Chapter 02

23.8K 924 174
                                    

Sage Imperial's

Nasa pool area ako ngayon at sino pa bang kasama ko kung hindi ang lalaking iniiwasan ko sa opisina. Kanina pa ito tahimik habang nakapamulsa't nakatingin sa payapang pool. I think this is a private pool exclusive for VIPs.

Ayoko na talaga sana 'tong pag-isipan dahil isa itong pagkakamali ko. Sobrang dismayado talaga ako. At sa lahat ng lalaki, bakit siya pa?

"Sir," tawag pansin ko sa kanya ng hindi nakatingin. Nakakatakot kaya ang isang 'to parang anytime lulunurin niya ako sa pool.  "Aalis na po ako." Paalam ko kasi wala na ata itong balak magsalita.

Tumatakas ba ako? Oo.

Tatalikod na sana ako pero biglang naramdaman ko ang marahas na paghaklit niya sa braso ko't pilit na iniharap sa kanya. Para akong nakuryente sa pagkakahawak niya kaya pinilit kong bawiin ang braso ko pero hindi ako nagtagumpay.

"Don't you dare turn your back against me." Malamig pa sa yelong pagkakasabi nito.

"Pa–pasensya na po, Sir." Hinging paumanhin ko kahit ang totoo'y nakaramdam ako ng inis. Alangan naman kasing hindi ako umalis eh parang robot na terminator itong kasama ko.

"Alam mo naman siguro ang nangyari kagabi?" Binitawan niya ang braso ko na ikinahinga ko ng maluwag ngunit nang marealised ko ang tanong nito'y tinambol ng labis na kaba ang dibdib ko.

"Did you know what you did, Imperial?"

Napalunok ako dahil nahimigan ko na ang galit sa boses nito. Hindi ko nga magawang salubungin ang mga mata nito dahil baka mawalan na talaga ako ng ulirat.

"Answer me!" Bulyaw niya.

I flinched a little bit. Naikuyom ko ang mga kamay ko. I let out a loud breath first as I composed myself.

"Sir, sa–sa maniwala man kayo't sa hindi, hindi ko talaga matandaan ang mga pinaggagagawa ko kagabi," pinigil kong pumiyok ang boses ko. "I just woke up in bed...with you. Wala along matandaan sa nangyari. I was so drunk, Sir."

Dahil nakayuko ako'y nakita ko ang pagkuyom ng mga kamay nito. Susuntukin ba niya ako?

"You fucking barged into my room," panimula nito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. "You kissed me, you asked me to take you because you want me—"

"Sana hindi niyo na lang ako pinatulan—"

"You fucking think I didn't try? I did! I tried to stop you. Bakit? Sino ka ba sa akala mo huh?"

Gustong kumawala ng mga luha mula sa mata ko dahil sa sinabi nito. Sino ba ako? Haha. Oo nga naman. Sino nga lang ba ako?

"You insist and insist and insist. You even stripped infront of me. I asked you if you really wanted to get laid and you said yes."

Nanghihina ako sa mga nalaman ko. Hindi ako ganoong klase ng tao pero talagang nawawalan ako ng kontrol kapag sumobra ako sa kalasingan.

"Ikakamatay mo kapag hindi ko naibigay ang gusto mo kagabi, you said that." Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ako ng isang malamig na titig mula sa kanya. "Alam mo bang nakainom ako kagabi?!" He hissed.

"Kung ganoon, bakit niyo naalala kung lasing kayo?" Halos bulong na pagkakatanong ko.

He smirked. "Naka-inom. Hindi lasing. Magkaiba yun. The alcohol inside my body is not enough for me to forget everything last night," Malamig pa rin ang titig nito sa'kin. "I tried resisting and you keep insisting. You're offering yourself, so,"

Huminga muna ako ng malalim. "Ano ho ba talaga ang gusto niyong mangyari?"

"I just wanted to say na isang malaking pagkakamali ang nangyari. It was your fault," sabi nito at parang piniga ang puso ko kasi alam kong totoo. Kasalanan ko. "I don't want to take responsibilities lalo na sa mga katulad mo."

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon