Chapter 31

10.3K 442 53
                                    

Sage Imperial's

Hindi ko alam kung dapat bang makipagtitigan o umalis na lang sa harap ni Maxine. Oo, si Maxine. She's here, inside Alejandro's condo unit.

Bakit? Pinapasok ko siya dahil halos maglupasay siya kanina sa sahig makapasok lang dito.

Actually, she really went down para umalis pero flat tire raw ang gulong niya kaya hindi siya makaalis. Ayaw rin niyang mag commute. Bumalik siya dito at pinilit akong papasukin siya.

Of course, I had to check kung totoo kaya tinignan ko ang kotse niya sa ibaba at totoo nga naman. The car's tire is flat. Nag-suggest ako na hahanapan ko siya ng masasakyan pero tumanggi ito and so heto nga, nasa loob siya ng condo unit ni Alejandro.

"Stop staring at me! Hindi kita magugustuhan!"

Halos maduwal ako sa narinig ko mula kay Maxine. Ang kapal naman ng babaeng 'to. Kahit siguro straight ako, hinding-hindi ko magugustuhan 'to kahit pa ang ganda.

"Manahimik ka nga! Kahit pa maging purong lalaki ako, hindi kita magugustuhan!" Prangkang sabi ko. "Naririnig mo ba yang sarili mo?"

She rolled her eyes. "Of course, I can hear myself clearly. Hindi ako bingi."

"Alam mo, matulog ka na lang para maaga kang umalis bukas," sabi ko at tumayo na. Nagugutom na rin kasi ako.

"Where are you going?" she asked.

"Kakain." Matabang kong sagot.

"And you would not invite me? Where are your manners?"

"Meron akong manners pero itinago ko."

Naglakad na ako papunta sa dining table para kumain. Kanina pa luto ang ulam pero hindi ko nakain agad dahil pineperwesyo ako ng babaeng 'to. Gutom na gutom na rin talaga ako.

Ayoko man sana siyang tulungan pero babae pa rin siya kaya pinilit ko na lang ang sarili ko. Gabi na rin kasi at baka mapaano pa 'to. Kargo de konsensya pang abutin ko.

Nagsasandok ako ng kanin nang umupo si Maxine sa upuan na malapit sa akin. Kumuha na rin siya ng plato at kutsara. Napabuntong hininga na lang ako bago kumuha ng ulam. After ko, si Maxine naman ang kumuha ng kanya.

We were eating silently. Walang imikan at huwag lang talaga siyang magkakamaling laitin ang ulam na niluto ko, ipapalunok ko sa kanya ang kutsarang gamit niya.

Hindi ko napigilan ang mapatingin kay Maxine. She's eating with full appetite. Ganadong-ganado na parang hindi karibal niya ang nagluto.

"Tingin-tingin mo?" she asked when she noticed that I am looking at her. Agad akong nagbaba ng tingin.

"Hindi ka ba natatakot na baka may lason yang kinakain mo?" I joked but in a serious tone.

She chuckled.

"Duh! Bakit ako matatakot? Edi kapag may lason 'to, dalawa tayong paglalamayan. Anyway, I hate to tell this but yeah fine, masarap ka magluto."

Napahinto ako sa pagnguya at napatingin ako sa kanya. She's not smiling pero seryoso ang mukha niya. Maya-maya pa'y inirapan niya ako at nagpatuloy sa pagkain.

I supressed my smile. Baka isipin nitong okay kaming dalawa. Hindi naman 'di ba? At the end, she's still wants to take Alejandro back.

Sa naisip ko'y natigil ako sa pagsubo ng pagkain. Napansin niya rin siguro kaya huminto rin siya at muling sinalubong ang tingin ko.

"What?" she asked.

I breathed deeply, "Why did you left him when you love him?" Diretsahang tanong ko.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon