yun! Hindi magiging mapayapa ang buhay niyo! Hindi ka kailanman magiging masaya! HINDI! Naiintindihan mo ba, Sage? WALANG BUHAY ANG TATAHIMIK!"

I slapped him.

Malakas ang naging sampal ko na naging dahilan ng pagtagilid ng mukha niya. Nanginginig ang mga kamay ko. Dahan-dahan siyang bumaling ng tingin sa akin habang hawak ang pisnging namumula.

"How dare you!" He hissed.

"Masakit ba? Kulang pa nga yan. KULANG na kulang sa ginawa niyo sa akin! Winasak niyo ako, Eli. Winasak niyo ang taong walang ibang ginawa kundi ang pagkatiwalaan at mahalin kayo!" Sarkastiko akong tumawa.

"Masakit din ang pinagdaanan ko, Sage."

"Pero wala akong alam at sa akin mo napiling gumanti. Hindi ba? Ang galing mo naman!"

In an threatening voice, he spoke. "Leave now, Sage. Umalis ka na bago pa ako may magawa kapag naubos ang pasensya ko sayo!"

And now, he gave me a a face to face death threat? He's really different now. Hindi ko na siya kilala— mali. Hindi ko pala talaga kilala ang totoong siya.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon